#2

3.8K 34 5
                                    

Nag general cleaning si Zeus sa kanyang inuupahang apartment. Wala naman siyang masyadong gamit.

Napagisipan niya na ipapaupa niya ang kabilang kuwarto dahil medyo malaki ito at medyo mahal.

Kaya nagtxt siya sa mga kakilala niya kung sino humahanap ng bahay.

Habang hinihintay niya ang mga reply nila ay nagpahinga muna siya.

Nagbalik sa kanyang alaala si Luke. Matapos ang nangyari sakanila nila Luis ay sinabi din nila kung nasaan ba talaga si Luke.

Nasa Canada na pala siya. Kinuha na siya ng kanyang Tito at doon ay nagtratrabaho siya bilang nurse.

Masakit para kay Zeus na di man lang nagpaalam sakanya si Luke bago umalis at wala siyang kaalam alam na  may plano pala itong magtrabaho sa ibang bansa.

Di namalayan ni Zeus na umiiyak na pala siya. Akala niya di na niya mahal si Luke, yun pala ay may natitira oang pagmamahal sa puso nito.

Naalingpungatan siya ng bigla siyang makarinig ng katok. Napansin niya na gumagabi na pala. At nakatulog pala siya.

"Sandali!" ang sabi ni Zeus dahil sobrang lakas ng katok at kala mo ay sisirain na nito ang pinto.

"Tang1na naman sandali lang sabi!" ang inis na sabi ni Zeus.

Pagkabukas ng pinto ay bunungad sakanya si Wilbert.

"Zeus pasensya na sa kasama kong sira ulo pati pintuan mo ay sisirain." ang ngiting sabi ni Wilbert.

"Bat mo yan kasama? Kala ko ba..."

"Wag mo ng ituloy pare! Alam ko naman na inis ito si Wil sa akin" ang ngising sabi ni Kid at pumasok na siya sa loob ng di man  lang nagpaalam kay Zeus.

Napansin ni Zeus na maraming dala si Kid. Tinignan niya si Wilbert upang makakuha ng sagot.

"Ah diba pare naghahanap ka ng kasama sa bahay kaya yan si Kid naghahanap napalayas daw siya sa inuupahan niyang apartment." ang sabi ni Wilbert.

"Ayos naman pala itong apartment mo Zeus. Malinis at malaki" ang ngising sabi ni Kid

Nagdadalawang isip si Zeus kung tatanggapin nito si Kid bilang broadmates.

Naramdaman naman kaagad ni Kid na mukhang ayaw nito makasama siya sa isang bahay.

"Don't worry pare. May pambayad naman ako." kinuha ni Kid ang pera nito sa wallet niya at inilahad niya ito kay Zeus.

"Di naman sa ganun Kid pero...."

"Pare ok lang wag kana mahiya. Im sure kaya ka naghahanap ng makakasama mo dito dahil masyado mahal ang renta in short di mo afford." ang seryosong sabi ni Kid.








"So tell me now Vitto what happen ast night" ang seryosong sabi ni Maru. Nasa loob sila ngayon nga kotse niya. Nagpaalam na sila kay Franco na mauuna dito. Nagdahilan ito na may pupuntahan sila.

Kahit malakas ang aircon sa loob ng kotse ay pinagpapawisan si Vitto.

Minsan tinatanong nito sa kanyang sarili kung bakit siya masyado takot kay Maru.

"M-maru sa totoo lang sinundan ko si Ck. Sa may backdoor ng bar. T-tapos nakita ko siyang may kasamang lalaki na nakahubad. Yun lang at nagounta sila sa parking lot." ang sabi ni Vitto di siya makatingin kay Maru dahil natatakot siya dito.

"One last damn chance Vitto!" ang sigaw na sabi ni Maru sa kanya.

"Ok! Ok! Ok! I will tell you what really happen last night but please Maru wag kanaman sumigaw o magalit." ang sabi ni Vitto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtags S&M EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon