Page 109
Entry 80
Bakit ba ako nagkakaganito?? Makikipaghiwalay na ba si Matthew sakin? Ayoko.
Entry 81
Wala parin saking kumakausap sa school. Feeling ko dejavu nanaman ang nangyayari sakin. Yung magisa ako at walang kausap. Yung hindi ako pinapansin ni Matthew. Yung kung kailangan ko ng kaibigan wala naman sila. Remember? Nung niloko ako ni Jin. Malapit na pala yung 2nd monthsary namin ni Matthew.
Page 110
Entry 82
Ang sakit sakit diary. Nakipaghiwalay na sakin si Matthew. Hindi siya naniniwala na lasing ako nung time na yun at hindi ko alam yung ginagawa ko. Hindi rin siya naniwala na hindi ko siya niloloko at mahal na mahal ko siya. Kung kailan ngayong 2nd monthsary namin eh saka siya nakipaghiwalay. Anong gagawin ko? Ayoko na yatang mabuhay
Page 111
Entry 83
Umabsent muna ako ngayon. Di ko kayang pumasok.
Entry 84
Dalawang araw ako umabsent. Iniiisip ko nga kung magpapadrop nalang ako eh. Saka si mama napansin na ding hindi na niya nakikitang nagpupuntang bahay si Matthew.
Page 112|113
Entry 85
Kanina nung papasok ako ng school may humarang saking lalaking parang ka-age ko lang at nakauniform ding katulad nung samin, bigla niya akong hinapit sa bewang at nalaman kong siya yung lalaking nasa video na hinahalikan ako sa leeg. Natatakot nga ako sakanya eh. Tapos nung sa room naman narinig kong nakipagbalikan na si Matthew sa girlfriend niya at nalaman kong si Rhia pala yun. Kaya pala nung nakita ko si Rhia nung recollection eh familiar siya ayun pala siya yung girlfriend ni Matthew nung bago ako nun ligawan ni Jin. Parang gusto ko na talagang lumipat ng school. Hindi ko na talaga kaya.
Page 114
Entry 86
Namimiss ko na si Matthew. Yung bestfriend ko. Yung boyfriend ko. Yung mahal ko.
Page 115
Entry 87
Kanina sa school nung magisa lang ako sa canteen, bigla akong nilapitan ni Jin at sinamahan. Hindi ko nga siya pinapansin eh pero kinukulit niya parin ako at kinakausap. Nung uwian sinabayan niya rin ako gusto niya pa nga ako ihatid eh pero tinakbuhan ko nalang siya. Siguro nilalapitan niya ako kasi nalaman niya yung nangyari sakin at gusto niya na magkaron ako ng kasama.
Page 116
Entry 88
Dikit parin ng dikit sakin si Jin. Dinadala niya pa yung bag ko. Kanina nga hinatid niya pa ako sa bahay. Kumusta na kaya si Matthew?
Page 117
Entry 89
May tanong ako diary. Masama ba akong tao? Bakit ba ganito nalang ang mga nangyayari sakin. Iniiwan ako ng bestfriend/boyfriend ko, niloko ako ng naging boyfriend ko tapos ngayon niloko ako ng bago kong kaibigan na akala ko kaibigan ko na talaga pero hindi pala. Nalaman ko kasing sila Rhia, Marianne at Jeann ang may kagagawan ng video kung bakit sakin nagalit si Matthew. Sinabi nila sakin. Masama ba akong tao?
Page 118
Entry 90
Ayaw talaga ako tantanan ni Jin. Kahit pinapalayo ko na siya ayaw niya parin. Gusto niya raw kasi talaga akong maging kaibigan. Matapos ng ginawa niya sakin nun gusto niyang maging magkaibigan pa kami? Ako kasi di na masyadong galit pero ewan may something sa loob ko na ayaw ko. Nakita ko nanaman si Matthew kasama si Rhia. Sakit.
Page 119
Entry 91
Bukas na bukas pagkauwi ko ng bahay. Sasabihin ko na kay mama na lilipat na ako school. Gusto ko ng makalimot. Gusto ko ng kalimutan lahat.
Entry 92
Nasabi ko na kay mama na lilipat na ako ng school, nagdahilan ako na nabubully ako kaya pumayag naman siya. Absent ako ngayon, andito lang ako sa bahay buong araw nanood lang ng movie magisa. Pinagpahinga na rin kasi ako ni mama dahil napapansin niyang depressed na ako. Friday na rin naman ngayon kaya okay lang naman siguro umabsent.
**Give some feedbacks**
BINABASA MO ANG
Althea's Diary (FINISHED)
Ficțiune adolescențiPersonal Property of: Althea Lynn Domingo Get out of here if you don't own this diary. Only the owner could read this. Just the owner and her diary. **kung chismosa ka, basahin na ang diary ni Althea**