CHAPTER 9: It's You

237 7 0
                                    

MAXENE POV

Pagkagaling ko sa HQ ay umuwi na rin ako kayla Sir Suho. Agad akong dumaretso sa kwarto, im sure hindi naman ako uutusan ni Sir dahil 'Off' nga ako sa work. Dumapa ako sa higaan ko at tinignan ang folder na hawak ko.

Krystal Jung- Kim.

Jung? Ah! Jessica's sister.

Died, January 15 20**. Cause of death, Car accident. Her car crashed in a bus na kasalubong ng sinasakyan niyang kotse.

Anong gustong paimbestigahan saken ni Boss.?? Eh mukhang ayos na tong kasong to.

I see a code na naka-kabit sa likod ng folder. Kasama non ang isang note 'the code is already filtered. Just analuze it' . It means hindi ko na kailangan bali-baliktarin ang mga code.

I really hate numbers.

19 25 18 11
19 20 9
21 15 25

I Convert it to numbers at ito ang lumabas

S Y R K
S T I
U O Y

Luh? Akala ko ba naka ayos na.?? Ayoko pa naman ng mga jumbled--- O.O

K R Y S
I T S
Y O U

What??

SUHO POV

Nandito ako sa opisina ko at kasama ko sila Max at Noel. May business meeting kasi ako with Myungsoo. Sabi kasi saken ni Kris dapat daw hinihiwalay ko ang personal na buhay sa trabaho.

Alam ko naman yun kaso.. Baka makita niya si Max. Aish, ano ba yan? Anyway, late na ng five minutes ang taong yon.

"Hello there! Sorry im late" sabi niya habang inaayos ang necktie niya. I found him so messy, mukang nagmamadali siya ng pagpunta rito kaya hindi na niya nagawang mag suklay.

"Reason?"

"Inalagaan ko pa si Baby Ivo eh" sabi niya kaya napataas kilay ko

"May asawa ka na?"

"Jusko naman Suho. Anong akala mo saken, bakla? Malamang meron noh! Atsaka ang tagal ko ng naka move on kay Krystal." napalingon siya kay Max at Noel na busy sa paglalaro sa laptop "Hi there Krystal--- WAAAAAHHHHH MULTOOO!!!" napatakip ako sa tenga ng bigla siyang sumigaw.

"Kim Myungsoo!!!" nakakatakot kong sabi sa kaniya kaya parang kumalma na siya

"Ano... Bakit... Panong...? "- Myungsoo

He's still in shock. Sabagay, marami ngang nagkaganyan nung una nilang nakita si Maxene

"She's Maxene Kim." sabi ko kaya lumapit siya saken

"Really? Bakit... Magkamukang magkamuka sila?? Isnt she's her twin??" sabi niya kaya hinataw ko ng ballpen ang noo niya

"Idiot. Walang kakambal si Krystal!"

"Pero... Its impossible na magkaroon siya ng babaeng kamukang kamuka niya."- Myungsoo

"Were here for business. Not to talk about her" sabi ko kaya nakita kong inirapan niya ako. Aish.

……………

"Ibenta mo na kasi saken" sabi ni Myungsoo na mukang gusto na akong sakalin dahil hanggang ngayon ay natanggi pa rin ako sa pagbili niya ng share of stocks sa company.

"Ayoko"

"Suho namaaannnn~!!" sabi ni  Myungsoo na gusto ng maglupagi sa sahig

"Fine" sabi ko kaya ngumiti siya

"Ako na ang magbibigay ng bayad kay Kris" sabi niya habang mukang nagdidiwang ang katawang diwa

Its Kris descision afterall. Sa kaniya naman yung stocks na binebenta kaya siya rin ang magpapasiya. Yes im the owner of the company but im not the owner of his Shares.

"Uuwi na tayo Master Glu-- i mean Master Suho?" sabi niya kaya napataas ang kilay ko.

Master ... Suho.? I remember Krystall calling me that 'Master' thingy nung nagka away kami noon.

"Master??"

"Edi Sir na lang. Ang choosy neto" sabi niya at inirapan ako.

Pasaway

Tumayo na ako at inayos ang ilang mga gamit ko.

"Tara na" sabi ko kaya sumunod na sila sa akin. Sumakay kami sa kotse

•••••••••••••••••••••

Nandito na kami sa bahay. Actually kanina pa. Pagdating namin ay dumaretso na ako sa opisina ko. I dont want to go outside. Bakit? Wala. Trip ko lang.

/tok tok/

May kumatok kaya tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Bakit?"

"Sir.. May gusto lang akong itanong sa inyo" sabi ni Maxene kaya pinapasok ko siya sa opisina.

"Ano yun?" sabi ko at naupo, ganun din ang ginawa niya.

"Ahm.. May gusto lang akong itanong Sir. I dont want to be insensitive pero... Kailangan kong itanong eh" sabi niya kaya napakunot ang noo ko

"Alam niyo naman po sigurong may hiningian ng tulong ang isa sa mga kaibigan ninyo... " sabi niya at tumango tango ako.

Yes, Kris ask for help. I dont know kung sino ang hiningian niya but i know they are trust worthy person. At mukang magaling sila dahil wala na akong natatanggap na death threats.

"Ahm..I ...No, We just want to ask what really happen to your wife" sabi niya kaya napayuko ako.

Why she's asking me that? May kinalaman ba yun sa nangyayari saken ngayon?

"I dont think i need to answer your question. You may leave" sabi ko at tinalikuran siya.

"You need to answer it"- Max

"I dont owe you an explanation"

"You owe me. I want to know what happen that day. I deserve to know" sabi niya kaya napaharap ako sa kaniya. I can see confusion in her eyes.

"What?"

"Kung ayaw mong sabihin ok lang. I can ask your friends" sabi niya at lumabas sa opisina ko.

Is she.....???

RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon