Kinakabahan akong pumasok sa faulty office. May kanya kanyang office ang mga professors dito.
Una kong pinuntahan yung pinakamatandang teachers ko.
Pinagpapawisan ako at natatakot ako baka anong isipin nila kapag inalok ko sila ng pera.
Tsaka di ko alam kung paano ko sasabihin sakanila o ibibigay yung pera.
Kagabi di na kami tumuloy sa Rald's Box nagtxt nalang ako kay Renz na di na ako makakapunta.
Binigay sa akin ni Mang Dante yung 30k niya kaninang umaga.
Buti nalang mabait si Mang Dante. Pero naawa din ako sakanya alam kong ipapadala niya ito sa pamilya niya sa probinsya.
Pero di bale ibibigay ko din namab sakanya kapag nakahingi ako ng pera kina Mommy pang JS.
"Mr. Deux what are you doing here?" ang seryosong tanong ni Mrs. Cruz
Paano ko ba sisimulan to! Nganginginig na ang mga kamay ko. Bahala na si Batman.
"M-mrs. C-ruz ...." di ko talaga alam kung paano sasabihin sakanya.
Agad ko pinakita sa kanya yung pera. "Please Mrs. Cruz ipasa niyo na po ako! Please! Magagalit sila Mommy lalo na si Daddy kapag nalaman nilang di ako makakagraduate. Parang awa niyo na." ang naiiyak kong sabi sakanya. Di ko na napigilan umiyak.
"My God! Mr. Tommy Deux! Bibigyan mo ko ng pera para ipasa kita! Are you ..."
"No! No! Wala na kasi ako maisip na paraan. Ayaw niyo naman po ako bigyan ng projects. Please nakakahiya naman kung ako lang ang babagsak sa batch namin" ang sabi ko sakanya.
"Sana naisip mo yan noon pa. Sana pinagbutihan mo ang pagaaral mo. Look at you now you are so desperate to graduate and its your fault after all. You may go now!" ang galit na sabi ni Mrs. Cruz.
Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Ano na gagawin ko!! Kahit pumayag yung iba kong teacher so Mrs. Cruz naman ayaw ako ipasa wala din.
Para akong lantang gulay ngayong lumabas na ako sa Faculty.
Wala akong ganang pumasok ngayon sa inabot kong kahihiyan.
"Tom what happen to you. You look wasted!" ang sabi ni Renz
"Renz wala na talagang pag asa! Di na talaga ako makakagraduate!!!" ang iyak kong sabi sakanya.
Nakakahiya ang ginagawa ko ngayon pag iyak sa hallway buti nalang walang mga tao dito.
"Hey! Tara punta tayo sa coffee shop" ang aya niyang sabi sa akin. Pero tumangi ako wala ako sa mood gumala ngayon. Gusto ko lang ay umuwi at magkulong sa kuwarto ko. Pero di naman puwede magtatanong si Mommy kung bakit maaga ako umuwi ngayon. Edi malilintikan ako sakanya.
"Ok saan mo gusto pumunta? Sasamahan kita" ang pagaalalang sabi ni Renz.
Napangiti nalang ako sakanya dahil simula palang totoong kaibigan ko siya. Di niya ako iniwan hanggang ngayon.
"No thanks. Kaya ko to. Sige na pasok kana sa loob." ang sabi ko sakanya
"Are you sure?"
"Well im not but im still ok." iniwan ko na siya sa hallway at pumunta sa parking lot.
Agad naman lumabas sa kotse si mang Dante.
"Sir Tommy anong nangyari?" ang pag aalalang sabi niya sa akin.
Pumasok muna kami sa loob ng kotse dahil mainit sa labas. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina.
Pati siya wala din masabi. Im hopeless. Wala na talaga!
Paano na ako nito kina Mommy at Daddy siguradong disappointed sila sa akin kapag nalaman nila.
Binigay ko na kay Mang Dante yung pera.
"Gusto mo samahan kita kumausap sa teachers mo?"
Napatingin naman ako sakanya. At kumunot noo ako sakanya ano naman ang sasabihin niya. He just a driver.
"Sir Tommy kausapin muna natin yung sa tingin niyo mabait at madaling kausap. Wag po kayo mag alala magaling po ako kumausap ng ibat ibang klaseng tao" ang sabi nito sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako sakanya. Bahala nga siya.
Sinamahan ko siya sa office ni Sir Valdez siya kasi yung tingin kong madaling kausap.
Siya ang pinakabata sa teachers dito 25 years palang siya pero agad siyang nakapasok dito sa school.
"Mang Dante are sure kaya mo paskiusapan si Sir Valdez"
"Oo naman sir tommy. Wala kang tiwala sa akin. Basta sisiguraduhin ko kapag nakausap na natin yang si Sir Valdez lahat ng teachers mong may bagsak ka ay siya ng bahala kakausap sakanila" ang mayabang na sabi ni Mang Dante.
Ano yun magic?! Pinagloloko ba ako nitong si mang Dante.
"Basta ipapakilala mo ko na Uncle mo ako. Sumakay ka lang sa akin Sir Tommy" ang sabi niya sa akin.
Nagkibit balikat nalang ako.
Pumasok kami sa loob ng office ni Sir Valdez at abala siyang nakaharap sa computer.
"Excuse me Sir Valdez" ang tawag pansin ko sakanya.
Nagulat naman ito. Agad na humarap sa amin.
"Mr. Deux what do you need?" ang tanong niya.
Doon na pumasok si Mang Dante. Nagpakilala siyang Uncle ko siya. Naniwala naman si Sir Valdez.
Napahanga naman ako kay Mang Dante dahil magaling nga siyang kumausap.
"Well as i said ipasa mo lang tong si Tommy. I will do everything just for you Mr. Valdez" ang ngising sabi ni Mang Dante
"Mr. Deux mukhang iba yata ang pagdinig ko sa sinabi mo sa akin" ang seryosong sabi naman ni Mr. Valdez.
"C'mon Mr. Valdez you know what i mean." ang ngising sabi ni Mang Dante
Ano ba tong pinaguusapan nila. Parang hinuhuli nila ang isat isa. Kung sino ang mahuli siya ang taya. Naaliw ako sa usapan nila kaya pinakinggan ko nalang sila.
Napailing naman si Sir Valdez. "Mr. Deux bagsak na si Tommy wala na tayo magagawa" ang sabi naman ni Sir Valdez.
Nagulat nalang ako ng hawakan ni Mang Dante ang kamay ni Sir Valdez at pinisil niya ito.
"Excuse me Mr. Deux mukhang lumalagpas kana sa boundary mo" ang inis na sabi ni Sir Valdez at inalis ang kamay ni Mang Dante.
"Tommy puwede bang lumabas ka muna may paguusapan lang kami ni Mr. Valdez. Tawagin nalang kita pag ok na" ang ngiting sabi ni Mang Dante.
Nagtataka naman ako kung bakit kailangan pa ako lumabas. Pero di na ako tumutol. Lumabas muna ako at nagtxt kay Renz na magkita kami sa canteen.
"Kala ko ba di ka papasok ngayon?" ang tanong ni Renz
"Hindi nga. Si Mang Dante kinakausap niya si Sir Valdez"
Nagulat naman si Renz sa sinabi ko tinanong niya ako kung bakit daw. Ayun sinabi ko sakanya ang dahilan at napaisip naman siya.
"I have idea but let see first. Anyway yung girlfriend mo alam na ba niya na di ka makakagraduate?"
Nasa kabilang school kasi yung girlfriend ko. Nagaaral siya sa Exclusive Girls school. Kaya di kami masyado nagkikita kapag school year dahil na din busy kami pareho lalo na siya.
Umiling lang ako kay Renz. Ano na kaya nangyari sa usapan nila Mang Dante at Sir Valdez.
BINABASA MO ANG
Hashtags S&M Edition
عاطفيةYour favorite Hashtags Members will have there own story. All about SEX AND MONEY Are you ready? SHOW ME YOUR HASHTAGS!!!!!