Chapter Nine

13 1 0
                                    

Diannara's POV:

Unang araw na ng klase at hindi parin ako kinakausap ni Gene. Bakit pa naman kasi isiningit sa usapan ni Rob iyon. Sa bagay, ako naman pala itong hindi nag iingat. Pero nakakainis naman kasi! Sasabihin ko naman talaga eh. At ano namang ikinakagalit masyado ni Gene?

"Nag-usap na ba kayo?" tanong isang araw ni Nico kahit na halata namang hindi p kami nag uusap ni Gene. Pang asar talaga itong isang ito eh.

"Alam mo namang hindi pa, nagtatanong ka pa." pagsusungit ko at naging seryoso ang mukha niya.

"Ano bang nangyari noon? Ano bang nangyari sa inyo ng Keith na yun para magalit si Ros nga ganoon sa kanya? Kilala ko siya, at kung totoong kaibigan niya din si Keith. Hindi siya kaagad agad na magagalit." seryosong tanong niya sa akin.

"Nakaraan na iyon." plain na sabi ko at tinitigan muna niya ako bago magsalita.

"Nakaraan na nga ba iyon? Si Ros ba, naitanong mo ba sa kanya minsan kung nakaraan na din iyon para sa kanya?" seryosong sabi pa niya saka na umalis sa harap ko. Ano bang nangyayari sa mga tao? Pati kumag na yun, nagiging seryoso na.

Ang daming bumabating tao sa akin pero lahat sila hindi ko pinapansin. Napapaisip kasi ako sa sinabi ni Nico.

"Nakaraan na nga ba iyon? "

Paulit ulit na dinig ko sa boses niya sa utak ko. Nakaraan na nga ba iyon para sa akin?

Hanggang sa mga klase ko hindi ako makapag concentrate. Kaya dapat talaga kausapin ko na si Gene.

"Hindi niyo ba talaga alam kung nasaan sila?" tamong ko kina Art nung malamang wala sila Gene at Nico sa court.

"Wala talaga eh. Huling nakita nalang namin sila kaninang umaga, mukhang hindi parin okay si Ros dun sa nalaman niya." sagot ni Rob at binatukan naman siya ni Art at umalis na ako para hanapin sila. Ayoko namang tawagan ni isa sa kanila dahil hindi ko din naman alam kung anong dapat sabihin.

"Nandoon sila sa rooftop. Doon sila madalas pumunta kapag hindi ka nila kasama." sagot nung isa pa mga kaklase nilang napagtanungan ko.

Ros' POV:

"Ano ba kasing problema at ayaw mong kausapin si Dia? Galit ka ba kasi hindi jiya sinabi sayong pinuntahan si ni Keith? Sinabi ko naman sayo hindi ba? Pinaalis siya ni Manong Tonio." pagtatanong ni Nico ng bigla nalang siyang sumulpot kung saan dito sa roof top kung saan gusto ko sanang magpahinga muna at makapag-isip

"Hindi ako galit. Kahit kailan naman hindi ako magagalit sa kanya." kalmadong sagot ko.

"Ganon? Eh ano pala?"

"Takot lang ako. Natatakot ako na makita siyang nasasaktan uli at wala na naman akong magawa. Natatakot ako na baka mawala na naman siya. Ayokong mangyari uli yon. Eh bakit ikaw? Bakit hindi mo siya kinakausap?" seryosong tanong ko at ngumiti siya.

"Kasi wala akong alam. Kaya hindi ko magawang mangeelam sa mga nangyayari. Kinakausap ko nalang kayo para kahit papaano makatulong naman ako na baguhin yang mga iniisip niyo. Kaya sabihin mo sa akin, anong sinasabi mong wala kang nagawa? Nandiyan ka diba? Sinuportahan mo siya. Kaya sa tingin mo ba sasayangin nalang ni Dia yun lahat at hayaan nalang na masaktan siya uli? Hindi tanga si Dia. Alam mo yun. Kaya pwede ba, mag-usap na kayo? Kasi hindi talaga ako makakain ng marami kasi nahihiya akong lumamon mag-isa."

Mokong na to. Akala ko pa naman ang seryoso talaga niya.

"Ros!" biglang sigaw kaklase namin na bigla nalang din sumulpot kung saan. Problema neto? "Si.. S-si Feliciano.." hinihingal na sabi nung kaklase ko.

The Weird OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon