:CHAPTER EIGHT:

73 3 0
                                    

A Lame Update xD

----------------------------------------------------------

Oh titili din kayo kasi sinusundan ako ni Yuri? Huwag ka sabunutan ko kayo eh. Isa kayong malalanding tao sa mundo. Umayos kayo. Wala kayong mapapala sa love story na ito. Oo, spoiler ako hindi si Yuri ang makakatuluyan ko. Pano ko nalaman? Magbasa kayo huwag atat.

Naglalakad na ako. *Uso maglakad kaya huwag niyong isipin na poor ako.* ng biglang may. *Bogs* (Nabanga po ako ng motor.) Hindi naman as in bangga na duguan ako. Ano kayo sinuswerte mamamatay agad ako. HELLO AKO PO BIDA DITO. MANGARAP NA LANG KAYO.

"ARAY!" React ko.

Agad naman bumaba yung sakay ng motor. "Miss are you okay?" Hindi nito tinangal yung helmet nito.

Panget siguro kaya nahiya sa kagandahan ko. My one eyebrow automatically raise up. "Okay ka lang? Ikaw kaya mabanga tingin ko lang kung okay ka pa."

"OA mo naman miss daplis lang yun." Reklamo din nito.

"Aba sumasagot pa. Mahal ang tingil ko sa pagkausap sakin. Dinaplisan mo pa ako..." Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng magsalita ito.

"Oh kita mo daplis ang sinabi mo ibig sabihin may 50 percent off."

"On sale? At huwag atat hindi pa ako tapos magsalita..." Hindi nanaman natapos ni Megan ang sasabihin niya ng sumigaw ito. "Nyeta bastusang bata."

"Motor ko!" Sigaw naman ito sabay lapit sa motor nitong wasak na.

Edi mabuti nakabawi ako ng walang kahirap hirap.

Lumapit naman si Kuya Helmet. (Eh sa nakahelmet eh.) Hinubad nito iyon. (Oh kita mo ito porque hindi na siya ang may kasalanan tatangalin na niya helmet niya.) Sabay hampas ng helmet sa tinted na salaman. Napanganga naman ako dun. *Huwag feeler hindi malaki yun tyaka nabawi ko din agad yun.* Agad naman daw bumaba yung sakay. Wow, Inferness gwapo silang dalawa. *Laugh in mind* Umuulan ng gwapo sa mga paningin ko. Nasabi ko na lang.

"Bakit mo binasag yung salamin ng kotse ko Nathaniel?" Sabi nung lalaking naka kotse.

"Tumigil ka nga Kuya Nathaniel. Sinadya mo yun eh." Sabi naman ni Kuya naka helmet.

Huh? Ano daw parehas silang NATHANIEL? Yung totoo? Nagkakaubusan na ng panagalan at pinili nilang parehas na lang? (Epal ko naman daw.)

"Hindi ko nakita yang pesteng motor mo and don't call me 'Nathaniel' Nathaniel it's Franco." Sabi naman ni Kuya nakakotse ulit.

Tumawa naman ng pagak si NATHANIEL. "And don't call me 'Nathaniel' KUYA Nathaniel it's Francis." Reklamo naman nitong isa.

"Tumigil nga kayo." Aba napalingon naman silang dalawa sa kagandahan ko. Tama yan. Lingunin niyo ang kagandahan ko.

"At sino naman ito?" Tanong ni Franco kay Francis.

Aba may pinagkasunduan?

"Miss mamaya ka na. Nagasgasan ka lang naman kaya mas importante itong Motor kong nasira na nitong hampaslupang ito." Sabay duro kay Franco.

Aba at ako pa ang maghihintay? Lumakad na ako palapit sa kananila. Hinablot ko yung helmet ni Francis at binasag lahat ng salamin ng kotse ni Franco. Nagulat naman daw siya. Tss.. Lumapit ako sa Motor na wasak at hinagisan ito ng posporo. *Huwag ka yung sindi na ano may lamay hahagisan lang?* Nagliyab naman ito. (Excuse me hindi yung sasabog kasi nakahiwalay yung makina dun siya sa kabilang kanto kaya liliyab lang siya. Ano iniisip niyo? Nasasabog siya habang naglalakad ako palayo? Hoy gawa kayo originality.) Naglakad na ako palayo sa kanila. Inaksaya nila ang napakaprecious kong oras tapos etsepwera lang ako. Hah! Manigas sila.

MEGAN CASTRO - THE GODDESS ANGEL (FINISHED/ COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon