Chapter Six - Hi My Name Is...

0 0 0
                                    

"Kailan nga yung guesting natin don sa Foundation Week ng college?" Tanong ni Suho kay Manager habang nakikinig lang kami.

"Oo nga pala no, muntikan ko ng malimutan yun ahh. Sa friday na, magpaperform kayo ng Tatlong kanta" sagot na lang ni Manager bago ito umalis.

"Friday na pala, bigla ko na lang nasabi." Napatingin sila sa akin.

"Wag mong sabihin na ngayon ka pa panghihinaan ng loob?" Biglang sabi Baek.

"Di naman sa ganun pero di ko naman maiwasang kabahan diba" sagot ko na lang.

"Wow, si Park Chanyeol ay kinakabahan dahil sa isang babae?" Pang-aasar ni Chen.

"Kung kinakabahan ka edi ako na lang magpapakilalang ikaw" biglang sabi ni Kai na nakahiga sa sofa at nakapikit.

"Ayoko nga" pikon kong sagot sa kanya. "Sabi ko nga" nakangising sagot ni Kai.

"Tama na nga yang pang-aasar niyo kay Yeol, at gumawa na kayo ng plano at may practice pa tayo" sabi na lang ni Lay.

"Ok" sagot ng lahat...

At dumating na ang Friday pagpasok namin sa College ay marami ng fans ang nagsisigawan. Siempre kami naman ay kumakaway sa mga fans at nakasmile kahit na may hinahanap ang mata ko.

Pagdating namin sa resting room sa back stage... "wala naman akong nakitang parehas nung dinescribe mo ehh" sabi ni Chen

"Oo nga, baka di siya dito nag-aaral" dissapointed na sagot ko

"Sayang naman" yun lang nasabi ni Suho.

Habang naghihintay kami ng cue para sa performance ay may pumasok sa kwarto. Wala naman kaming interest sa ibang tao dahil nga hindi ko nakita yung babaeng hinahanap namin

"Excuse me" lingon kaming lahat sa pumasok...

"Naku tama nga yung akala ko, akala ko kamukha mo lang. Ako ung babae sa ilog noong nakaraan. Ito na yung mp3 player mo. Bumalik ako sa ilog kinabukasan ehh. Kaya lang di kita nakita."

Siniko ako ni Sehun na nasa tabi ko. Kaya napatayo ako at lumapit sa kanya. Pagtingin ko sa mga kasama ko ehh nakatitig lang sila sa babae.

"By the way my name is Christine Raven Xyrus Bautista. You can call me Raven" pagpapakilala niya sakin habang nakangiti.

When Words Fail, Music SpeaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon