MAXENE POVNandito ako ngayon sa apertment na may malapit sa kumpanya nila sir Suho. Kinukuha ko ang mga gamit ko na nasa maleta pa rin dahil hindi pa naman ako nakakapag ayos dito. Binilisan ko ang kilos dahil baka sabihin ni Sir napaka pa-VIP ko. Pagkababa ko sa may parking lot ay nakita ko si Sir na parang malalim ang iniisip
"Sir ilalagay ko na po to..." napatigil ako sa pagsasalita ng titigan niya ako. I can see some guilt and pain at his eyes. Nagtatakang tinignan ko lang siya
"Edi ilagay mo. Bilisan mo at pumasok ka na sa loob ng kotse" sabi niya at nauna ng sumakay.
Naiwan akong gulat dahil sa sinabi niya. Nagsungit si Sir diba? Hala. Anyare kaya dun? Masyado ba akong mabagal kumilos kanina??
"Maxene!" pasigaw na sabi ni Sir kaya nagmadali na akong ilagay yun sa likod ng kotse at punasok sa loob ng kotse at nag seat belt. Pinatakbo na ni Sir ang kotse at tahimik lang kami sa biyahe.
At kapag gentong tahimik...
Gumagana ang mga Stupid hormones ko. Tinignan ko yung kotse niya at nakita kong may mga design na minions ang salamin niya. Ngumisi ako, at sinimulang kunin ang maliliit na replika ng minions na nakapatong sa may salamin ng kotse. Nakita kong nanlaki ang mata niya.
"Put that thing back!" sabi niya habang palipat lipat ang tingin saken at sa daan
"Why Sir, ang cute kaya nila" sabi ko at inalog alog yung isang minion
"Aish! Krys--- I mean Maxene! Put that down!" may tono ng galit na sabi ni Sir saken pero hindi ko lang siya pinansin. Maybe because sanay na ako sa mga taong ganyan. Salamat sa mga masusungit na nilalang sa AGO.
"Bakit ba Sir? Minions lang to, makakabili ka ng kahit isang truck ng ganito kahit kelan mo gustuhin. Yaman yaman eh" sabi ko at kinagat iyon . Narinig kong nag crack yon kaya nanlaki mata ko. Hala o.O
Napalingon ako kay Sir at nakita kong mas nag itim ang aura niya. Parang gusto na niya akong ihagis palabas ng kotse.
"Yes i can buy dozen of those minions if i want to but that one is different. Because it has sentimental value for me. My late wife is the one who gave that to me" sabi ni Sir kaya napayuko ako.
Damn. Ang stupid stupid mo talaga Maxene.!! Aish. Baka mamaya multuhin ako ng asawa niya kasi sinira ko yung bigay niya sa asawa niya
"Baba na." sabi niya at pinark sa tapat ng isang malaking bahay ang kotse
Agad na sumalubong samen ang isang bata. Siguro siya yung si Noel.
"TitoDad, who is she?" tanong niya kay Suho na kayakap niya.
"My secretary slash our maid" sabi niya kaya nginutian ko yung bata.
O.O Wait!
"Maid??" gulat kong tanong dahil ang alam ko taga alaga ng bata ang sabi niya kanina, hindi katulong!
"Pasok ka na. Mag uusap lang kami" sabi ni Suho kaya pumasok sa loob yung bata
"Sir---"
"Ayaw kong malaman niya na babantayan mo siya. He has his own mind and he doesnt want anyone na nagbabantay sa kaniya. Iakyat mo lahat ng vamit mo sa guess room" sabi niya atsaka nauna saken pumasok ng bahay.
Hmph!!! Hindi naman ako na inform na masungit pala si Sir! Akala ko pa naman magkakasundo kami -___-
Kinuha ko na yung maleta ko at isang bag sa kotse ni Sir at pumasok sa loob ng bahay nila. Ang laki neto tapos dalawa lang sila. Tss mga mayayaman nga naman oh. Gusto lagi malaki ang bahay.
Pagpasok ko ay may ilang mga tao roon. Nakita kong nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin saken. Hindi ko sila pinansin pero may naka agaw ng pansin ko.
Si Boss Ej na nakangisi sa akin. She mouthed 'focus' kaya napabalik ako sa katinuan. Kinuha ko yung mga gamit ko at huminto sa harapan nila
"Hi, im Maxene Kim. Secretary ni Mr.Sungit-- Suho and maid at the same time. Nagpapayaman kasi ako kaya kailangan dala dalawa yung trabaho ko" sabi ko pero tahimik pa rin sila habang nakatitig saken.
Nagkibit balikat na lang ako at umakyat sa taas dala ang mga gamit ko. Nagulat ako ng may kumuha sa isang bag na hawak ko
"Dont be distracted about my presence here" sabi ni Boss Ej na siyang tumutulong saken sa pag akyat ng gamit ko sa kwarto.
••••••••••••••••••
Inaayos ko na ang mga gamit ko rito sa guess room at tinutulungan pa rin ako ni Boss.
"Bakit gulat na gulat sila saken?" tanong ko dahil halos lahat ata ng tao sa baba ay nawindang ang mundo ng makita ako.
Hindi naman ako mukang zombie, ganda ko namang zombie. Hindi rin naman ako multo.
"/laughs/ Secret." sabi niya kaya napakunot noo ko.
Bakit feeling ko may hindi siya sinasabi saken?
"Ilang araw ba ako rito? Baka hindi ko na matagalan ang kasungitan ng lalaking maputi na akala mo nakalunok ng sampung gluta na yon"
"Aigoo. Maybe a month" sabi niya kaya nanlaki mata ko
A MONTH? FOR A LOWER MISSION??
"Boss naman. Binibiro mo lang ako diba?? A month? This is just a Low mission" pagrereklamo ko sa kaniya
"Mamili ka. Magiging secretary ka ni Psyche o magtitiis ka kay Suho pandak?" - Boss Ej
Aish, parehas naman hindi matino yung choices na yun ah!? Isang babaeng masungit at isang lalaking masungit din!
"Fine." sabi ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Namimiss ko na ang mambulabog sa mga agent sa AGO
"Ej, tawag ka ng ate mo" sabi ng isang babae na pamilyar ang mukha sa akin. Hindi ko lang maalala kung sino siya.
"Huh? Asan?"- sabi ni Boss at lumingon lingon sa labas kaya binatukan siya nung babae '' Aray! Ate Jessica naman"
"Malamang nandun sa Ospital yung ate mo. Kakapanganak pa lang nun, alangan namang maglagalag agad dito" sabi nung Jessica kaya ngumusong umalis si Boss. Aigoo, alam kong cute si Boss. Haha
Napatigil ako sa pag iisip sa ka-cutean ni Boss nang makita kong nakatingin saken si Jessica. I can see in her eyes na parang gusto niyang maiyak habang nakatitig saken
"Bakit po ma'am?? Hinahanap na po ba ako ni Sir?" tanong ko sa kaniya kaya parang natauhan siya
"Ahm.. Hindi naman... Sige alis na ako" sabi niya at lumabas ng kwarto ko
Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang yakapin.Pisilin yung ilong at pisngi.. Aish!! Ewan!!
…………
…………
…………
…………
…………
…………
…………
…………
Naka alis na yung mga bisita ni Sir kaya bumaba na ako. No required uniform naman kaya nag shorts at sando lang ako. Haha ako na ang pinakamagandang maid na nabubuhay sa balat ng mundo.
"Hi po" bati saken ng batang si Noel. Nginitian ko siya at pinat ang ulo. Ewan ko ba pero kapag nakakakita ako ng bata eh tuwang tuwa ako. Lagi kong pinang gigigilan.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa po, nagluluto pa si Titodad eh" sabi niya at nagpatuloy sa paglalaro ng de remote control niyang kotse.
"Marunong magluto yung taong gluta na yon?" mahina kong tanong pero nagulat ako ng may biglang sumagot
"Oo marunong ako. At hindi ako taong gluta" sabi ni Sir kaya nag peace sign na lang ako sa kaniya
Ang sungit talaga! Hmph!
BINABASA MO ANG
Remember
Teen FictionIm 'Suho' Junmyeon Kim. A simple guy who made a mistake before. And i lost my wife because of that. And she is ... Maxene Kim, a girl who looks exactly the same as my wife who died from a car accident. How it be possible there would be someone who l...