hellow... hai.. pakibasa po. haha.. yeah... Sorry po kung may mga type errors ako..
~~~~~~majestiquegirl
Kinabukasan.. Maaga akong nagising. Pagbaba ko ng hagdan ay nadatnan ko si mama at papa ng nagbabasa ng diyaryo. "Good morning ma. Good morning pa." Pagbati ko sa kanila. "Oh! good morning din Sweetie." Sabay na tugon ni mama at papa. "Kain ka na." Pagaaya nila sa akin. "Hindi na po. sa school na lang po mama." Sagot ko sabay iling. "Okay. Ikaw ang bahala. bibigyan na lang kita bg pera. Ikaw na ang bahalang bumili ng pagkain mo. Basta kumain ka ha." Pagpapaalala ni mama sabay abot ng pera. "Sige po ma. pa. Alis na po ako. Baka po kasi malate pa po ako. Sige po bye." Sabi ko sabay talikod ko sa kanila. Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko. Ilang minuto lang ang biyahe ko papunta ng school dahil malapit naman ito sa bahay namin.
Maaga akong dumating sa school. Nagulat ako ng may tao na doon at nauna pa sa akin. Nagmamadali ako sa paglalakad ng bigla na lamang matapilok ang sapatos ko. At ang nakakagulat pa ay may sumalo sa akin. "Haay. Salamat ha. Akala ko talaga babagsak na ako sa sahig Salamat." Pagpapasalamat ko sa lalaki ng pagmulat ko ay ang taong nakita ko. Ay ang nakabunguan ko kahapon. "Oh! your welcome missy." Usal ng lalaki. "IKAW!" Sigaw ko sa kanya. "Oo. Sino pa ba!" Sagot niya Habang nakangisi. Gago to ah. Mukhang iniinis ako. "Ano ba naman yan! Sa dinami dami ng tao. Bakit ikaw pa.!" Inis kong sabi. "Ouy. Teka miss anong pangalan mo?" Pagtatanung niya. "Hindi mo na yun kailangang malaman. Hindi na yon mahalaga." Pagtataray kong sagot and roll my eyes. "Teka. Bakit ba ang taray taray mo. Nagtatanung naman ako ng maayos ah! Bakit ba hindi ka din kasi sumagot ng maayos." Sigaw niya na halata naman na naiinis na. "Bakit ba! Diyan ka na nga.!" Singhal ko sa kanya. "Ouy. Miss salamat ha!" Pahabol pa ng lalaki. Hindi ko na siya hinarap. Bahala siya sa buhay niya. Pasalamat nga siya at hindi ko siya binugbog. Kainis.. Sira na naman ang araw ko.
Makalipas ang tagpong iyon ay inakala kl na hindi ko na ulit makikita ang mukha ng lalaking iyon. Pero nagkamali ako. Malapit ng magsimula ang klase namin. Inaantay ko lang sina Tyler,Jin at Van. Miya maya pa ay dumating na din sila. "Ouy. nandiyan ka lang pala Summer. kanina ka pa namin hinahanap. San ka ba kasi nagpunta?" Inis na tanung ni Jin. "Nandito lang naman ako ah. Hinahanap ko din kasi kayo!" Sagot ko sa kanya ng may pagaalinlangan. Miya maya ay dumating na si Ms. Reyes. "Good morning Class." Bati niya. "Good morning din po." Bati namin. "Okay. Be sitted. Mayroon nga pala kayong bagong kaklase." Sabi ni maam na hindi mapakali. At para bang kinikilig. Teen ager lang ang peg niya. Grabe ah. "Sino naman kayayung bago nating kaklase?" Tanung ni Jin. "Hindi ko rin alam eh." Sagot ni Van. "Eh! Ikaw Summer baka naman kilala mo?" Tanung sakin ni Tyler. "Hindi din eh! Totally I have no idea." Sabi ko sabay tingin sa harapan. "Okay. Students. this is your new Classmate. Mr. Louie Vincent Ortega. Please come in." Pagpapakilala ni Ms. Reyes...
~~~~~~~~~to be continued...
~~~~~
gad.. kakabaliw sa school andaming requirements.. haaay.. buhay.. push ko lang to.. Malapit na ang bakasyon.. haha...Gege...
~~~~~~~majestiquegirl
BINABASA MO ANG
ARRANGED TO MARRY A MAFIA BOSS
ActionA girl that will go to college life.. will meet friends.. and she will encounter more danger. But she has a savior. She don't know that there was a man that already falling for her. But this man can't because she might get dead.. She will recieve t...