CHAPTER 12: Let it Be

251 7 0
                                    

KRYSTAL POV

Almost one week passed at nandito kami ngayon sa reception ng binyag ni baby Breeze. Yeah bininyagan na siya, time flew fast kaya hindi ko namamalayan na halos isang linggo ko ng sinusubukang maalala ang nakaraan ko. At isang linggo na rin akong nabibigo.

I still cant remember anything. At isa pa, Ej said it will be so risky kapag bumalik ang ala ala ko. It can cause another comma at ayoko namang mag-alala sila saken. I know they care for me.

"Kain ka na oh" sabi ni Suho at nilapag sa harapan ko ang isang plato na may lamang spaghetti, cake at ilang sweet candies na malamang si Erica ang nagpabili.

"Papatayin mo ba ako sa sobrang tamis? Atsaka andaming spaghetti neto ah" sabi ko habang tinitignan yung pagkain na binigay niya

"Marami yan kasi share tayo" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin .

Isang linggo na rin akong kinukulit at pinaglilingkuran ng taong to. Hinahayaan ko na lang siya since he's still my husband. Hindi ko nga lang siya maalala.

"Bakit? Naghihirap na ba sila Taeyeon at wala na silang plato dun?" sabi ko kaya nginusuan niya lang ako

Ang hilig ngumuso neto. Minsan nagmumuka na siyang Duck eh.

"Fine. Kukuha ako ng plato at isasalin ko dun yung ibang spaghetti" sabi niya at tatayo na sana kaso pinigilan ko siya.

"Wag na. Kumain ka na rito" sabi ko kaya nginitian na naman niya ako ng pagkalawak lawak.

Away-Bati.

Yan kami ni Suho. Aawayin ko siya tas maya maya magbabati rin kami. Ewan ko ba kung bakit gento kami. Haha maybe because i still have that anger inside me.Yeah, I forgot what he did but my heart  do remember.

•••••••••••••••••••

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na ng mga caterer ang mga pinagkainan namin at umalis na sila. Kami kami lang din naman kasi ang bisita eh.Yung mga natirang pagkain pinaiwan nila Taeng, para daw hindi na sila magluluto ng ulam mamayang gabi. Pfft katamaran.

"Uwi na tayo" sabi ni Suho habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

"Edi umuwi ka na" sabi ko kaya pakiramdam ko, kahit hindi ako nakatingin ay nag pout siya. Gawain na kasi niya yan eh.

"Baman" sabi niya kaya napangiti ako

"Bat ba atat kang umuwi?"

"Kasi naman . Ako na naman aasarin ng mga yan" sabi niya kaya napatawa ako. Hahaha He's right. Lagi siyang inaasar ng mga kaibigan niya na 'Under', mga lokong yon. Akala mo sila hindi 'Under' sa mga asawa nila.

"Akala ko ba mahal mo ako?" sabi ko kaya hinawakan niya ang mga kamay ko

"Oo naman. Mahal na mahal"

"Edi dito muna tayo"

"Eh.. kasi.. its.. embarassing"

Hunarap ako sa kaniya at pinisil ang ilong niya.

"Its embrassing? Eh akala ko ba mahal mo ako? Obeying your wife is not being 'Under' , its just shows that youre really inlove with her. So tell me, whats embarassing about it?" sabi ko habang masamang nakatingin sa kaniya

"Sabi ko nga eh" sabi niya at hinalikan ako sa labi , sabay ngiti ng pagkaloko loko sa akin

"TitoDad, TitoMom" sabi ni Noel kaya nilingon ko siya

O.O

"What happen to you? B-bakit ganyan suot mo?" tanong ko ng makita kong naka-palda siya, may puyod ang buhok at may make-up ang mukha.

"Uhm.. Kasi po, Im playing with Leyfi" sabi niya habang napapakamot sa batok niya

"Yah! Are you.. Gay?" tanong ko kaya nanlalaki ang mata niya habang nailing iling. Napatawa naman si Suho sa tanong ko.

"Bakit nak?" tanong ni Suho sa kaniya

"Uhm.. Hindi pa po ba tayo uuwi?" sabi niya kaya napangiwi ako. Mukang gusto na niyang mawala sa paningin ni Leyfi na mukhang napapagtripan siyang gawing manika

"Ayaw pa ng mommy mo eh" sabi ni Suho kaya parang pinagbaksakan ng langit at lupa ang expressyon ni Noel

"Okey po" bago pa man maka alis si Noel ay may humila na sa kaniya

"Halika na!!" sabi ni Leyfi at hinila na si Noel na mukang gusto ng umuwi

"Look at that two, kung hindi ko lang alam na lalaki si Noel baka napagkamalan ko na siyang bakla. He likes to play with Leyfi" Suho

Napangiti ako. Maybe he likes Leyfi.

"Uuwi na ba tayo?" sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ayaw mo pa diba?"

"Eh muka kasing paiyak na yong anak naten eh" sabi ko kaya napangiti siya.

Yes, were treating him like our own son. Since on the process pa rin ang pag aadopt sa kaniya ay hinayaan na siya samen tumira ng mga health workers  dahil ilang taon na rin naman siyang inaalagaan ni Suho.

"Okey, sabi mo eh" sabi niya at tumayo na para tawagin si Noel. I just smiled at nauna ng maglakad papuntang kotse

••••••••••••••

Nakauwi na kami at agad naman umakyat si Noel sa kwarto niya. Si Suho naman inutusan kong asikasuhin yung mga papeles na dinala ni Jaehan, ang lalaking secretary niya. Weird right? Lalaki ang secretary mi Suho dahil ayaw niya daw sa mga babae, dahil nilalandi raw siya eh baka mapatay niya daw kapag nilandi siya kaya boy secretary na lang ang hinired niya.

At ako, eto malapit ng matapos sa pagluluto ng sinigang na baboy. Tinikman ko yon at masarap siya. Kailangan na lang pakuluan pa ng ilang minuto para manuot ang sarap hanggang sa loob ng baboy .

Nagulat ako ng biglang may yumakap saken mula sa likuran. Sino pa ba?

"Ang bango naman niyan. Nakakagutom eh" sabi niya atsaka binuksan ang kaldero na pinaglukutuan ko.

"Malapit na yan maluto" sabi ko at kinuha sa kaniya ang kutsara na gagamitin sana niya para tikman ang luto ko. As usual, nag pout na naman siya. Hinampas ko ng kutsara yung nguso niya.

Tumalikod siya saken at naglakad papunta sa may garden. Binalik ko ang tingin ko sa sinigang, kawawa ka naman,, pinagnanasaan ka ni Suho. Hahaha sinundan ko na siya sa may garden dahil panigurado nagdadrama na naman siya.

Niyakap ko siya sa likod.

"Galit ka?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya nasagot.

Kinagat ko yung balikat niya kaya napa aray siya at humarap sakin. Nakatingin lang ako sa kaniya gamit ang aking puppy eyes with matching pouty lips . And by my looks, no one can stay mad at me pag nakita nila ako.

"No im not" sabi niya pagkatapos niyang magbuntong hininga

Ngumiti naman ako at hinila siya at niyakap.

"Im sorry kung ang moody ko. You know im still frustrated dahil hindi ko maalala yung dating ako." sabi ko at naramdaman ko ang paghigpit ng mga yakap niya

"I understand. Hindi mo na naman kasi kailangan alalalahanin yung nakaraan dahil mas mahalaga sakin ang kasalukuyan. Past is past, we need to forget that and just start a new one. Hindi natin kailangan mag rely sa nakaraan. Mas mahalaga ang kasalukuyan at ang hinaharap.. Na alam kong magkasama nating tatahakin" sabi niya kaya napaluha ako

I know. But i still want to know who i am. I want to know who i really am.

"Let just stay what we are now. Like what ive said, im looking forward to our bright and better future, not with our painful and miserable past."

Tumango na lang ako habang nakayakap sa kaniya. My sister is right. He regret what he did to me few years back then.

"Tito Mom? Yung niluluto mo po nawalan na ng sabaw" sabi ni Noel kaya nanlaki ang mata ko at napatingin kay Suho na nanlalaki rin ang mga mata.

Nasobrahan sa pagkaka-kulo ang sinigang!!

Oh no!! -___-

RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon