Page 81-94

6 0 0
                                    


Page 81

Entry 54

Nakakaguilty bat ganun? Feeling ko dahil sakin nagkaaway sila Jin at Matthew.



Entry 55

Friday na! Sa monday recollection na ohyeah \m/ ano bang dadalhin ko?



Page 82

Enrty 56

Natapos ko na iimpake yung mga gamit ko para sa recollection! Bibili nalang ako ng mga chichirya and chocolates bukas :D



Page 83|Page 84

Entry 57

Ang saya ng first day recollection namin oh my gahd~ kanina nung dumating na kami dito inipon muna kami sa parang hall tapos naglecture muna tapos nun pinapunta na kami sa mga rooms namin eh bawat room apat na tao kasi dalawang double deck ang meron kada room kaso alanganang kasama ko si Matthew diba? Kasi alam natin na siya lang close ko sa school. Eh buti nalang yung tatlong ka roommate ko ay mababait. Nagkaron na rin ako ng girl friends. Sila Jeann, Marianne at Rhia. Magkakaibigan din sila. Familiar nga si Rhia eh, parang nakita ko na siya. Siguro nga nakita ko na siya dati sa school.



Page 85

Entry 58

Niyaya ako ni Matthew ngayong magpuntang park. Nag-horse back riding pa nga kami eh, kumain, bumili kami ng t-shirt tapos nagpicture sa view ng taal. Ang ganda ng view. Sinagot ko na pala si Matthew. Alam mo ba sa may hanging bridge ko siya sinagot tapos bigla ba namang nagwala, nakakahilo tuloy. May hangover pa tuloy ako nung sa hanging bridge.



Page 86

Entry 59

Nakapagbonding kami ngayon ng tatlo kong karoommate. Sinama nila akong mamasyal para pumuntang park kahit galing na kami dun ni Matthew kahapon.



Page 87

Entry 60

Ngayong gabi nag open forum, as usual kaya nga nagrecollection dahil dito eh. Ayun nagkwento kami ng mga experiences namin sa buhay syempre may maga umiyak, wag niyo na tanungin kung umiyak din ba ako. Actually bawal gumala kanina kasi buong araw puro activity lang eh.



Page 88

Entry 61

Grabe, nakakapagod. I wonder kung bakit ngayon ko lang naramdaman yung pagod nung recollection kung kelan andito na ako sa bahay. Buong biyahe halos katabi ko lang si Matthew kaya siguro nawawala pagod ko. Ayyy landi XD Sorry, I just love Matthew.



Page 89|Page 90

Entry 62

May nagkaka-crush kay Matthew na taga ibang section -___- yeah, maganda siya at feeling ko inaakit niya si Matthew kasi mula pa nung kahapon hanggang ngayon laging nakatambay sa room siguro may mga kaibigan siya sa room namin tapos binabati si Matthew ARRGGHH! nakakainis. Alam ko naman na gwapo, mabait, matangkad saka nagbabanda si Matthew kaya marami ako kaagaw diyan pero nakakainis parin



Page 91

Entry 63

Badtrip nanaman si Matthew >_< Alam niya na ngang pinapalayo ko siya dun sa babaeng yun nilalapitan niya parin. Kainis! Alam niya na ngang nagseselos ako eh. Sinasadya niya siguro yun? Bahala siya sa buhay niya!!!!! Kakausapin ko din si Jin, akala niya ha



Page 92|Page 93

Entry 64

Kinausap ko kanina si Jin sa harapan ni Matthew wahahaha!! Akala niya ha, siya kasi eh kinakausap niya yung babaeng yun eh. Hinila niya ako bigla sa kamay para ilayo kay Jin. Si Jin lang pala katapat mo ha. Ang childish ko ata sa ginawa ko? Ayun bati naman na kami, nagsorry na siya saka di niya na daw kakausapin yung babae basta daw wag ko rin kausapin si Jin.



Page 94

Entry 65

May babaeng kumausap sakin kanina sa canteen, akala ko kung sino ayun pala si Rhia. Remember? Yung isa sa mga karoommate ko. Sinamahan niya ako kasi si Matthew kasama niya classmates namin na mag try out sa basketball para sa Intramurals.





**Feedbacks po :)**

Althea's Diary (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon