Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 6

426 26 9
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Kakarating lang namin sa restaurant na tinutukoy ni tita (Mommy ni Ivan, FC much no?). Naupo na kami ni Ivan sa bandang tabi, bali magkatabi kami ni Ivan tapos kaharap ko si lola tapos sa left side ko si lolo. Pinagpapawisan na nga ako ng malamig dahil pareho silang napapatingin sa akin, feeling ko kinikilatis ako. Tahimik lang ako at maya maya dumating na rin yung mga inorder nilang pagkain. Nagsimula na silang magdasal kaya nakigaya narin ako. Habang nakapikit nga ako, sinisilip ko sila kaso ng mapatapat ako kay lola, napapikit na talaga ako at hindi na sumilip. Mulat si lola e, natatakot parin ako sa kanila ni lolo.

Magsisimula palang sana akong sumandok ng kanin kaso si lola sinandukan na ako, mabait naman pala si lola e.. kaso..

"Ito kainin mo , tapos ito ng tumaba ka naman dyuskupo maryosep saka ito, dadagdagan ko pa ng kanin ha? (*sabay sandok at nilagay sa plato ko)" -lola

"Nako iha pasensya ka na, malabo ang mata ni lola eh. Sa plato sana yan ni lolo mo ko ilalagay kaso napalagay sayo." -dagdag pa ni lola

"Na-nako wala po yun, kakainin ko nalang po itong lahat." -sabi ko pero (*lunok laway) kaya ko ba tong kainin lahat? gabundok na kanin at ulam?

"Pasensya na talaga iha ha?" -si lola

"Ok lang po he-he-he" - sabi ko nalang

Nagsimula na nga kaming kumain, talagang pinakaubos ko yung pagkain ko nakakahiya kasi sa angkan ni Ivan pero naku kung sa iba to! Huuuh! Naisupalpal ko na to sa mukha ng naglagay pero siempre joke lang.. sayang ang pagkain, baka magtampo ang grasya.

Busog na busog na ako at tatayo na sana ako para mag cr sana kaso may dessert pa pala!

"Oh ito at ito pati narin ito, ubusin mo ha. (*sabay tingin sa akin) Nako.. pasensya na talaga iha, lagi nalang sayo ko nailalagay ang pagkain." -lola na nakangiti sa akin

"Putragis ka lola, nananadya ka na!" pero hindi yan ang sinabi ko.. at ito "Ok lang po yun kakainin ko nalang he-he-he"

"Kaya mo pa ba? Gusto mo ako na ang kakain niyan." -Ivan

"Hindi, kaya ko pa no." -sabi ko kay Ivan pero sa totoo lang busog na busog na ako

Sinimulan ko ng kainin yun. Nangangalahati na ako at madual dual na ako pero pinipilit ko parin ubusin yun hanggang sa naubos kong lahat at..





grabe lulungad na talaga ako, hindi ko na kaya.

Nagtatakbo na ako sa cr at dun ko na sinuka lahat ng kinain ko. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa kanila. Maluha luha na ako sa pagsuka at napapaupo na ako sa simento, medyo naliliyo na ako. Maya maya may humagod sa likuran ko at paglingon ko si lola na nakangiti sa akin.

"Pasensya na iha kung natakot ka namin ng lolo, sinabi sa amin ni Ivan. Hindi naman namin gusto talagang gawin yun sayo pero gusto lang namin ng lolo na malaman ang ugali mo kaya tinuloy tuloy namin ang pagpapanggap na masungit na lolo at lola sa harap mo. Yung kanina, sinadya ko yun.. tinitingnan ko kung anong irereact mo lalo na ang gagawin mo sa ginawa ko at natutuwa ako sa ginawa mo , pinilit mong ubusin yun. Natutuwa ako na ikaw ang babaeng papakasalan ng apo ko ngayon at hindi yung dati niyang nobya. Sa totoo lang ayoko sa babaeng yun, alam kong may relasyon siya sa kaibigan ng apo ko, pero ang apo ko lagi niyang pinagtangol yung babaeng yun kada sasabihin ko yun sa kanya. Yan tuloy nasaktan siya ng sobra." -sabi ni lola na hagod parin ng hagod sa likuran ko

"Ok ka na ba?" -lola

Tumango tango ako sa kanya at pupunasan ko sana ang mata ko kaso nauna niya itong punasan.

"Sana ikaw na talaga ang para sa apo ko. Mahalin mo siya ha? Alam ko kung paano kayo nagkakilala, kwinento sa akin ni Ivan hehe napalo ko pa nga yun ng pamaypay, hindi ka man lang binigyan ng pagkakataong mag-isip at magdesisyon, basta ka nalang binigla. Pero natatawa nga ako na napa-oo ka agad." -sabi ni lola na natatawa tawa

"Eh kasi naman po siya e, lagi akong dinadaan sa weakness ko." -sabi ko

"Nasabi nga niya, mahilig ka daw sa Mogu mogu." -lola

"Opo hehe, paborito ko po yun." -sabi ko

"Pareho tayo ^__^" -sabi ni lola

"Po??? Pati kayo??"

"Bakit, kayo lang ba ang pwedeng magfavorite ng Mogu mogu? Anong favorite flavor mo, akin strawberry." -lola

"Ay lola maasim yan, yung lychee po ang paborito ko hehe." -sabi ko

At tuloy tuloy na ang pagchichikahan namin ni lola about sa Mogu mogu kung pano namin yun naging favorite hanggang sa makalabas kami ng cr at bumalik sa kanila.

"Getting to know tayo ah?" -sabi ng daddy ni Ivan

Nagkatinginan muna kami ni lola tapos sabay na ngumiti hanggang sa natawa na. Ang gaan gaan ng feeling ko kay lola.

"Pasensya na apo ha?" -sabi ni lolo na nakangiti sa akin

"Naku wala po yun." -sabi ko

"So iha anong pangalan mo? Hindi ka pa pinakikilala ni Ivan sa amin." -mommy ni Ivan

"Oo nga naman, kuya Ivan eh, sinosolo" -sabi nung pinsan ata ni Ivan sabay ngiti sa akin kaya ngumiti din ako

Lumapit sa akin si Ivan at inakbayan ako, tumingin muna siya sa akin saglit at

"Siya si Sunny, ang babaeng papakasalan ko." -Ivan

"So kelan ang kasalan? We need to prepare na." - mommy ni Ivan, Elise

"After that I want a little brother." -sabi nung kyuuut na bata na anak pala ng tita ni Ivan, si Ley kaya napatigil kaming lahat at napatingin sa kanya

"Bakit? Bakit kayo nakatingin immmm.. uwaaaaaaaah Mama mama." - umiyak si Ley kaya nagtawanan nalang kami at pinatahan na ni mommy Elise si Ley

Ang saya saya lang ng araw na ito, akala ko talaga kanina hindi ko sila lahat makakasundo pero eto ako ngayon, nakakahampas na sa mga pinsan ni Ivan at syempre mahina lang no hehe.

"Teka teka, kelan ang kasal?" - tita / mother ni Ley, Fhey

Napatingin naman ako kay Ivan at napangiti naman siya sabay sabing..

"Pwede ng ngayon." -Ivan

*Boink

"Bibiglain mo na naman agad si Sunny? Anong ngayon? Hindi ako papayag, subukan mong gawin di lang hampas at balibang matitikman mo " -si lola na binato ng kutsara si Ivan

"Lola naman e, nagbibiro lang." -Ivan

Natatawa nalang kami habang pinapanuod ang maglola. Masasabi ko na isa to sa pinakamasayang araw na naranasan ko ngayon sa buong buhay ko.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Omo~ Maraming salamat sa inyo
hindi ko nasunod yung 50 reads at mag UUD ako

ngayon talaga susundin ko na kaso..

20 votes for the next UD

Sana mabasa nyo rin ang Unpredictable LOVE :)) at mavote nyo ^_^\/

Short story LANG po ito ..un lang po

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon