Page 143-150

14 1 3
                                    


Page 143|144

Dear Althea,

Alam mo ba hindi ko parin makakalimutan yung araw na una kitang nakilala. Naalala mo ba yon? Nung first year tapos binubully ka ng mga babae sa likod ng school building. May tinaguan din akong bully non eh kaya ako nagpunta don pero di ko naman aakalain na may binubully rin doon at ikaw yun kaya ayun tinulungan kita. Grabe, kahit ang bading man pakinggan eh naisip ko paring destiny tayo kasi itinadhana talaga ng diyos pagkitain tayo. Laking pasasalamat ko sa diyos at nakilala kita, mula nung makilala kita parang nahanap ko na yung nawawalang parte ng pagkatao ko. Ang saya saya ko kapag kasama kita na parang wala na akong mahihiling pa kahit na magkaibigan lang tayo noon at nung naging tayo eh sobrang saya ko talaga. Kahit na may problema ako, makita lang kita nababawasan kahit papaano problema ko. Pero sa lagay ngayon, hindi kita pwede gamitin para mabawasan ang problema ko, ayoko maging makasarili..



Page 145|146

Nagtataka ka siguro kung paano napunta sakin tong diary mo noh? Naiwan mo kasi ito sa party kagabi kila Denise kaya ayun kinuha ko nalang. Ipapabigay ko na lang to kay Jin para makabalik sayo. Sorry ha pero di ko mapigilan na basahin kasi naman nakita ko pangalan ko saka matagal na tayong di nagkakausap siguro pwede akong magka idea sayo sa pagbasa ng diary mo. Sorry ha, sana patawarin mo ko kapag iniiwasan kita at tinataboy kasi iniisip ko lang naman yung nararamdaman mo at ayoko masaktan ka. Oo masakit para sa iyo yung ginagawa kong pagiwas, paglayo at pagtataboy sayo pero alam kong mas masasaktan ka kapag itinuloy ko pang lalo kang mapalapit at mapamahal sakin. Ayokong maging makasarili Althea. Ayaw kong mawala sa tabi mo na malungkot ka kaya mas mabuti na tong malayo ang loob mo sa akin. Wag kang magalala makakalimutan mo rin ako. Since nabasa ko na aalis ka na at pupuntang america eh sasabihin ko na. Kaya ko talaga piniling ilayo ka sakin dahil ayokong masaktan ka ng sobra, dahil ayaw kong malaman mo na may sakit ako.



Page 147|148

Althea, I have Atrial Septal Defect. May butas ang puso ko and this is in born, bata palang ako delikado na ang puso ko. Kaya nga diba feeling ko may kulang sa akin at nung nakilala kita nabuo yung pagkatao ko. I have this hole in my heart eversince I was born and when you came into my life, you filled that missing part of my heart. Matagal na akong niyaya nila mama na magpagamot abroad but I insisted coz I don't want to leave you alone kasi alam kong nagiisa ka lang at ako lang ang kasama mo. Kaya ngayon lumala yung butas nung puso ko, lalo atang lumala nung napalayo ka sakin kasi nawala yung nagpupuno ng butas sa puso ko. Ngayon, anytime pwede na akong mamatay. Siguro habang binabasa mo to eh wala na ako.. Before I go, I want you to know that I still love you at walang nagbago sa nararamdaman ko. Naniniwala akong hindi mo ginusto yung sa video dahil pinagkakatiwalaan kita coz I know you, I love you and I trust you, but I have to let you go this time. That is it Althea, Goodbye...



Page 149

Entry 114

Grabe namiss ko magsulat sa diary na to, ang bilis ng panahon kasi nung huli kong sulat dito eh highschool graduation tapos ngayon college graduation na. Nagaayos kasi ako ng gamit ko dahil babalik na ko sa pilipinas para sa reunion ng highschool batch namin at saka tinawagan din ako ni Jin para sa wedding. Di ko akalain na may dalawang page pa pala itong diary na to. Mamaya na yung flight ko.. Omg I really miss Philippines..



Page 150

Entry 115

I can't believe it! This diary of mine was still alive! Nakita ko lang to sa mga old things ko. It is been 7 years since nung huli ko itong nasulatan and whoa yung letter ni Honey sakin natatawa nalang ako. Akala mo mamamatay na siya pero pupunta lang rin pala siyang america para magpagamot and fortunately successful yung operation!! Ayun hinanap niya ako sa america and I gave him a chance coz I still love him and now, Matthew and I were married with 2 little kids living happily here in the Philippines. Bat ba ako nageenglish eh wala na ako sa america. Si Jin pa nga nagorganize ng wedding namin noon and he is now a professional architect at kinasal na rin siya sa isang famous actress in the Philippines, I'm so glad that he finally found someone that deserves him. So yeah, this diary witnessed meaningful events in my life so I must keep and treasure it. This will be the last page so goodbye..






Althea's Diary

written by KarCorLee



You are now done reading Althea's Diary.

So drop some feedbacks below ok?? I want to know your reactions.




KarCorLee is signing off~

Althea's Diary (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon