SUHO POVPumasok ako sa opisina ngayon at parang walang nangyari, although pinapaltan ko ang glass wall sa aking office. Pinapaltan ko yun ng bulletproof na glass wall. Wala namang nagtaka kung bakit ko pinapaltan yon.
"Sir andito na po yung unang applicant" sabi ng secretary----- Wala nga pala akong secretary -__-
"Sige Bren papasukin mo" sabi ko kaya pinapasok niya ang unang aplikante. Hindi ko siya nilingon at nagbasa ng text ni Kris sa akin
From: Kris
Tol nakahingi na ako ng tulong sa kanila kahapon. Kapag may Maxene Kim na pumunta dyan tanggapin mo agad.Tinago ko na yung phone ko at tinignan ang unang applicant.
O.o
"Hi sir! Good Day! Im Maxene Kim! Ang pinaka magandang secretary sa balat ng lupa. Kaya kong sumayaw, kumanta, maglaba, magluto basta kaya ko lahat"
yung... Yung babaeng kamuka ni Krystal...
Atsaka ano daw? Siya daw si? Maxene Kim?
"Ah... Sige tanggap ka na" sabi ko kaya nginitian niya ako ng pagkalapad lapad "Sabihin mo dun sa mga ibang applicant sa labas umuwi na sila da---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumayo siya
"Dahil natanggap na ako at di niyo na kailangan ng isa pang secretary dahil si Maxene lang safat nah!!" sabi niya at lumabas ng opisina ko. Naiwan akong nakanganga rito, dahil bukod sa pagkabibo niya ay kamukang kamuka niya talaga si Krystal.
MAXENE POV
Nandito ako sa loob ng opisina ni Sir Suho. Dito rin daw kasi ang office ng secretary niya eh. Infairness naman kay Sir, ang puti puti. Mukang hiyang ang katawan sa aircon at glutathione. At ang kinis, parang nagpapa belo. Hoo~ swerte ng jojowain netong si Sir
"Ahm. Maxene, can you get me a black brewed coffee?" sabi niya at tumingin saken kaya napa ayos ako ng upo
"Yes sir" sabi ko at lumabas ng opisina niya. Dumaretso ako sa coffe maker na nasa may di kalayuan at pinag brew siya ng kape. Pagkatapos non ay bumalik na ako sa opisina niya at inabot ang kape sa kaniya
Ininom niya iyon at bumalik naman ako sa upuan ko. Psh, nakaka boring din pala maging secretary? Si Sir Suho kasi minsan lang mag-utos eh
"Ahm. Maxene, paki-sabihan naman si Bren na maghanap ng pwedeng taga alaga ng bata" Suho
Napatingin ako sa kaniya. Sabi ni Boss pati bata daw dapat bantayan ko.
"Ako na lang boss. Kailangan ko kasing magbayad ng utang kaya kailangan kong lumagare sa pagtatrabaho. Lam mo na, taghirap ngayon sa Pinas" sabi ko at dumukwang sa lamesa niya. I hear him chuckled. Hahaha No one can say no to my cute charms
"Fine but... Pano mo mababantayan ang anak ko kung nandito ka sa office kasama ko?" tanong ni Sir saken
"Simple Sir, dalhin naten tong office mo sa bahay mo. Oh edi may secretary ka na, may taga alaga ka pa ng bata."
Right. Kailangan kong makapasok sa bahay niya. To find any suspicious things there, kahit sabi ni Boss na magbantay lang ang mission ko ay gusto ko ring mag investigate =)
"Not a bad idea but.. Pano yung ibang business meetings ko?"
"Edi sir isasama naten anak niyo. Ako naman magbabantay sa kaniya sir, hindi kayo"
"Fine" sabi niya kaya napangiti ako
"So boss. Stay in ako? May spare room naman siguro yung bahay niyo diba?"
"Yeah, you will stay at the guest room"
BINABASA MO ANG
Remember
Novela JuvenilIm 'Suho' Junmyeon Kim. A simple guy who made a mistake before. And i lost my wife because of that. And she is ... Maxene Kim, a girl who looks exactly the same as my wife who died from a car accident. How it be possible there would be someone who l...