Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 1

2K 33 19
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------



Sa wakas natapos din ang exam, nakakalugaw ng utak grabe! Bago ako umuwi sa boarding house ko, lagi akong dumaan sa pinakamalapit na 7 eleven dito sa school para bumili ng paborito kong inumin which is ang mogu mogu.. yummy yummy~

Bumili ako ng isang mogu mogu na Lychee flavor, favorite flavor ko sa lahat hehehe. Nagbayad lang ako saglit sa counter at naglakad na patungo sa boarding house ko since walking distance lang naman, 30 mins lang na paglalakad simula dito.

Tinanggal ko yung takip ng mogu mogu at saka tinikman 'to bago ko ininom, ang chalap chalaaaaaap talaga. Nginuya nguya ko pa yung nata bago ko ulit ininom kaso ..

.

.

ANG MOGU MOGU KOOOO!!

30 PESOS YUUUN!!!

.

.

.

May humigit sa braso ko na kung sino at nagslow motion ang paligid ko ng nabitawan ko ang bote ng mogu mogu ko.

Kinaladkad niya ako papasok ng sasakyan. Tumingin ako sa kanya ng masama pero nabigla ako sa itsura niya kasi..umiiyak siya? At mas lalo kong kinabigla ng sabihin niyang..

.

.

.

.

"Pwede ikaw nalang ang bride ko?"

How do I react?! Goshmiyo!! Pero infairness ang gwapo niya mehehe nakabarong pa siya, bagay sa kanya, ay teka!..

"Ay gago ka! Tinapon mo ang mogu mogu ko! Bayaran mo yun!" -sigaw ko sa kanya.

"Babayaran ko nalang yun, kahit ilan pa basta pumayag ka na."- siya

"Heler??Ano ako kaladkaring babae na basta mo nalang papakasalan ng basta basta nalang? Duh? Eh hindi nga kita kilala e!" -pasigaw kong sabi, aba! tunay naman ang sinabe ko ah!

"Edi magpapakilala ako sayo tapos magpapakilala ka rin sa akin, ok na?" aba? seryoso ba siya sa sinasabi niya?!

"Ughrrr! Bayaran mo muna mogu mogu ko!" Sabay haya ko ng palad ko sa harapan niya.

"So pumapayag ka na?" -siya at si ako naman ..

"Oo na nga!! --hala? Hindi!" Irita kong sabi.

"Pumayag ka na e. " -siya sabay ngiti, ang gwapo..pak na pak-hala!

"Hindi sabi!!" -sigaw ko

"Tara na bibilhan na kita ng mogu mogu mo." -siya

"Hindi sabi!!-sige sige tara na." -awshetipels naman o-oh!



Anong katangahan tong napasok ko!

oOwmeygad!

------------------------------------------------------------------------------------------
.

.

.

Binili niya ako ng isang dosenang mogu mogu at lahat lychee flavor. Dumaan din kami sa mall para bumili ng pamalit niyang damit kasi nga nakabarong siya diba. Nagtungo kami sa park kasi request niya kaya si ako naman tumango tango lang habang umiinom ng mogu mogu . Naupo ako sa swing at siya naman sa isa pang swing sa tabi ko. Nakayuko lang siya at mapapansin mo base sa itsura niya na malungkot talaga siya at masyadong malalim ang ini-isip, kaya naman tumayo ako at pumunta sa sasakyan niya (Feeler much ako no?) at kumuha ng isang mogu mogu.

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon