Nasa condo ko na kami ngayon. Tapos na din akong maligo, nakabihis na din ako ng damit. Naglalagay na lang ako ng light make up.Rico was waiting for me sa sala. Kanina, habang namimili ako ng susuotin ko bigla akong na conscious kung ano ba dapat susuotin ko. Dress ba? Jeans? Ewan. Na pressure ako bigla sa presence ni Rico. Hindi naman ako ganito dati..
After choosing a simple dress ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Nakita ko si Rico nahawak ang phone niya at parang may ka text.
"I'm done, let's go. Baka ma late pa tayo" i said
Tumingin siya sa akin. Nataranta naman ako sa tingin niya. Patay di ba bagay ang suot ko?
"You look fantastic Sophia" sambit niya
"T-thanks" nakayuko kong sabi.Umalis na kami ng bahay. Kaya niya pala gustong sumabay sa akin pag uwi kasi iniwan nga pala namin yung kotse ko sa bar.
Tahimik kaming pareho sa byahe. Nag tanong siya kung kinakabahan ba daw ako, sabi ko naman medyo and after that hindi na kami muling nag usap.
It was 12:45 pm when we reach the mall. Trish was already waiting for us sa isang fast food chain.
"Hi Trish" bati ni Rico
"Kuyyaaaa! I miss you" ganting bati ni Trish sabay yakap kay Rico
"Yea, it's been a while. Anyway this is Sophia my girlfriend, Sophia si Trish" pagpapakilala sa amin ni RicoAkmang makikipag shake hands na sana ako when Trish grab me and hug me sabay beso-beso sa magkabila kong pisngi.
"Hi Sophia, nice to meet you" bati niya sa akin
"Hello nice to meet you too" sabi ko.
"Wow kuya, she's beautiful. Ang galing mo talagang pumili" nakangiti niyang sabi
"Of course, ako pa" sagot ni Rico sabay akbay sa akin.Nag order na kami ng food namin kasi pare-pareho kaming di pa nagla-lunch.
While we're eating nag ku-kwentuhan ang mag pinsan. Habang ako nilalantakan ko yung pagkain ko, sobrang gutom ako eh.
"Sophia I assume pupunta ka sa wedding ko ha. Naku excited na ang buong angkan namin na makilala ka" Natatawang sabi ni Trisha
"Naku, baka ihawin nila ako dun" tatawa-tawa kong sabi pero deep inside kinakabahan ako.
"Haha don't worry they'll like you" she saidNapatingin ako kay Rico and he replied with a very sweet smile.
After we eat lunch ay nagyaya si Trisha na mamili ng mga gamit for babies.
"What? Are you pregnant?" Rico said.
"Haha, how I wish kuya" natatawang sagot nito
"Hindi, it's for my fiance sister, she's 6 months old pregnant" pagpapaliwanag niya
"Hoo nagulat ako dun" Rico said
"Naku baka nga maunahan niyo pa ako, kayo nga tong sabay nag breakfast ng tanghaling tapat eh. Ehem" nanunukso nitong sabiNamula ako at napatingin kay Rico, he was looking at me too. Ngumiti siya na parang inaalala ang mga nangyari sa amin
"Ikaw napaka malisyosa mo, kumain lang kami." Rico said
"Haha just kidding.." Trisha saidNag iikot na kami sa mga gamit pambaby when Rico's phone ring nagpaalam siya sa amin na sasagutin niya raw muna ang tawag..
"So... Ikaw pala yung girlfriend ni kuya" si trisha
"He is a good man Sophia, maasikaso, masipag lahat na yata ng good quality na hinahanap mo sa isang tao nasa kanya na." Pagpapatuloy niya
"At nakikita ko din sayo na you're a good person, kanina nung dumating kayo na magkahawak ang kamay you look perfect for each other. Ang saya niyong pag masdan" sabi niya sabay lingon sa akinI don't know what to say, pero kinilig ako dun sa last part na sinabi niya, that we look perfect for each other.
"I know, indeed he is a good man. Don't worry hinding-hindi ko pababayaan si Rico" sabi ko. Kung saan man yun nanggaling ay hindi ko alam.
"Thank you Sophia" nakangiti niyang sabi.