Ang hirap maging mahirap! Minsan nakakakapit ka nalang sa patalim.
Oo mahirap pero kailan. Kung hindi di kami mabubuhay ng pamilya ko.
May trabaho naman ako bilang waiter sa isang Bar.
Minsan suma sideline ako bilang snatcher. Eh wala talaga mahirap kapag elementary lang ang natapos ko.
"Pare Caloy meron ka bang raket ngayon pasama naman" ang tanong ko sa kababata ko.
"Pare wala yun pa din racket ko tulad mong snatcher!" ang natatawang sabi niya.
"Kapag ako nanalo ng lotto bibili agad ako ng lupa at magpapatayo ng bahay na malaki. Para makaalis na kami dito" ang sabi ko sakanya habang nakatingin sa mga bahay na nagsisiksikan.
"Bakit tumataya ka ha ng lotto?" ang agad naman ng tanong niya
Umiling lang ako. Tataya pa ba ako ng lotto kung puwede ko naman ibili nalang ng pagkain.
"Yun lang ang problema. Oh paano tinatawag na ako ni Misis. Kapag meron sasabihin ko agad sayo" ang sabi ni Caloy at nagmamadaling pumunta sa kanyang asawa na kanina pa sumisigaw.
Umuwi na din ako sa amin. Tulad pa din ng dati nasa kuna ang bunso namin na lalaki na si Kiko na 8months old na. Apat kaming magkakapatid at ako pa ang panganay.
Grabe talaga ang buhay oh! Kinarga ko ang bunso namin na si Kiko. Gwapo tong bata na to tulad ng kanyang kuya.
Asan na kaya si Nanay pati na din si Tatay sa pagkakaalam ko ay walang trabaho ngayon si Tatay sa construction. Si nanay naman nagpapahinga dapat yun.
"Oh anak kamusta. Kumain kana ba?" ang masayang tanong ni Nanay at napansin ko agad na bihis na bihis siya at naka make up pa ito. Kasunod niya pumasok si Tatay na maraming dalang grocery.
"Saan kayo nagpunta? Wala kasama si Kiko dito oh!" ang tanong ko sakanila
"Naku anak nilibre kami ni Kumare Celia. Tsaka sinabihan ko si Kerr na bantayan ang kapatid mo ahh asan na ba yung kapatid mo na yun" ang sabi ni Tatay
"Bakit anong meron? Nanalo ba sila ng lotto? Eh wala naman si Kerr dito siguradong naglalaro yun sa labas." ang tanong ko sakanila
"Hindi anak. Yung kababata mo ayun nakahanap ng isang magandang trabaho at instant mayaman na sila." ang sabi ni Nanay
"Anong trabaho naman yun?" ang tanong ko sakanila
"Nagbebenta ng mga condo" ang sabi ni Tatay na abalang inaayos ang mga grocery.
Sabagay may pinag aralan naman yung kababata ko na yun. Napakamot nalang ako ng ulo. Oras na pala para sa trabaho ko sa Bar.
Nagpaalam ako kay babay Kiko at inilagay ko na siya ulit sa kuna. Naligo at nagbihis na ako doon nalang ako kakain sa bar libre naman pagkain doon.
Lumalalim na ang gabi at sabado pa ngayon kaya marami ng din pumapasok sa bar.
Naiinggit ako minsan sa mga ka edad ko na pumupunta dito sa bar. Buti pa sila party party nalang sila.
"Excuse me! Tatanga ka nakang ba dyan?!" ang mataray na sabi ng babae customer di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatanga sa.harapan nila.
"Gwapo sana kaso tanga lang" ang sabi naman ng isa nilang kasaman na babae at nagtawanan pa sila.
"Sorry po mam Ano po order niyo?" ng makuha ko na ang order nila ay pumunta agad ako sa bartender at binigay ang order.
"Nikko ano kaya pa?" ang asar na sabi ni Kuya Yol
"Sakay ka pa Kuya." ang ng maibigay na niya ang order ko ay nagpaalam na ako sakanya at bumalik sa table ng mga babae na halatang anak mayaman.
Natapos ang gabi ng sobrang pagod na pagod! Napangiti ako ng mabilang ko lahat ang mga tip na nakuha ko ngayon gabi 1k lahat lahat. Malaki na din ito pangbili ng gatas ni Bunso.
Nilalakad ko nalang hangga sa bahay namin para makatipid na din ng pamasahe. Tsaka pahirapan ngayon ang sakayan dahil wala masyado jeep sa oras na to.
May nakaagaw pansin sa akin na isang lalaki na may dalang bag. At mukhang may kaya ito.
Hmm... sideline muna kaya ako. Baka malaki din ang makukuha ko sakanya.
Mabilis akong kumilos at sinabay ko siya ng lakad. Madilim ang nilalakaran namin kaya walang makakakiya sa amin pwera nalang kung may dumaan na sasakyan.
Agad ko siyang niyakap at naamoy ko agad ang mabango niya. At amoy mayaman ito.
Napangisu nalang ako malaki ang makukuha ko dito.
"Holdap to. Wag kana lumaban kundi mamamatay ka. Ibigay mo nalang ng maayos ang lahat ng gamit mo" ang mabilis kong sabi sakanya. Sabay na kami naglalakad di mo akalain na may holdapan na nangyayari.
Parang magkaibigan lang kami.
Diretso lang ako nakatingin. Pero ramdam kong nakatingin siya sa akin.
"Gag@ ka ba?! Bat ko naman ibibigay sayo ang mga gamit ko!" ang maangas niyang sabi sa akin.
Bigla akong napatingin sa kanya. T@ngina gwapo ang gag@."Ibigay mo na kung ayaw.mong masaktan" ang galit kong sabi sakanya. Matigas din tong lalaki na to. Kapag ayaw pa din ay wala na akong magagawa kundi pwersahan kong kukunin sa kanya.
"Napakagag@ mo! Laki ng katawan mo di ka magtrabaho!" ang galit niyang sabi sabay siko sa tyan ko at sinapak at sinapa pa niya ako.
Sanay ako gulo kaya agad din ako lumaban sakanya. Sinapak ko siya at napuruhan ko siya at nakatumba siya.
"Ano gag@ ka pala! Isang suntok ka lang pala" mabilis kong kinuha ang lahat ng gamit niya.
NakaIphone6 plus pa ang gag@ mayaman nga.
Nakauwi ako sa bahay namin natutulog na ang mga tao. Napangiti ako ng makita kong gising at nilalaro ang dede niya na walang laman ang bunso namin.
"Bat di ka pa natutulog bunso?" ang sabi ko sakanya.
Pinagtimpla ko siya ng gatas na kakabili ko lang sa isang drugs store na 24/7 na bukas.
Maraming laman ang wallet ng lalaki. Puro tig one thousand. Di ko pa nabibilang pero sigurado akong aabot yun ng 30K.
Naligo muna ako. Napatingin ako sa salamin at nagkapasa pala ako sa mukha at sa katawan. Gag@ na yun! Iniwan ko nalang siya nakahiga at namamalipit sa sakit yung gag@ na yun.
Inaantok na ako kaya bukas ko nalang titignan yung laman ng bag niya pati yung wallet niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/63230625-288-k634713.jpg)
BINABASA MO ANG
Hashtags S&M Edition
RomanceYour favorite Hashtags Members will have there own story. All about SEX AND MONEY Are you ready? SHOW ME YOUR HASHTAGS!!!!!