Page 26-37

4 0 0
                                    


Page 26|Page 27

Entry 18

Namiss kita diary! exam week kasi namin tapos kanina lang natapos kaya ngayon lang ako nakapagsulat dito. dumugo utak ko! saka ang daming nangyari, nagpatulong sakin si Jin sa math at hiningi niya na rin number ko. oh my god! hudyat na ba to ng kaligayahan ko? kasi ano eh! whaaa friends na ba kami? siguro kasi nagpaturo siya eh saka nagkakausap na kami pero awkward parin kami! si Matthew naman sabi niya may 1st year daw na lagi siyang sinusundan. natawa nga ako eh, may stalker pa ata tong bestfriend ko.



Page 28|Page 29

Entry 19

Kyaaaa! Shocks! sabi na nga ba eh! hudyat na nga ito! nakatext ko na si Jin! sabi niya sakin sa text nililigawan niya na daw ako. nililigawan niya na pala ako? bat parang hindi? o manhid at tanga lang ako. absent kasi siya ngayong araw na to kasi daw umalis sila. nakakatawa kamo si Matthew kanina ahahahahahahahaha nabaliw sa stalker niyang 1st year kasi naglalakad kami nung napansin niyang sinusundan siya kaya hinila niya ako tapos tumakbo kami habang ako tawa ng tawa. yung itsura niya kasi nakakatawa.



Page 30|Page 31

Entry 20

Kaninang recess niyaya ako ni Jin kumain! kinikilig ako! tapos nagkausap kami. Birthday niya ngayon kaya daw lilibre niya ako. tapos nagkwentuhan kami, nalaman kong magisa lang siyang anak. nalaman ko din na mula nung 3rd year kilala niya na pala ako kasi daw ang ganda ganda ko saka simple lang daw ako. kung alam niya lang gaano ako kabaliw sakanya ahahaha! nung uwian siya kasama ko, paano kasi tong Matthew iniwan nanaman ako parang tanga. kaya si Jin tuloy kasabay ko, balak pa nga ako hatid sa bahay pero ayoko nakakahiya kila mama.



Page 32

Entry 21

Bukas na Intrams day! wala naman ako balak manood ng mga pageant kasi tinatamad ako pero manonood ako ng laban sa basketball ni Matthew. pati pala si Jin may laban din! magkaibang team kasi kami ni Jin kaya ang labas magkalaban si Matthew at Jin.



Page 33|Page 34

Entry 22

Ang galing nila Matthew kanina! nanalo sila! nanalo kami! sayang talo sila Jin. Kanina nga nung nanonood ako sa laban ng team nila Matthew at team nila Jin, hindi ko alam kung kaninong pangalan isisigaw ko eh kaya ginawa ko salitan. kinakawayan nalang nila ako parehas. sabi nga ng mga classmate ko bakit ko daw chini-cheer kalaban eh. Nung uwian hindi ko nakasabay si Jin kasi may pupuntahan daw sila ng barkada niya tapos etong si Matthew yung kasama ko. Niyaya niya pa akong mag-sm nun kasi tanghali naman natapos yung laro nila. Ang nakakatawa nung nasa sm kami, nakasalubong namin yung 1st year na baliw na baliw sakanya kaya siya naman hinila nanaman ako sa kamay tapos nagmadali maglakad. Tawa nanaman ako ng tawa sa itsura niya.



Page 35|Page 36

Entry 23

Tapos na yung intrams kaya back to normal na yung school. Ngayong lang nanaman ako nakapagsulat dito kasi nawala ko sa kwarto. Si Jin kasabay ko kanina saka si Matthew din. Oy ah, first time ko sila nakasabay parehas. habang naglalakad nga kami palabas ng campus, nagkekwentuhan lang kami ni Jin eh tapos si Matthew ang tahimik eh ang daldal daldal nun pag kaming dalawa.



Page 36

Entry 24

One month na palang nanliligaw sakin si Jin noh? grabe, dati crush ko lang siya ngayon manliligaw ko na! susunod boyfriend na tapos magasawa na! whaaaa imagination ko. Alam mo feeling ko may bipolar si Matthew, minsan kasi bigla nalang akong iiwasan lalo na kapag pagkatapos ko magkwento kay Jin. Ano ba nangyari dun? dati di naman ganun yun eh.



Page 37

Entry 25

Kaninang umaga absent si Matthew kaya magisa lang ako. Ayoko naman makisama sa mga plastic kong kaklase. Ang boring talaga pag wala si Matthew..

Althea's Diary (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon