Chapter Six

13 1 2
                                    

Ros' POV:

Isang linggong bagot ang inabot ko. Kundi lang kami magpunta ng bayan ay hindi ako makakapag update ng status at hindi ko matatawagan yung dalawa kong bestfriend. Halos lumuhod nako kina mama pero hindi parin talaga sila pumayag na mauna na akong umuwi sa manila kaya nung last day na namin sa farm ay para akong preso na talon ng talon sa tuwa dahil finally ay makakalaya na. Dumaan muna ako sa prutasan at nagpatulong sa isa sa mga tao nina Lolo na mamitas ng mga prutas para kay Kim. Pagkatapos ay dumiretso kaming gatasan ang kambing at baka para na din kay Kim. Kung gano kasi kalakas tumoma ng alak si Manong Tonio eh ganun kalakas tumoma ng gatas si Kim. Pagtapos naman nun ay nangolekta nako ng honey saka dali dali na ding naligo at nagbihis para makauwi na. It took us 3 hours para makauwi at parang nilamas na pizza crust ang laman ko sa sobrang pagod.

"Oh Gene, Lolo Antonio called at uuwi daw sila sa bicol. They want you to take care of Kimmy for a while." my dad said as I ran towards the door of our house pagkababa ko palang ng sasakyan. Namiss ko kasi ng sobra bahay namin. Teka, bat kailangan alagaan si Kim?

"Alam po ba ni Kim yan? Mamaya ako na naman malagot dun ah." Everytime kasi na uuwi sina Manong Tonie sa mga anak nila sa bicol e pinapapunta ako sa bahay ni Kim para may kasama sya pero ang ending ay inaalila lang nya ako at pinapagalitan. Na hindi daw sya batang paslit na kailangang bantayan.

"Baby Kimmy's sick Ros. Bat hindi mo alam??" Pagtatakang tanong naman ng mommy ko. Si Kim me sakit? Bakit di nya sinasabi sakin? Lagi ko naman syang tinatawagan ah para kamustahin ah.

Not that Im an acting boyfriend to Kim kaya everyday ko sya tinatawagan, ginagawa ko lang naman yun para ipaalala mga gamot nya. Pasaway kasi yun, kung hindi lang kulitin ay hindi iinom! Tsk!

"Eh wala naman pong sinasabi sakin e, humanda talaga yang babae na yan!" Sagot ko then I ran towards my room saka naligo. Pagtapos ko ay nagbihis nako agad at nagpaalam na pupuntahan si Kim. Ilang beses kong sinubukan tawagan ang phone nya pero walang sumasagot. Balak ko sana ay magpahinga muna saka ayain sila ni Nico na kumain sa labas, pero since may sakit si Kim ay panigurado namang hindi din ako makakapag pahinga kakaisip kung okay lang sya hangga't hindi ko sya nakikita.

"Kim!" I shouted as the main door open at wala akong narinig na kahit anong response mula sa kanya kaya kumaripas nako ng takbo papuntang kwarto nya.

"Kim!" sigaw ko pa nung hindi ko sya nakita sa kwarto nya at may narinig akong ingay mula sa banyo nya kaya dali dali nakong pumasok dun at dun ko sya nakitang nagsusuka. Bakit ba iniwan sya nina manong Tonio?!

"Ano bang nangyari sayo Kim?? Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na may sakit ka pala?!" pasigaw kong sabi sa kanya at mukhang gulat na gulat sya nung makita ako.

"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong nya at kinunutan ko sya noo.

"Halika ka nga dito!" sigaw ko saka sya inalalayan humiga sa kama. "Ilang ulit kong sinasabi sayo na ipaalam mo sakin kapag nagkakasakit ka diba?! Bakit mo hinayaang iwan ka nina manong Tonio?! Pano kung hindi ako dumating ngayon?!" sermon ko sa kanya saka nya ako niyakap.

"Sorry na. Wag na magalit." matamlay at malambing na boses nya. Yung galit at inis ko e pakiramdam ko bigla nalang nawala. Ang galing talaga mang-uto ng babaeng to.

"Nakainom kana ba ng gamot?" mahinahon na tanong ko at naramdaman ko nalang ang ulo nya na tumango. Tatayo na sana ako para ipaghanda sya ng makakain dahil paniguradong hindi pa sya nakakakain pero pinigilan nya ako at mas hinigpitan ang yakap nya.

"Dito ka lang. Payakap muna." humiga nadin ako para maging komportable sya at ipinaikot ko ang kaliwang braso ko sa ulo nya habang dahan dahang sinusuklayan ng mga daliri ko ang buhok nya at ang kanan naman ay nakayakap sa kanya.

The Weird OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon