CHAPTER 1: Re-Incarnation?

341 5 0
                                    


SUHO POV

Im standing alone in front of the tomb of my wife. Krystal Jung- Kim. I lost her because of my irresponsible act that night. And i really regret that. Pero wala na eh, kahit magpakamatay ako hindi ko na maibabalik ang buhay niya.

Its almost been four years since she left me. And im still waiting for her, nung nilibing siya, i promise here.. That i will never love again. I believe in reincarnation, kaya im sure... Babalik siya at mag iintay lang ako..

Sinindihan ko na ang huling kandila at umalis na. Dumaretso ako sa kompanya na pagmamay ari ko. Agad sumalubong saken ang batang si Noel, Labing dalawang taong gulang. Inampon ko siya dahil naaawa ako sa kundisyon niya. Naulila na siya dahil may pumatay sa mga kamag anak niya.

"TitoDad! Your secretary said that you will have a meeting later at 3 in the afternoon sharp at the Foodie. That is kilometers away from here TitoDad" masigla niyang sabi saken kaya pinat ko ang ulo niya.

That meeting is a meeting with a possible buyer of the ten percent share na ibebenta ng isa naming stock holder. At ang stock holder na yun ay si Kris, kaya wag na kayong magtaka kung bakit ako ang nakikipag meeting sa possible buyer dahil alam niyo namang tamad ang lalaking yon.

Pumunta ako sa opisina ko. Inilapag ko ang briefcase ko sa lamesa. Nakita kong kinuha ni Noel ang Tuxedo ko kaya nakangiting kinuha ko iyon sa kaniya.

"Sama ka?" tanong ko sa kaniya pero umiling iling lang siya "Bakit naman?"

"Hmm... Mag eenroll daw po kami ni Leyfi sa Highschool na papasukan namin" sabi niya saken kaya napailing ako. Mukang pumapag ibig ang batang ito ah?

"Osige, alam ba ng tita Tiffany mo?"

"Yes Titodad, she knows, nagpaalam din kami kay Tito Luhan" Noel

"Osige, alis na si titodad ah? Ingat kayo ni Leyfi" sabi ko at hinalikan siya sa noo. Kinuha ko yung wallet ko at binigyan siya ng limang libo bago ako tuluyang umalis.

Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho papuntang Foodie. Isang restaurant na nasa loob ng Paradise resort. Minsan na akong nakapunta dun para sa business meetings kaya kapag may meeting ako sa labas ng opisina ay sa Foodie ko iyon ginagawa. Maganda kasi ang pakiramdam ko sa lugar na yun. Maybe because maganda ang scenery dun. Green na green kasi ang palayan dun, isang pambihirang tanawin na hindi mo aakalaing meron sa siyudad. Alam naman kasi nateng sa probinsya lang may ganun.

…………

………

………

………

…………


…………

Nakarating na ako at maaga pa ako ng trenta munito. Magpapalipas oras muna ako rito sa loob ng Foodie. Titikman ko mga pagkain nila.

………

………

………

…………

…………

…………

"Here's your order sir" sabi ng waitress at tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng malatalambuhay na group message ni Taeyeon.

From: Asawa ni Baek
Hi mga nilalang na marunong magbasa, may ilong, may mata, may bibig , may bayag at may dede!!. MGA TAKSIL KAYO!!! HUEHUE HINDI KO NA KAYO MAHAL! Nanganak na ako't lahat wala pa rin kayo rito?? Hindi ko na kayo bati!!! hmph! Aheyt you all! Tse!!!

#BabyBreeze

Napailing ako ng mabasa ko ang text ni Taeyeon. Kakapanganak niya pa lang kasi ngayon sa pangalawang anak nila ni Baekhyun at mukang Breeze ang pinangalan nila dun sa bata.

Ibinaba ko na ang telepono ko at kinain ang dark choco na inorder ko kanina. Halos Limang minuto ko ng inaantay ang kameeting ko. Kapag sa loob ng isang oras ay wala pa siya.. Aalis na ako rito.

Napatigil ako sa pagkain ng makita ko ang waitress na nagbigay sa akin ng order ko kanina. Nanlaki ang mga mata ko at nanatiling nakatitig sa kaniya.

KRYSTAL??? O.O

Nakita kong napatingin siya saken at tinaasan niya ako ng kilay. Parang sinasabi niya na 'bakit ka nakatingin saken?'

Kumurap kurap ako at tumingin ulit sa kaniya. Totoo nga. Gumagalaw siya eh. Kinusot kusot ko naman yung mata ko at tumingin ulit sa kaniya na nag iimis ng pinagkainan ng mga customer na naka alis na.

Damn.

Kasasabi ko lang kanina diba?

RE-INCARNATION

Gustuhin ko mang ialis ang tingin ko sa kaniya ay hindi ko magawa. Parang naka glue na ang mga mata ko sa kaniya. Damn. I need to get what her name is.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Lumapit ako sa kaniya kaya nagtataka niya akong tinignan.

"Yes sir?May problema po ba?"

"Hmm.. Oo eh, ikaw" sabi ko kaya parang nagtaka lalo siya

"Ano ho sir? Ako?"

"Ahm. Oo, ikaw problema ko. Ano bang pangalan mo miss? At cellphone number" sabi ko kaya napa tawa siya

"Sorry sir, im mot giving any personal information to strangers" sabi niya at umalis na sa harapan ko. Pumasok na siya sa may kusina

Umiling na lang ako at bumalik sa kinauupuan ko.

* KRING KRING *

Tinignan ko ang eskandalosong telepono ko na wagas kung makapag ring. Kinuha ko yun at sinagot.

Yes hello?
Sir, Mr. Tim said that he have to cancel his meeting with you today due to an emergency.

-___- Great. Halos ilang minuto akong nag iintay dito tapos canceled naman pala ang meeting

Ok. And, youre fired -sabi ko  at ibinaba na ang telepono.

Pang-ilang sekretarya ko na iyan. Yung iba tinatanggal ko sa trabaho dahil hindi ako kumportable sa kanila,Karamihan kasi sa kanila ay wala lang ibang ginawa kundi ang magpa cute sa akin. Akala ata nila malalandi nila ako. Psh, dream on. Kung kamuka sila ni Krystal, baka sakaling landiin ko sila. Katulad na lang ng ginawa ko dun sa babae kanina.

And im not joking. She really looks like Krystal. Her nose, eyes, lips.... Its all similar...

Tumayo na ako ng maubos ang kinakain kong cake. Pumunta ako sa may coubter at binayaran iyon.

Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko.

Nagmamaneho na ako ng biglang may tumapat sa akin na isang itim na Ford na kotse. Bumukas ang salamin ng sasakyan at nagulat ako ng makita kong tinutukan niya ako ng baril. Agad akong yumuko at pinihit ang manibela kung saan. Kasunod nun ay ang pagputok ng baril na muntik ng tumama sa ulo ko.

Damn. What is that??

RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon