Chapter Four

36 2 0
                                    

Chapter Four:

Ros' POV:

After class, nagstay kami ni Nico sa guard house para abangan si Kim palabas. Bago kasi yun dumaan muna kami sa building malapit sa president's office kung saan yung bulleting board para tignan yung schedule ni Kim. So nalaman namin na isang oras after out namin siya naman. Parang stalker lang ang dating namin. Mukha talaga siyang pursigido na maging kaibigan tong si Kim. Ano bang nakain neto? Wala naman akong alam na deal ng barkada ah. Isa pa, panigurado naman na pagkakaibigan lang naman talaga ang habol nya kay Kim dahil una, hindi yung tipo ni Kim, yung Kim NGAYON ah, ang magugustuhan ni Nico. Yung Kim siguro dati baka pwede pa. At higit sa lahat, mahal na mahal ng gagong yun yung haliparot na girlfriend nya. Ewan ko ba kay Nico. Matalinong tao naman pero parang hindi nag-iisip. Panay puso lang ang pinakikinggan. Kaya nga hindi na ako nakekeelam tuwing may away sila nung Janine na yun dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko hindi siya makikinig sakin.

10mins pa ang hinihintay ng maramdaman kong magvibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko yun at tinignan.

Gene! Alis na kayo! Kanina ko pa gusto umuwi! Ano ba yan, paalis muna kaibigan mo! Ikaw tatamaan sakin pag pinatagal mo pa!

Yan yung sabi sa text nya. Ang bait nya sa bestfriend nya no? Oo, bestfriend ko siya. Hindi nga lang siya nakilala ni Nico dahil dun sa mabigat na dahilan na sinabi ko sa inyong ayokong sabihin. Siya nalang tanungin nyo.

Nanlaki bigla yung mga mata ko pagkatapos kong mabasa yun. Kasi kilala ko siya. Kapag nagbanta siyang ganyan ginagawa nya talaga! Bully yun eh!

Biglang hinablot ni Nico sakin yung phone ko mula sa likuran. Hindi ko alam na nakikibasa na pala yung mokong sa text nya. Kumunot ang noo nya saka umupo uli. Hinayaan ko nalang tutal nabasa na din naman nya. Malamang nakikita din kami ngayon ni Kim kung nasaan man siya, dahil kasi diba? Papaano naman nya malalamang andito kami eh wala naman akong nababanggit sa kanya. Bahala siya ngayon makunsensya!

Tumabi ako kay Nico at pinapanuod nalang ang kung ano man ang gagawin nya sa phone ko. Nagsimula na nyang pindutin yung “response” button kaya napatingin nalang ako uli sa mukha nya. Nakayuko na siya nun at ewan ko ba, nung makita ko yung mukha nya bigla nalang tumaas yung balahibo ko. Nayayamot na nakangiti na parang papatay ng tao yung hitsura nya ngayon eh. Weirdo din ang isang to.

Wag kang mag-alala, aalis na kami. Pasensya nalang sa abala, Nico.

Reply nya saka siya biglang tumayo at iniabot sa akin ang phone ko sabay hablot nung bag nya sa upuan saka naglakad na palabas ng campus kaya sumunod nalang ako. Yung hitsura nya parang disappointed na disappointed. Nung makalabas kami, bigla nya akong hinablot saka nya ako kinaladkad dun sa kanto na pinakamalapit sa school. Sabi na eh. Figther tong si mokong hindi to kaagad na susuko lang. Damay na naman ako!

Todo dikit siya ng katawan nya dun sa may basurahan sa kanto habang ako naman pinagmamasdan lang siya at nung makita nya ako, bigla nya akong hinila saka din idikit ang katawan ko dun sa likod ng poste. Tanga neto. Eh pano kotse nya? May common sense naman si Kim no, at mukhang siya wala nun.

Bigla ulit nagvibrate ang phone ko at nung matignan ko yun, isang text uli galing kay Kim ang nakita ko. Pagkabasa ko nun, pabagsak kong hinampas yung phone ko sa tiyan ni Nico. Yung siguradong masasaktan siya.

Tanga. Wag na kayo matago't kuhanin mo nalang yung kotse mo. Nagmumukha na kayong tanga.

Pagkabasa ni Nico dun, mukhang nabigla pa talaga siya sabay silip dun sa paligid ng school at nakita namin si Kim na nakalipat na ng daan at nakatingin sa amin na umiiling iling. Nag-ayos ng tayo si Nico sa alangan na ngumiti habang kumakamot ulo. 'Mokong na to nahiya pa' sa isip ko. Hindi ko na alam ang hitsura ko nito, parang lahat ata ng stress ng mga tao napunta sakin dahil sa dalawang to. Ano ba yan!

The Weird OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon