Page 53-66

3 0 0
                                    


Page 53|Page 54|Page 55

Entry 37

Kahit na ang daming nangyari kahapon nakapasok parin ako. sabi ko nga sana kanina paggising ko aabsent nalang ako eh pero hindi, pumasok ako. kalat na pala yung pinagpustahan lang ako nila Jin. bigla akong tinabihan ni Matthew sa upuan tapos niyakap niya ako, ang sabi niya pa nga 'sorry, sana di kita iniwan' tapos ako hindi ko napigilan umiyak. dinala niya ako kanina sa garden nung recess, wag daw sa canteen kasi maraming tao dun at baka makita ko lang daw si Jin. tapos kinwento ko sakanya lahat, galit na galit siya. nagtaka ako sa sinabi niya sakin, ang sabi niya 'sana ako nalang kasi' parang nagegets ko na sinasabi niya pero hindi naman siguro, magbestfriend kami eh



Page 56|Page 57|Page 58|Page 59|Page 60|Page 61|Page 62

Entry 38

Ang daming nangyari ngayon diary! naloka ako! hanggang ngayong gabi lokang loka parin ako. ganito na ba talaga ang naka-destined na buhay sakin? bukod sa marami ng nangyari, marami pa akong nalaman na talagang nagpaloka sakin! kanina kasing umaga bago magbell pinuntahan ako ni Jin sa room kasi gusto daw niya ako makausap pero ayoko, nageskandalo na nga siya sa room namin eh pero hindi ko siya hinarap hanggang sa nag-bell na. Nung recess naman marami akong nalaman, nagpunta kasi kami ni Matthew sa garden para magusap tapos nalaman kong yung nagiisa kong bestfriend eh may gusto sakin. nung umpisa palang niya yun nararamdaman pero hindi niya lang daw pinapansin kasi baka wala lang at hanggang nung pasukan saka niya nasigurado na gusto niya daw talaga ako. nalaman ko na rin kung bakit parang bipolar siya kasi daw nagseselos siya kay Jin kada ikekwento ko o di kaya makikita kami. yung hindi niya sakin pagpansin eh paglayo niya daw kasi lalo siyang nasasaktan kaya naisipan niya na lang daw lumayo sakin kaso nagkamali daw siya kasi daw dapat hindi niya nalang ako nilayuan para naprotektahan niya ako mula kay Jin. hindi ko alam ire-react ko nun, natulala nalang ako. eh kasi bestfriend ko siya tapos ganun diba. parang ang pangit. Nung uwian naman na habang naglalakad kami ni Matthew sa labas ng school pauwi biglang humarang samin si Jin tapos sabi ng sabi saakin na mahal na mahal niya daw talaga ako at maniwala daw ako. balikan ko na daw siya. nababaliw daw siya kapag wala ako. Ako naman naiyak nalang sa mga sinabi niya. ewan ko pero hindi na ako naniniwala, niloko niya lang ako noon eh. sana kasi diba sinabi niya nalang sakin ng maaga para naintindihan ko. habang kinakausap niya ako at pinipilit bigla siyang sinuntok ni Matthew kaya nagulat ako. tapos ginantihan naman siya ni Jin, ako sumusigaw nalang na tumigil na sila tapos nung sinubukan ko silang pigilan bigla akong nasuntok kaya nahilo ako at naging dahilan kung bakit ako hinimatay at paggising ko nasa bahay na ako. sabi ni mama, si Matthew daw naghatid sakin.



Page 63|Page 64|Page 65

Entry 39

Ang akala ko porket sabado ngayon eh hindi ko na mahaharap kahihiyan sa mga estudyanteng nakakita kahapon pati si Matthew at Jin. pero hindi pala kasi umalis sila mama at pinaiwan ako kay Matthew. ang laki talaga ng tiwala nila kay Matthew pero sabagay sila tita din naman malaki tiwala sakin. mahigit dalawang taon na rin naman kasi kaming magkaibigan ni Matthew. buong araw wala sila mama kaya kami lang magkasama ni Matthew. sabi daw ni mama kay Matthew bantayan ako. ginawa lang namin nanoond ng movies, una nga naisipan namin manood ng comedy pero bumagsak kami sa horror movies ahahaha masaya naman siya kasama kaso parang medyo awkward na ko sakanya kasi sa may gusto daw siya sakin pero ewan ko lang sakanya kung naiilang siya kasi ako OO. Habang hinihintay namin sila mama, tahimik lang kami kanina. Awkward eh~ nung tinanong ko naman sakanya kung anong nangyari eh di naman siya sumasagot, Nice talking -_-



Page 66

Entry 40

Mula nung umamin si Matthew sakin nagiba na kami. Ako nahihiya na ako sakanya tapos siya naman nagiba turing sakin. Alam mo yung ramdam na ramdam mo siya? Kanina kasi pinipilit niyang dalhin bag ko kapag kasama ko siya tapos hinatid niya ako pauwi. By the way, perfect ako sa math quiz kanina :D



**Give me some feedbacks please**

Althea's Diary (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon