Page 38|Page 39
Entry 26
Pumasok na si Matthew kaso late naman siya. first time niyang na-late this year ah. Sinagot ko na pala kanina si Jin! dun ko siya sinagot sa seven eleven. medyo cheap pero ok lang hehe.. nung sinagot ko siya bigla niya akong niyakap tapos binilhan niya ako ng chocolates. I love chocolates! tapos first time niya akong sinabihan ng 'i love you' at ako ganun din. kinikilig ako!
Page 40|Page 41
Entry 27
Hindi ako pinapansin ni Matthew ngayon, bakit ba? Niyaya nga pala ako ni Jin kaninang pumuntang bayan. nagfoodtrip kami sa bayan. kinikilig talaga ako sakanya at sa mga banat niya kahit corney. pero pinaka kinilig talaga ako dun sa banat niya na nagpangiti talaga sakin. naalala ko pa nga sabi niya "alam mo kahit hindi perfect yang mata, ilong labi at buong mukha mo, ang ganda ganda mo parin"
Page 42
Entry 28
Alas dose na ako nagising kanina, ok lang linggo naman eh at nagulat ako kasi ang daming text ni Jin. 19 messages nga eh tapos yung kalahati puro 'i love you'
Page 43
Entry 29
Lunes na luna absent si Jin ngayon kasi daw masama pakiramdam niya. kawawa naman Jin ko. kaya pinag-pray ko siya.
Page 44
Entry 30
Nagulat ako kaninang umaga sa mga narinig ko. yung classmate ko naguusap tapos narinig ko pangalan ko kaya pinakinggan ko. sabi nila kawawa naman daw ako kasi hindi naman daw totoong gusto ako ni Jin. bigla akong nalungkot sa narinig ko. totoo kaya yun?
Page 45
Entry 31
Absent parin si Jin. Apat na araw na siya absent. buhay pa ba yun? nami-miss ko na siya. si Matthew hindi parin ako pinapansin. isang linggo niya na akong di pinapansin tapos nakakatampo kasi nalaman kong may girlfriend na siya pero hindi ko kilala.
Page 46
Entry 32
Wala, absent parin si Jin. si Matthew hindi parin ako pinapansin. sa kagustuhan kong makita girlfriend niya sinundan ko siya pauwi. syempre dapat pasado sakin girlfriend niya! ayoko ng linta o higad na girlfriend, syempre bestfriend niya ako. nung nakita ko bigla sakanyang yumakap pero siya tahimik lang. ok, maganda naman pero clingy siya. Tss..
Page 47
Entry 33
Sa wakas pumasok na rin si Jin! namiss ko talaga siya. nung recess di niya ako pinuntahan sa room kaya ako pumunta sa room niya. nung nakita niya ako parang nagulat siya tapos nung nilapitan niya ako at nagusap kami nagtataka ako sa tinanong niya kasi hindi ko maintindihan. tinanong niya saakin kung alam ko na daw ba sumagot lang ako ng 'hindi, ano ba yun' tapos bigla niya akong niyakap kahit may ibang tao. ang weird weird niya.
Page 48
Entry 34
Namimiss ko na si Matthew.. nung uwian niyaya ako ni Jin maglakad tapos napadpad kami sa playground. i love you lang siya ng i love you saakin. tapos sabi niya kahit ano daw mangyari mahal na mahal niya ako tapos sakanya daw ako maniwala.
Page 49
Entry 35
Naiiyak na talaga ako sa naririnig ko sa room kanina. narinig ko nanaman kasi yung usapan nila na di talaga ako gusto ni Jin. ayokong maniwala eh kaso hindi ko maiwasan eh. Matthew nasaan ka na ba? bakit kung kelan kailangan ko ng bestfriend wala ka.
Page 50|Page 51|Page 52
Entry 36
Diary ikaw nalang talaga nabubuhusan ko ng nararamdaman ko. nakakainis! kanina sa room hindi ko maiwasang hindi maiyak kahit may klase. pinuntahan ko kasi si Jin sa room niya nung recess tapos tinanong ko siya doon sa mga naririnig kong hindi niya daw talaga ako gusto tapos narinig ng isa niyang katropa at ang sabi nung kaibigan niya totoo daw na hindi talaga ako gusto ni Jin kasi may pustahan sila na kapag naging girlfriend ako ni Jin ng dalawang linggo malilibre siya ng dalawang buwan sa kahit anong gusto niya pinigilan niya ako nung time na yun pero umalis pa rin ako. grabe ang sakit nun diary.. akala ko gusto niya ako talaga pero hindi pala. puro kasinungalingan lang pala lahat ng pinagsasasabi niya sa akin. ganun ba kababaw tingin niya saakin? Wala akong mabuhusan ng sama ng loob at sakit kasi si Matthew di din naman ako pinapansin. bakit ba yung bestfriend ko ayaw ako pansinin? pakiramdam ko tuloy magisa na ako sa mundo.
**Give me some feedbacks please**
BINABASA MO ANG
Althea's Diary (FINISHED)
Teen FictionPersonal Property of: Althea Lynn Domingo Get out of here if you don't own this diary. Only the owner could read this. Just the owner and her diary. **kung chismosa ka, basahin na ang diary ni Althea**