Chapter Nine - Unacceptable

0 0 0
                                    

Pagdating na dorm ay nagulat ang lahat ng members. Dinala ni Chanyeol si Raven sa bakanteng kwarto nila at ihiniga. Nakasunod sa kanya si Sehun na may dalang tubig. Si Suho naman ay tumawag ng doktor.

Pinainom ni Chanyeol si Raven at parang uhaw na uhaw ang babae. Hinawakan ni Chan ang mukha ng babae.

Pumasok ng kwarto si Baek na may dalang towel at maliit na batya ng tubig. Naiiyak na ang itsura ni Chanyeol.

"Guys, iwan niyo muna kami" sabi nalang ni Chanyeol kaya umalis na ang iba niyang mga kasama.

Simulang linisin ni Chanyeol si Raven. Nagmulat ng mata si Raven. "Sinong gumawa sayo nito?" Malumanay niyang tanong sa rito.

"Di ko kilala ehh" yun lang ang sagot ni Raven. "Anong ginawa niya sayo?" At dahil sa tanong na iyon ni Chanyeol ay biglang humagulgol si Raven kaya niyakap lng siya ni Chanyeol.

"Gusto kong maglinis ng katawan" inalalayan ni Chanyeol c Raven sa banyo. Tahimik lng si Raven Parang parehas din noong una silang nagkita.

Pinuno ni Chanyeol ng tubig ang tub. Hindi naman akalain ni Chanyeol na bigla na lang magaalis ng saplot si Raven kaya tumalikod na siya.

Pumasok na ng tub si Raven. Nakatulala lang ito. Tumingin si Chanyeol kay Raven at nakita niyang umiiyak ito. Nilagyan niya ng milk bath ang tub at siya ang nagsabon kay Raven.

Wala ng malisya sa nangyayari. Si Raven naman ay iyak lang ng iyak. Si Chanyeol naman ay awang awa sa babae.

Pagkatapos maligo ay binuhat ni Chanyeol si Raven papunta sa kama. Kumatok si Suho. "Andito na ang doktor"

Pinapasok ito ni Chanyeol at siya naman ang lumabas. "Ayos ka lang ba?" Seryosong tanong ni Chen.

"Hindi ako ok, ginahasa siya nung walang hiyang yun" nanggigigil na sagot ni Chanyeol na ikinagulat ng lahat na members.

"Hindi ko to matatanggap, magbabayad ang kung sino mang gumawa nito kay Raven.

When Words Fail, Music SpeaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon