Page 131-142

9 0 0
                                    



Page 131

Entry 103

Whaaaa naiwan ko tong diary sa room at nakita ni Jin kaya inuwi niya muna. Sabado at linggo kaya nasa kanya ng dalawang araw. Hindi niya raw napigilan na basahin kasi nakita niya raw yung pangalan niya nung bumukas. Nabasa niya lahaaaaat!! Nung binigay niya nga sa akin tahimik siya eh. Alam ko nasaktan siya sa nabasa niya pero kasi arghh..



Page 132

Entry 104

Wala ng klase at clearance week nalang before practice ng graduation. Kinausap ako ni Matthew, ang tagal na nung huli niya akong nakausap ah. Kinausap niya ako nung may inutos sakanya si Sir na sabihin sakin pagkatapos nun wala na. Tinapat ko na rin si Jin, ayoko na kasi siyang paasahin na wala naman siyang mapapala sakin. Ayoko siya bigyan ng pagasa kung hindi ko naman masusuklian lahat ng efforts niya. Pero sabi niya magkaibigan parin naman kami.



Page 133

Entry 105

Nakumpleto ko na mapapirmahan yung clearance ko, next week practice nalang ng graduation. Di na ako nagstay sa school, umuwi na rin ako kaagad.



Entry 106

Nagovernight kami ng family with relatives sa Laguna ng saturday and sunday kaya di rin ako nakapagsulat dito. Ayun buti di ako nangitim.



Page 135

Entry 107

First day practice of graduation. Monday to Thursday practice then Saturday is the graduation day. Ilang araw ko ng napapansin na nahuhuli kong nakatingin sakin si Matthew. Ilang araw ko na rin napapansin na hindi na sila magkasama ni Rhia. Malapit na graduation at parang gusto ko muna siya makausap bago matapos ang school year.



Page 136|137

Entry 108

Second day practice of graduation at medyo saulo na ng lahat ang lyrics pero di ang tono ng graduation song namin, di parin ako iniiwan ni Jin at may mga circle of friends din kaming mga kasama pero di parin ako tinatantanan ng pagpaparinig nila Rhia, ang init init parin ng dugo nila sakin eh lumalayo na nga ako sakanila at kay Matthew. Kanya na nga si Matthew diba? Nilapitan ko pala si Matthew kaso parang nilalayuan ako kaya di ko rin siya nakausap. Nakachat ko si papa at mukhang balak niya akong kunin para pagaralin sa america pero di pa raw sure.



Page 138|139

Entry 109

Third day practice of graduation. Maayos na ang lyrics at tono ng kanta at nakumpleto na rin ang mga graduates kasi hindi umaattend ng practice yung iba. Nakausap ko na rin sa wakas si Matthew. Tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang makipagusap sakin pero di siya sumagot. Sinabi ko rin sakanya lahat ng saloobin ko, na nagtatampo at naiinis ako sakanya kasi di niya ako pinagkatiwalaan na hindi ko naman talaga siya niloko. Sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko sakanya ay di parin nagbabago kahit na iniiwasan niya ako. Sinabi niya rin sa akin na wala na sila ni Rhia at matagal na niya ng nalaman na sila Rhia ang may kagagawan nung video scandal ko na may dahilan ng away namin, pero kahit na ganun eh sinabihan niya ako na layuan ko na siya kasi hindi niya na raw ako gusto makita pa syempre nasaktan ako dun. Hindi ko mapigilan na di maiyak, yung taong mahal ko ayaw na pala talaga akong makita. Wag kang magalala Matthew, graduation na at di mo na ako makikita.



Page 140

Entry 110

Last day of practice at maayos na ang lahat kaya natapos na agad at umuwi na lahat. Paguwi ko ng bahay, nagulat ako kasi nandun si Papa! Grabe yung yakap ko sakanya. Talagang sinurprise niya kami dahil hindi siya nagsabi na uuwi na pala siya. 2 years nung huli siyang umuwi. May pasalubong siya syempre! Sinabi niya rin pala sakin na isasama niya ako sa america para dun magaral ng college, so tuloy na pala. 3 months kasi dito si Papa sa Pilipinas at babalik na ulit siyang america. Yes, isasabay niya na raw ako sa pagpunta run.



Entry 111

Namasyal kami buong araw ng buong pamilya nung friday. Syempre attend si Papa ng graduation ko.



Page 141

Entry 112

Natapos ang graduation ng safe naman at masaya kahit na maraming iyakan. Nakapagpapicture ako sa mga classmate ko, kay Jin at oo pati rin kay Matthew kahit na awkward, kasi si mama eh nagsuggest pa ng picture namin.



Page 142

Entry 113

Sa wakas bakasyon na! Inaayos na ni Papa yung mga documents ko para makasama na ako sakanya sa america haaay ano kayang feeling na magcollege sa america nuh? Next month na alis ko ang bilis ewan ko ba kay Papa biglang napaaga. Bukas nga pala may pafarewell party yung classmate naming valedictorian kaya buong section namin pupunta kasama na yung adviser namin.




**Feedbacks please, the end is near for this story**

Althea's Diary (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon