Page 12-25

10 0 0
                                    


Page 12|Page 13

Entry 9

Awww.. absent si Jin ngayon. bakit kaya? baka naman may sakit siya? halaaa he needs me joke ahahaha! kanina kamo sa P.E naglaro kaming mga babae ng basketball syempre ako pa eh hindi ako marunong, miski driball ng bola tapos ang hirap pa saluhin lagi nila akong tinulutulak kaya nadadapa ako at ang napala ko isang sugat sa kamay, isa sa baba at dalawa sa siko o diba ang saya. pinagalitan nga ako ni Matthew kasi ang tanga tanga ko eh madali lang naman daw magbasketball, ang hirap kaya! pero si mama nung tinanong ako kung bakit at nung nalaman niya yung dahilan dedma. anong klase yun?



Page 14|Page 15

Entry 10

Kinikilig nanaman ako diary!! yiiiieee! nginitian nanaman ako ni Jin! Kyaaaa! bakit ba siya ganun? hindi ko maiwasang mag-assume eh. paano kung may gusto na rin sakin yun? pero etong si Matthew laging bitter, pinanganak lang ba yun para maging bitter? kasi nung kinwento ko sakanya yung nangyari ang sabi niya lang sakin hindi nga niya ako kilala, gusto pa kaya. actually tama siya at nasaktan ako dun kaya tinigil ko nalang pagassume ko.



Page 16|Page 17

Entry 11

May moment nanaman kami ni Jin pero lumevel up na siya! habang naglalakad kasi ako sa hallway tapos inutusan ako ni maam para kunin yung mga books tapos tinawag ko si Matthew para tulungan ako pero ayaw niya daw kaya magisa ako pumunta sa library, naiinis pa nga ako nun eh tapos may kumuha ng books at tatlong books nalang natira sakin at nakita kong si Jin yun. Kyaaaa ang gentleman niya! lalo akong nagkakagusto sakanya eh. may sinabi nga pala sakin si Jin pero hindi ko naintindihan, sabi niya malapit na daw. malapit na ang ano?



Page 18

Entry 12

Inaantok na ako eh, wala naman nangyari ngayong araw na to. absent naman kasi si Jin eh pati si Matthew tapos walang masyadong nagturo at nakinig lang ako ng music sa phone ko. Ang saya ng araw ko ngayon grabe. nagtext pala sakin si Matthew at yun nanaman yung sinabi niya na malapit na daw. ano ba yung malapit? kaurat.



Page 19

Entry 13

Si Jin kilala pala ako! Kinikilig ako! All this time kilala niya pala ako! kasi kanina nagulat ako biglang binati niya ako, sabi niya pa nga "Hi Althea" eh kaya na-shock ako! paano niya ako nakilala? Malapit na pala birthday niya! si Matthew nagpapa-mysterious nanaman, kasi may sinabi siya sakin. sabi niya next week na daw. anong meron sa next week?



Page 20

Entry 14

Shocks! Malapit na birthday ng Jin ko! 'ko' talaga? ahahaha! nung sinabi ko kamo kay Matthew na malapit na birthday ni Jin biglang nagiba mood niya. Medyo naiinis na ako diyan kay Matthew kasi ngayong 4th year nagiba ugali niyan, ano bang nangyayari diyan? name-menopause ba yan o buntis?



Page 21

Entry 15

Nagmall kami ngayon nila mama kasi walang pasok. tapos may nakita akong stufftoy na lion sa blue magic. ang cute cute! gusto ko bilhin kaso wala akong pera. hayyy..



Page 22|Page 23

Entry 16

May sinabi sakin si Matthew, ang sabi niya bukas na daw tapos nung sinagot ko siya ng anong meron bukas eh hindi niya na ako pinansin. Buong araw akong di pinansin ni Matthew. Ano ba kasing meron bukas? kung yung birthday ni Jin yung tinutukoy ni Matthew eh sa isang isang linggo pa naman yun. Hindi niya ako pinansin buong araw! pati hanggang uwian hindi niya ako pinansin kaya magisa ako umuwi.



Page 24|Page 25

Entry 17

Alam mo diary ang tanga ko! Nakalimutan kong birthday pala ngayon ni Matthew! Bestfriend ko pa naman nakalimutan ko, at nung uwian ko pa naalala kasi bigla siyang binati ng classmate namin at narinig ko. Tanga ko talaga! kaya pala ganun nagtampo kahapon. Kaya nung uwian ko na siya nabati at niyaya niya ako sa bahay nila para kumain. eto tuloy ako, tumaba ata. Ang dami kasing pagkain sakanila. Sarap talaga ng pasta ni tita eh. Sabi ko nalang sakanya hintayin niya regalo ko, paghahandaan ko kasi malaki kasalanan ko sakanya. Maaga pa naman ayaw ko pa matulog..




**Give some feedbacks please**

Althea's Diary (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon