Ayun si Kim! Wala siya salamin dyan. Hihi. Imagine nyo habang magkausap sila at ganyan hitsura nya, creepy! XD
-----
Ilang araw din akong hindi makatulog dahil dun. Hindi din naman nagtatanong si Ros sa akin kaya hindi din namin napag-uusapan. Hanggang dun sa may mareceive akong text galing kay Art na ilang araw na ding iniiwasan ako kahit sa mga practice namin.
“Ano Nico? Natanong mo na ba si labo sa date ninyo?”
Sabi dun sa text nya. Oo nga pala, isa pa yun. Hindi ko naman pwedeng hayaan na mawalan din ako ng kaibigan. Pero pano ko gagawin? O kung gagawin ko ba talaga?
Friday nung magkita kami uli Art sa practice kasama sina Matt at Robi. Kinausap naman ako nina Matt at Robi pero tahimik lang si Art, saka lang siya biglang nagslita nung makita namin si labo sa mga bench. I mean yung si Feliciano.
“Ayun na Nico. Tanungin mo na.” sabi ni Art saka ako binulungan nung dalawa na gawin na daw para matapos na yung hindi namin pag-uusap ni Art, habang si Ros, nakatingin lang sakin at mukhang hindi sang-ayon dahil sa ekspresyon ng mukha nya. 'Naikwento na siguro nila sa kanya.' sa isip ko.
Binitawan ko na ang hawak kong bola saka nalang napilitan na lapitan yung si Feliciano. Sana naman makausap ko siya ng maayos. Habang papalapit ako sa kanya, pinipilit kong makita ang mukha nya pero natatakpan na naman yun ng mahabang bangs nya.
“Shit.” bulong nya habang nakatingin siya sa phone nya nung paglapit ko sa kanya. Sinong sinasabihan nyang shit? Ako ba? Ano ba to.
“Excuse me? Diannara right?” pagsisimula ko saka siya napatigil sa pagpindot nung phone nya. Ano bang ginagawa nya?
“Bakit?” tanong nya pero hindi man lang niya ako tinignan saka lang niya ulit tinuloy yung ginagawa nya sa phone nya.
“Pwede ba kitang ayain lumabas? I mean, you see.. I have this--” hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko kung bigla nalang nyang iniabot ang isang papel at nagsalita.
“Sige. Sunduin mo ako ng 6PM sa address na to. May kailangan ka pa?” mabilis na sabi niya. Pumayag siya? Saka kelan nya isinulat tong nasa papel? Bilib din naman ako sa babaeng to. Pumapayag siya sa kung sino-sino? Grabe. Ganun ba talaga kalakas ang confident nya o sadyang iba lang takbo ng pag-uutak nya?
“Patay na.” bulong nya. Patay? Sinong papatayin? Hindi kaya pumayag siya para kunin ang mga lamang loob ko? Hala baka hindi na ako makauwi sa amin neto?
“Huh?” kinakabahang tanong ko sa kanya.
“Game over na ako. Wala na akong lives. Magtutwo million na sana score ko.” sagot nya na walang ekspresyon ang boses habang nakatingin lang siya sa phone nya. Hindi na ako nakasagot at napanganga nalang ako hanggang sa makaalis siya sa harapan ko. Ang weird nya. Hindi ako makapaniwala na ganun siya kaweird. Ano ba yan. Ganito na nga sitwasyon ko ganito pa yung idedate sakin. Okay sana kung yung geek nalang ang ipadate sakin, o yung estudyanteng inaalila ni Jasmine kasi kahit pangit yun nakakausap naman ng matino. Pero siya. Ewan ko ba, napapaisip tuloy ako kung anong maging kinalalabasan ng date naming dalawa.
Kinagabihan, umalis ako sa bahay ng 5:30PM papunta dun sa address na ibinigay nya. 20 mins lang ang byahe papunta dun. Pagdating ko, isang matandang bahay ang nadatnan ko. Yung parang sa mga horror films? Tapos nung pagbaba ko sa kotse napalunok at mas natakot ako sa atmosphere ng lugar, nangilabot ako bigla. Walang mga ilaw ang poste sa street nila, pwera sa isa malapit sa bahay pero kumikislap kislap pa iyon kaya mas nakakatakot. Malaki naman ang bahay pero halatang lumang luma na iyon. Yung mga bahay na kahoy ng mga mayayamang tao noong sinaunang panahon? Ganoon. Babalik na sana ako sa kotse para sana umuwi nalang pero may isang babaeng bigla nalang naglakad sa gilid ko. Sa takot ko, pumikit nalang ako at pagdilat ko napasigaw nalang ako nung makita ko siya na nasa harapan ko na.
BINABASA MO ANG
The Weird One
RomanceMakipag-date sa pinakaweird na estudyante? O makipagbreak sa girlfriend mo? Paano kapag ikaw ang nalagay sa sitwasyong ito? Ano ang pipiliin mo?