It's been almost 2 weeks after what happened dun sa cafe together with Rico.Naging mas madalas ang palitan ng mga text messages namin, minsan he'll call just to say good morning or good night.
Honestly I am a bit worried, cause the truth is nasasanay na ako sa attention na binibigay niya sa akin. What if, pag natapos na tong pagpapanggap namin ay hahanap-hanapin ko to?
Di naman siguro.
Pero I think I'm lying, cause right now habang nakahiga at nakatitig ako sa kisame ay hinihintay ko ang "good night" text ni Rico.
Habang naghihintay, I closed my eyes at naalala ko na naman yung nangyari sa cafe. Napaka swerte nang babae na magiging totoong girlfriend ni Rico.
Hanggang sa di ko na namalayan nakatulog na pala ako.
..
Nagising ako sa alarm ko ng 6am. Naligo at kumain muna bago pumasok sa office. Friday na naman.
On my way na ako sa office when Rico called..
"Good morning Sunshine"
"Good morning din.."
"Di na kita na text kagabi, tagal namin natapos sa meeting eh"
Ahh! Kaya naman pala..
"Hindi, okay lang.. Nakatulog na din ako kagabi eh" pag kukunwari ko.
"Ganun ba? How's your sleep naman?"
"Okay lang, maganda"
Kasi napanaginipan kita!
"Good to know, anyways can I meet you mamaya sa lunch time mo?" He ask
"Sure, text mo nalang later kung saan"
"Okay, see you later then"
"okay.."
End call...
..
Nakarating ako sa office ng 7:40am.
Ang daming nakatambak na mga trabaho. Inuna kong sagutin lahat ng mga emails bago ako nag proceed sa mga paper works.
Tuloy-tuloy ako sa pagtatrabhao when my office mate tap my back..
"Oh, ang sipag-sipag mo yata. Mag break ka muna 10am na"
Napatingin ako sa wrist watch ko. Grabe, di ko na napansin yung oras.
"Sige, I'll just finish this muna" sabi ko
"Sus, kaya bilib na bilib yung boss natin sayo eh. Haha, sige mauna na kami ha"
Tumawa na lang ako at pinagpatuloy ang trabaho ko.
After 20 mins, natapos ko din.
Tumayo ako at pumunta sa cafeteria namin. Pumili ako ng tinapay at bumili ng kape.
Habang naka upo ako ay bigla ko na lang naisip si Rico, napangiti ako when I remember na magkikita pala kami later.
Naku! Sophia tigil-tigilan mo yang ginagawa mo. Saway ng isip ko.
Hay, ayoko mang isipin pero I guess I know now kung ano tong nararamdaman ko kay Rico.
Wag naman sana..
After kung mag meryenda ay bumalik ulit ako sa cubicle ko at nagpatuloy sa work ko.
Medyo na didistruct na ako kasi hindi mawala sa isip ko si Rico, but at the same time kinakabahan sa natuklasan ko about sa feelings ko.