Page 95
Entry 66
Wala akong maisip ilagay ngayon dito. Wala naman kasing pasok kasi may bagyo. 1st monthsary pa naman namin ni Matthew kaya text and call nalang kami. Badtrip kasi na bagyo yan. I LOVE YOU MATTHEW <3 <3 <3 nalang :D <3
Entry 67
Wala parin pasok. I LOVE YOU MATTHEW <3 <3
Page 96
Entry 68
Natapos na yung Intrams. Halos tatlong linggo rin yung Intrams at sa tatlong linggo na yun tinamad ako magsulat dito sa diary. Ewan ko kung anong topak ko XD
Page 97
Entry 69
Tapos na exam namin! Yehey!! Kaya hindi ako nakakasulat dito busy kasi ako kakareview. Hala bukas Nov 1 na. Kaya puro halloween special at nakakatakot nanaman yung mga palabas sa tv. I love horror :D
Page 98
Entry 70
Niyaya ko si Matthew ngayon dito sa bahay mag movie marathon ng mga horror movie. Kahit duwag yun pumayag parin siya manood, hehe! Lakas ko sakanya.
Page 99
Entry 71
Diary!! May isusumbong ako sayo! Si Matthew kanina nung nasa garden kami at naguusap kami bigla ba namang nanghihingi ng kiss. Hindi lang sa cheeks, kundi kiss sa lips ang hinihingi. Lagi ko kasi siyang kinikiss sa cheeks mula nung sinagot ko siya pero first kiss namin sa lips wala pa! Sinupalpal ko lang siya nung naghihingi siya eh
Page 100
Entry 72
Nakakabadtrip si mama kanina.
Entry 73
Sila Rhia, Marianne at Jeann sinamahan ako kanina sa canteen actually mula nung recollection naging kaibigan ko na sila. Lagi ko na silang kasama kapag recess or uwian basta pag may free time lang, kasi di ko sila classmate eh sayang. Nagkekwentuhan kami lagi about ourselves.
Page 101
Entry 74
Birthday ni Marianne sa isang araw at niyaya niya akong pumunta. Hindi naman daw yun formal kaya hindi na ako mamomroblema sa gown. Isama ko na rin daw si Matthew para masaya.
Page 102
Entry 75
Nakabili na ako ng regalo ko bukas kay Marianne. Buti nalang sabado bukas. Necklace na dolphin lang naman regalo ko. Yieee~ malapit na pala 2nd monthsary namin ni Matthew, ano kayang magandang regalo? Hmmm...
Page 103|Page 104
Entry 76
First time kong makatikim ng alak. Kagabi kasi nung party party na yung music sa birthday ni Marianne eh nagiinuman na sila tapos pinatikim nila ako eh wala sa tabi ko si Matthew kasi may kumausap sakanya tapos ayun madami sila saking pinainom hanggang sa wala na akong maalala tapos pagkagising ko nandito na ako sa bahay sa kama ko. Umaga pa nga lang ngayon eh kaya nagshare agad ako sayo. Kanina pagkagising ko pinagalitan ako ng malala ni mama. Si Matthew daw naghatid sakin kagabi nung wala akong malay.
Page 105
Entry 77
Hindi ako pinapansin nila Rhia, Jeann at Marianne buong araw pati narin si Matthew, hindi rin ako pinapansin. Ewan ko kung bakit. Bukas nga kakausapin ko siya
Page 106
Entry 78
Nakausap ko na si Matthew tapos ang sabi niya sakin bakit ko daw siya niloko. Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya ganun?? Tapos lalo siyang nagalit nung sinabi kong wala akong maintindihan sa sinasabi niyang niloloko ko siya. Hindi ko alam yung mga sinasabi niya.
Page 107|Page 108
Entry 79
Grabe diary, naiiyak na ako sa nangyayari sakin. Sinabihan ako ni Matthew kanina ng malandi kaya nasampal ko siya. Pinilit ko kasi ulit na makipagusap sakin si Matthew kanina. Nung nakausap ko siya kanina may pinakita siya sakin na video na kinagulat ko. Video yun na nakikipagsayawan ako at hinahalikan ako sa leeg ng isang lalaki habang nakahawak siya sa bewang ko at nakayakap ako sa leeg niya. Habang nagtatalo kami ni Matthew sa video bigla niya na lang akong sinabihang malandi at manloloko. Ang sakit sakit nung sinabihan niya ako ng malandi kasi alam kong hindi ako ganun lalong lalo na na hindi ako manloloko tapos sa lahat ng tao bat siya pa na kilalang kilala ko nagsabi sakin nun? Ang sakit. Hindi ko naman siya niloko eh, mahal na mahal ko siya eh
**Drop some feedbacks**

BINABASA MO ANG
Althea's Diary (FINISHED)
Teen FictionPersonal Property of: Althea Lynn Domingo Get out of here if you don't own this diary. Only the owner could read this. Just the owner and her diary. **kung chismosa ka, basahin na ang diary ni Althea**