Chapter Eight

6 0 0
                                    

Nico's POV:

"Dia! Andito na ako!" I shouted as soon as I reach the front door. Natagalan ako dahil sa isang weird na lalaking nasa labas ng bahay nina Dia at kinwelyuhan ako't napagkamalan akong magnanakaw at rapist. Ang gwapo ko namang rapist?! Saka baka magnanakaw pa matakot kay Dia ano! Eh kahit yata may lagnat yun kayang mambugbog ng tao e!

Inilagay ko muna sa lalagyan ang pagkaing pinabili niya saka kumuha ng tubig para mainom na niya ang gamot niya saka na nagmadaling umakyat sa kwarto niya at nakita ko sila ni Ros na magkayakap. Medyo masakit ah.

"Bro! Andito ka pala! Ah, so ikaw ang magbabantay sa kanya?" tanong ni Ros kaya pinilit ko nalang ngumiti at tumango sa kanya. Mukha akong tanga.

"Oh Kim. Kumain kana. Kailangan mo na kumain para maging okay kana." sabi ni Ros kay Dia habang kinukuha ang dala kong pagkain para kay Dia

Bakit ganoon? Kahit anong pilit ko sa sarili kong hindi ko siya gusto.. Iba parin ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama.

Ros' POV:

Araw na ng enrollment for second sem at kinailangan ko pang gisingin si Nico. Ang sabi ng mama niya ay lasing na lasing na daw siyang nauwi kagabi. Inaaya din namin siya ni Kim pero ang sabi niya sa amin ay may lakad daw siya. Sino naman kaya ang kasama niya para malasing siya ng sobra.

"Aray.. Sobrang sakit talaga ng ulo ko." daing nito habang nasa sasakyan na kami at papunta sa school. Susunduin na sana namin si Dia pero bigla siyang tumawag at nandoon na daw siya at pinagmamadali kami.

"Gene! Bilisan niyo na kasi! Naiinis na ako sa bwisit na attendant na ito!" sigaw nito sakin sa pang limang tawag niya kaya binilisan ko na nga ang pagdadrive at muntik pa kaming maticketan.

"Mukhang wala na talaga yung sakit at. Naninigaw na." plain na sabi naman ni Nici pagbaba ng call ni Kim. May problema talaga dito, dati rati mangengeelam siya sa usapan o di kaya naman ay ngingiti ngiti dahil sinisigawan ako ni Kim.

"May problema ka ba?" hindi ko mapigilang magtanong.

"Wala na kami ni Janine." seryosong sagot niya kaagad.

"So.. Malamang naman magiging okay kayo uli niyan kapag sinuyo mo na siya uli." nag-aalangang sabi ko. Madalas kasi kapag sinasabi niyang wala na sila ay a week later ay okay na sila uli dahil walang humpay niya itong sinusuyo. Ewan ko ba sa kanya. Hindi ko naman mapakeelaman dahil hindi naman ako ang magdedesisyon para sa relasyon nila.

"Ako anvg nakipag break." biglang sabi niya makaraan ang ilang minutong katahimikan. Congratulations! Natauhan kana! Gusto kong sabihin.

"So.. Are you okay?" I asked .

"Siyempre hindi. But, I will. Ako pa." pinipilit na ngumiting sabi niya saka ko na inihinto ang sasakyan nung makapag park na ako.

Pinuntahan kaagad namin si Kim na nasa dean's office parin daw. Ano naman kaya ginagawa noon sa dean's office? May ginawa kaya siya? Sinapak na naman kaya niya yung hipon na habol ng habol kay Nico?

"Miss.. I wont let you enroll with that name untik you prove that you really are Diannara Feliciano." I heard the dean say as soon as Nico and I entered the office. And saw the old Kim.

"My goodness! What proof do you need? My god, I cant believe this is happening! Mawalang galang na dean, pero nagda-drugs po ba kayo? Dalawang oras na akong andito. I showed you all my ID's and docements already. Ano po bang proof pa ang gusto niyo??" sabi ni Kim na mukhang sasabog na. Pinipigilan kong hindi matawa doon sa narinig ko dahil baka madamay ako sa galit ni Kim, ng tignan ko si Nico ay mukhang pareho lang kami. Pano ba naman kasi, sinong maniniwala na siya so called Labo? Ang layo layo kaya niya sa Diannara na nakilala ng school! Saka parang wala namang nakakita ng totoong hitsura niya dito maliban sa amin.

The Weird OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon