CHAPTER 2: Threat

253 7 1
                                    


SUHO POV

Pagkagaling ko sa prisinto ay dadaretso kami sa hospital. Kasama ko ang mag asawang Kris at Jessica. Pupuntahan namin si Taeyeon na kapapanganak lang.

"Sino naman kaya ang gustong magpapatay sayo maliban saken" pabirong sabi saken ni Sica. Alam kong may galit pa rin siya saken dahil sa nangyari sa kapatid niya

"No idea" sabi ko at ipinikit ang mga mata ko. I dont know what to do.

Napamulat ako bigla at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Tinawagan ko si Noel.

Hello. Noel nasan kayo ni Leyfi?? tanong ko ng sagutin niya ang telepono niya
Nasa mall po titodad. Tapos na kami mag enroll eh naisipan ni Leyfi mag mall kaya sinamahan ko siya.
Okey okey, umuwi na muna kayo.
Why titodad?
Basta, Later ipapaliwanag ko. Ihatid mo muna si Leyfi sa kanila tapos dun ka na lang din muna. Susunduin na lang kita mamaya huh?
Sige po-  sabi niya at ibinaba ang telepono.

Baka mamaya ay kilala nila si Noel at kung ano pang gawin dun sa bata. Kasama pa naman niya ang anak nila Luhan.

"Panigurado hindi agad makakakilos ang mga pulis " Sabi ni Kris kaya napatingin ako sa kaniya

"Huh?"

"Alam mo naman Suho na pang display lang ang mga pulis dito sa bansa naten. Oo may ilang matitino at ginagawa ng maayos ang trabaho nila. Pero karamihan papetiks petiks lang, pagkatapos ipa blatter ng nagrereklamo hindi na nila pinafollow up. Lalo na kapag hindi alam o kilala kung sino ang gustong magpapatay or nagtatangka" Kris

Tama naman siya. Pero wala na namang ibang makakahuli sa kriminal kundi ang mga pulis.

"And your point is?"

"Find other people that can help"- Kris

Napaisip ako sa sinabi niya. Other people? Wala na akong kilala na makakatulong saken

"Wala ka pa namang nakikuhang dead threats diba?" Kris

"Oo pero muntik na nila akong patayin kanina"

"May kilala akong makakatulong sayo. Ako na lang ang kakausap sa kanila" Sabi ni Kris kaya nginitian ko siya

"Salamat"

…………

…………

…………

…………

…………

…………

"AKALA KO NI ISA SENYO WALANG DADATING EH" high pitch na sabi ni Taeyeon na karga karga ang tahimik na Baby girl na si Breeze.

Nandito ako, si Jessica, Kris, Yuri, Kai, Hyo, Lay at ang mga anak nila na walang ginagawa kundi mag cellphone o di kaya ay mag tablet

"Pwede ba yun? Yung iba daw bukas pupunta eh" Hyoyeon

"Bakit ganyan muka mo ?" tanong sa akin ni Baek na napansin atang hindi ako mapakali.

"Ah? Kasi..."

"May gustong pumatay sa kaniya maliban saken /laughs/" - Sica

"ANOOOO??" sabay sabay nilang sabi sa akin kaya napapikit ako. Ang lalakas ng boses ng mga toh

"Oo, kanina muntik na siyang barilin" kris

Wow . Salamat naman sa pagpapaliwanag nila noh?

"Man. Mukang supah famous na ng business naten ah? May gusto ng magpa patay sayo eh" sabi ni Baek kaya sinamaan ko siya ng tingin. Baekhyun is also one of the stock holder in our company. Pati na rin sila Chen, Lay at Tao.

"Oo na lang"

Nag vibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon.

From: Uknown Number
Maswerte ka at nabuhay ka pa. Maghanda ka. Pagbabayadin kita sa ginawa mo sa akin. Suho Kim.

Naramdaman kong tahimik ang mga tao rito sa kwarto. Nilingon ko sila at nakita kong nakatingin sila saken

"Ano yan pre?" tanong ni Kai at hinalbot saken yung cellphone ko. Nakita kong nanlaki ang mata nilang mag asawa ng basahin nila iyon.

"Damn it Suho. May inagrabyado ka ba?" Yuri

"Eh? Ano ba yan? Patingin kami" sabi ni Taeyeon at pinakuha kay Baek ang phone. Nakita kong nagulat din sila. Pinasa nila ang phone kayla Hyo at ganun din ang naging reaksyon nila.

"Wala. Sa pagkaka alam ko wala"

"Sino naman ang gustong magpa patay sayo?" Lay

"Wag mong burahin yung number. Kukunin ko" sabi ni Kris at kinuha yung cellphone ko. Inilagay niya ang numero ng kung sino mang baliw na yon sa cellphone niya " Aalis muna ako. Babalik din naman ako eh, hintayin niyo na lang ako rito" sabi ni Kris at humalik sa asawa niya at sa mga anak niya

Tsk. Wala naman akong inalipusta na babae o kaya lalaki. Kung sa business naman... Hmm... may possibility pero... Wala talaga akong maisip na inagrabyado ko para makatanggap ako ng Death Threat

RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon