Part 6

153 2 3
                                    



Kinaumagahan nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Na te-tempt akong tawagan ulit ang manager ko at sabihing aabsent na naman ako. Pero naisip ko baka matanggal ako sa trabaho.

Minulat ko ang mga mata ko. Pinatay ang alarm clock at dahan-dahan akong bumangon. Friday naman na kaya titiisin ko na lang.

Tapos na akong maligo at nakabihis na rin ako, natitimpla na ako ng kape ng mag ring ang phone ko.

"Hello" i said
"Bruha ka ginising mo ako kagabi" bungad ni max
"Sorry, I thought gising ka pa eh" sabi ko.
"Oh papasok ka ngayon?" She as
"Yeah. Tinatamad nga ako eh." I honestly said
"Hayaan mo na at gimik tayo mamayo" sabi nya
"Na naman? Sige sige" sabi ko na lang.
"Oo malay mo makakita ka na naman ng ka one night stand mo"

Ting!

Tunog ng oven ko, nagulat ako at natapon ang kapeng tinitimpla ko, nabasa at napaso ang right hand ko.

"Oh fuck! Fuck ang sakit!" Sabi ko sabay lapag ng phone ko sa table.

Dali-dali akong nagpunta sa sink at hinugasan ang kamay ko. But too late! Namaga na talaga siya.

I reach my phone back, nasa kabilang linya pa rin si Max.

"What happened?" Takang tanong niya
"Natapon yung kape, ayun napaso tuloy ako." Sabi ko.
"Sus kung maka tili ka naman as if someone is fucking you. Haha" kantyaw niya.
"Uy! Grabe ka ang bastos mo." Saway ko naman sa kanya.
"Kidding, haha. So later then?"
"Okay. Sige bye" i ended the call.

I look at my hand, sobrang sakit talaga. Naku naman oh!
Pag tingin ko sa clock, male-late na ako kaya naman hindi ko na ininda ang sakit. Di ko na rin nakain yung tinapay ko at dali-dali akong umalis ng bahay.

-

"Good morning ma'am, long time no see po" bati sa akin ni guard.
"Kuya Ben naman parang ilang buwan akong nawala ah" sabi ko.
"Hehe sorry ma'am di ko na po kasi kayo nakikita simula nung isang araw pa." Sabi nya
"Oo may emergency bigla eh, sige kuya akyat na ako" paalam ko kay guard.

Pag pasok ko sa office agad akong pinatawag ni Sir Anton. Kinausap niya ako sa silid niya umabot din kami halos isang oras.

After that, balik na ako sa cubicle ko at balik sa trabaho na

It was 10:30 when my phone ring. It was Rico, bigla akong na excite.

"Hi sunshine" bati niya.
"Hello Rico, oh napatawag ka?" I ask
"Oo eh, uhm busy ka ba?" Balik niyang tanong
"Medyo, kakabalik ko lang kasi sa work" I answered
"Pwede tayo magkita sa lunch break mo? I have something important to say."

Seryoso nga ang tono ng pananalita niya.

"Okay, meet me at the coffee shop near sa office namin nalng mamaya bandang 11:30 pwede naman ako mag early lunch eh" i said.

"Really? Thank you. Okay I'll be there" he said.

After I told him the exact location I end up the call.

Na curious ako sa sasabihin niya, ano kaya yun?

-

Pagdating ng 11:25am nagpaalam ako sa ka office mate ko na mag e-early lunch ako. Tumango naman ito.

Lumabas na ako ng building at naglakad papuntang coffee shop. Walking distance lang naman kasi.

Pag pasok ko Rico was already there, he was waving at me. Lumapit ako sa kanya, napakagwapo niya talaga, ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata. I didn't notice that I was smiling already.

"Hi, kanina ka pa?" I ask
"Hindi naman, kadarating ko lang din".

Nag order muna kami ng food then bumalik kami sa upuan namin.

He is Not My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon