“Bakit ganyan ang hitsura mo? Hinahanap ka ni Mrs. Villarosa kanina, ikaw nalang daw ang hindi nakakapagpasa nung observation report sa biochemistry natin.” tanong ni Ros sakin pagdating ko sa room ng next subject namin. Nalate ako dahil sa sakit ng pakiramdam ko, tinawanan pa ako nung babaeng yon. Eh sa hindi talaga ako mahilig sumakay ng ganun eh. Nakakahiya >_______< kakakilala palang namin nagkalat na ako.
“Sumakay ako ng roller coaster kagabi eh.” malamyang sagot ko sa kanya at halatang nagpipigil siya ng tawa. “Oh bakit? Ang yabang nito.” inis na sabi ko.
“Hindi, kasi naman, naiimagine ko kung paano humagalpak ng tawa yung si Kim. Hindi ba siya yung kasama mo?” natatawang sabi nya. Ulol to. Alam na ngang napagtawanan ako gagatungan pa. Ih!
“Bakit para yatang kilala mo talaga yung si Diannara Feliciano?” tanong ko.
“Huh? Hindi. Kahit sino naman pagtatawanan ka talaga.” Saka siya tumawa ng malakas. Hindi nung tipo nung si Feliciano, eh ang tahimik nga nya eh. Akala ko nun no comment lang siya pero kung makatawa naman pala akala mo nagjojoke ako, kita na nga nyang suka na ako ng suka eh -,_________,- kunware tahimik, alaskadora din pala.
“Lalake ka ba talaga? Para kang babaeng naglilihi dyan eh! Hahahahaha! Mukha kang tanga! Hahaha!”
Hanggang ngayon hindi ko makalimutan yung tawang yun. Nakakainis siya. Kung makatawag sakin ng mukhang tanga akala mo naman wala ng ibang nasusuka maliban sakin pagkatapos sumakay ng roller coaster -__________-
Nung PE namin, nakita ko na may event sa hall ang mga sophomores kaya nakitingin tingin na din ako saka na din hinila yung bestfriend kong si Ros. Bakit? Wala, hinahanap ko lang si Feliciano. Bakit? Kasi gusto ko siya maging kaibigan. Bakit? Kasi nga interesado nga ako sa kanya. Bakit ako interesado? Tae! Tama na nga.
Inikutan ko ng tingin ang buong hall para icheck kung andun nga si Feliciano, at andoon nga siya. Andun siya sa may dulo ng entrance nakaupo, katabi ng isang babae.
“Bakit mo ba siya hinahanap? Ano bang kailangan mo dun?” naiinis na tanong ni Ros habang nakasandal sa may hagdan habang tinatapik tapik nya yung paa nya sa sahig.
“Wala lang. Ang sabi ko kasi sa kanya gusto ko siya maging kaibigan.” nakangiting sabi ko kay Ros.
“Ulol. Hindi yun papayag.” sabi nya na para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi nya.
“Ayan si Ace oh, sabihin mo na kaya!”
“Ayoko, baka makita ako ni Jasmine eh.”
“Sige na para malaman nya yung mga kalokohan ng labo na yun!”
“Oo nga! Nakakadiri siya! Ang kapal ng mukha nya!”
Bulungan nung mga babaeng nadaan sa harap namin saka napatigil nung harangan sila ni Jasmine at mga alagad nya sa daan.
“Hoy losers! Ano yang mga naririnig ko ha? What are you holding ba? Give it to me nga!” sigaw nya sa mga estudyante saka hinablot nalang bigla yung hawak nung isang estudyante. Bago niya tignan yun, tumingin muna siya sa direksyon namin ni Ros.
“Hi Ace! Hi Ros!” sabi nya sabay nagpacute. Saka ulit ibinaling ang tingin sa mga estudyante bago tignan yung hawak nya.
“Shit! That weirdo! Ang kapal kapal ng mukha nya! She's! Psychotic talaga!” sigaw nya at mukhang gulat na gulat sya sa nakita nya. Ang OA naman ng babaeng to kahit kailan. Napapailing-iling nalang si Ros sa kanya. Bigla siyang umalis sa harapan nung mga estudyante at mukhang merong susugurin na kung sino.
“Sabihin mo na din kay Ace. Sige na!” Bulong nung isa sa mga estudyante sa tabi nya na may hawak din. Saka naman yun dali daling lumapit sakin at iniabot yung hawak nya sabay kumaripas ng takbo.
BINABASA MO ANG
The Weird One
RomanceMakipag-date sa pinakaweird na estudyante? O makipagbreak sa girlfriend mo? Paano kapag ikaw ang nalagay sa sitwasyong ito? Ano ang pipiliin mo?