Ros' POV:Beasmode ako. Pero mas beastmode tong katabi ko. Tahimik lang sya pero hindi yung usual na tahimik. Nakatingin sya ngayon sa sahig na para bang may gustong ibaon don.
Tumayo sya saka sinenyasan ako na umalis na kami at suminod naman yung iba. Sinundo muna namin yung girlfriend ni Art at yung bagong nirereto nila kay Matt.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya pero hindi sya umimik. Simula kanina ay hindi sila nagpapansinan ni Nico at naiilang ako kasi mas sanay akong kinukulit sya ni Nico at mananakit o maglilitanya sya.
Ang plano ay magbabakasyon at mag i-stay kami sa resthouse nila Kim. Magkatabi kami ni Kim. Si Art ang nagdadrive kasama girlfriend nya sa frontseat at si Matt ay si Girlie naman sa pinakadulo samantalang sina Robi at Nico ay sumabay na kay Lois na nagdala din ng kotse nya.
"Alam mo, okay lang naman na magtampo ka sa kanya pero hindi naman tama na hindi mo siya pinapansin." sabi ko sa kanya nubg yumuko sya at ipinikit ang nga mata nya.
"Hindi ako nagtatampo. At pinansin ko sya kanina nung nginitian nya ako." sagot nya.
"Okay lang naman magpanggap ka pero sana wag kang obvious." sabi ko pang nangingiti.
"Ang ingay mo Gene. Nakakairita na." nayayamot na sabi nya.
"Kausapin mo na kasi sya. Ayusin nyo na. Hindi ako sanay e, ha?" sabi ko pa sa kanyang nakangiti. Saka nya isinandal ang ulo nya sa balikat ko.
"Nakakainis lang. Alam mo bang ilang beses ko syang tinext at tinawagan pero laging sasabihin na busy. Tapos kapag tatanungin mo ayaw naman magkwento." hindi ko nakikita ang mukha nya pero alam kong naiinis sya. Ang cute lang nya talaga. Kahit ang cold nya at walang pake madalas hindi parin talaga nya nawawala yung ugali nyang to.
"Magsosorry din sayo yun." sabi ko nalang saka hinawi hawi yung buhok nya sa kamay ko.
Ayokong magtanong kay Nico kasi alam ko namang hindi pa sya ready. Memoryado ko yun. Nahihiya din yun sakin malamang kaya ayaw nya magsabi. Alam kong gusto niya si Kim at natatakot sya doon sa pagkakaibigan na pwedeng maaapektuhan. Isa pa, ako din mismo hindi ko alam kung handa na ako. Kung handa na ba akong ipaubaya nga sya kay Nico. Kung handa na akong tanggapin na hanggang dito lang talaga kami. Na handa na akong umiwas ng konti doon sa mga nakasanayan na namin ni Kim kapag nagsimula ng umamin si Nico sa kanya. Hindi naman kasi pwede na ganito padin kami, dah kung ako, kahit alam kong ipinaubaya na nya si Kim ay masasaktan padin ako kapag makita silang masyadong malapit sa isa't isa.
Yung mga oras na wala ako at siya yung kasama ni Kim. Yung ng panahon na nakikita ko syang nakatitig lang kay Kim at nakangiti tapos biglang nayayamot.. Inasahan ko ng mangyayare to. Hindi ko lang inaasahan na ganito magiging kabilis.
Siguro ngayon na yung tamang oras para kausapin ko sya tungkol dito. Malamang naguguluhan padin sya tungkol kay Janine. At sa nararamdaman nya para kay Kim.
Pagdating namin sa resthouse ay kanya kanyang silang ayos ng damit sa mga kwarto nila. Magkasama ang tatlong babae sa pinakamalaking kwarto. Tapos kaming tatlo naman ni Nico at Art sa isa at yung tatlo doon sa isang kwarto.
Pagkatapos nilang mag ayos ay nagprisinta ng magluto si Robi tulad ng nakasanayan. Yung ibang nga lalake naman ay kaagad na lumabas para matignan ang tanawin.
"Ang ganda talaga dito! Namiss ko tong ganito!" dinig namin kay Art mula sa labas.
"Excited talaga sila." sabi ko't sumang ayon naman si Girlie.
"Nako si Art, sobrang aga magising kasi excited daw talaga na finally mabubuo na din tayo. Pero kahit papano nakakalungkot din na nabawasan na tayo hindi ba." sabi ni Joana na girlfriend ni Art.
BINABASA MO ANG
The Weird One
RomanceMakipag-date sa pinakaweird na estudyante? O makipagbreak sa girlfriend mo? Paano kapag ikaw ang nalagay sa sitwasyong ito? Ano ang pipiliin mo?