"Ano Nico? Sama ka ba sa gimik ng tropa?" salubong ng barkada kong si Art at member din ng basketball team.
Highschool palang magkakilala na kami, kaya minsan sawaan na sa pagmumukha. Walang hilig sa pag-aaral itong si Art. Ang sabi nya sa amin, nagcollege lang daw sya para sa basketball. Palibhasa eredero ng napakayamang pamilya kaya hindi na kailangang intindihin ang kinabukasan.
"Pass muna 'ko. Tatawag si Janine mamaya eh. Baka magalit 'yon. Alam nyo na." tanggi ko saka na naman nya ako kinunutan ng noo. Alam ko yung ekspresyon na yun, sasabihin na naman nya na under ako.
"Asus! Ayan ka na naman eh. Hindi pa nga kayo kasal, under kana. Ano ba Nico, minsan na nga lang 'to eh." pagpupumilit nya. Saka nya tinapik ang balikat ko.
3rd year highschool palang, kami na ni Janine. Kahit na pa marami na kaming naging pag-aaway, pinipilit kong ayusin yun kahit pa may pagkakataon noon na nalaman kong may dinedate syang iba, nagawa ko syang mapatawad. Ganun ko kasi sya kamahal. Kahit pa ayaw ng karamihan sa mga kaibigan ko sa kanya. Dahil masyado daw syang maarte, arogante, at mapagmataas at kahit sabihin nilang nagmumukha na akong tanga sa relasyon namin. Lalo na ngayong nagcollege sya sa ibang bansa.
"Pumayag ka ba?" tanong ni Ros habang papunta kami sa mga locker room namin saka ko lang siya sinagot ng tango.
Tinutukoy nya ay yung pagyaya sakin ni Art. Oo, ganun natapos ang pag-uusap namin ni Art. Pumayag din ako dahil sa pangongonsensya nya. Bestfriend ko na si Gene Ros Villanueva mula palang ng Junior High na lumipat sila sa village namin at naging magbusiness partners din ang mga magulang namin kaya kung meron mang nakakakilala sa amin ay ang isa't-isa, dahil halos araw-araw na kaming magkasama simula noon. Tahimik lang si Ros, tahimik na maloko. Sya yung lalakeng alam ang priorities sa buhay. Marunong magdesisyon. Alam kung kelan magbiro at kung kelan dapat magseryoso. Sya yung tipo ng lalakeng titilian ng mga babae kapag nag-ayos. Sobrang simple kasi nya, basta may hawak na libro okay na siya. Hindi man lang maisip na ayusin ang buhok kapag umaalis ng bahay. Kadalasan shirt at pants lang ang suot nya plus yung office glasses nya. Well kahit ngayon naman tinitilian na siya ng mga babae, gwapo kasi siya. Hindi nga lang marunong makihalubilo at ayaw na ayaw nya sa mga babaeng naghahabol. Hindi din siya mahilig sa sports, yung ang malaking pagkakaiba namin.
Paglabas namin ng building nakita namin ang isang grupo ng mga babae na pinagpapasa-pasahan ang bag nung babaeng nasa gitna nila. Ewan ko ba, pero para yatang part na ng routine ng mga estudyante rito ang mangbully ng kapwa nila estudyante.
“Sino yun?” tanong ko kay Ros habang naglalakad at nakatingin sa gawi nila. Maputi. Mahaba ang buhok na parang hindi nasusuklayan. Mahabang bangs na tinatakpan ang mukha nya kaya hindi ko na makita ang hitsura nya. Maluwang na long sleeves. Rubber shoes at Pants. Ano ba yan, 21st century na ganito padin ang suot nya? Kaya naman siya binubully ng iba eh.
Yung mga babaeng nakapalibot sa kanya, sa pagkakaalam ko member sila ng cheering squad na pinangungunahan ni Jasmine Martinez. 3Rd year. Maganda. Mayaman. Pero may pagkademonyo ang ugali at kilalang bully ng school. Walang sinasanto si Jasmine. Kahit mga 4th year na mas matanda sa kanya binubully nya.
“Kim Diannara Feliciano. Second year.”sagot ni Ros.
Sa dami ng mga namumuong tanong sa utak ko kung bakit hinahayaan nyang ganunin siya. Kung bakit hindi siya lumaban at kung bakit kilalala nya yung babaeng yun hindi ko na naitanong ng bigla nalang humilata yung isa sa mga alagad ng Jasmine na may hawak ng bag nung babae pagkatapos na sampalin siya nung babaeng nasa gitna nila. Nabaling ang atensyon ng lahat sa gawi nila at biglang napatakbo kami ni Ros papunta sa kanila.
“Lagot. Hindi dapat ginawa ni labo yun.”
“Lalo lang siyang pag-iinitan ng mga grupo ni Jasmine nyan”
BINABASA MO ANG
The Weird One
RomanceMakipag-date sa pinakaweird na estudyante? O makipagbreak sa girlfriend mo? Paano kapag ikaw ang nalagay sa sitwasyong ito? Ano ang pipiliin mo?