Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 7

359 23 11
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Humiwalay na kami ni Ivan sa kanila pagkatapos nun. Sinabihan pa nga ako ni lola na bumisita sa kanila pag wala daw akong ginagawa para daw kwentuhan kami, hehe nakakatuwa talaga si lola.

Inihatid na ako ni Ivan sa aking bahay (hoho aking bahay na yun, bahay ni Ivan soon to be my husband) dahil kailangan kong magpahinga dahil may work pa ako mamaya sa bar, medyo masama pa rin kasi yung tama ng pagkain sa akin e.

Pagkababa ko sa sasakyan. Humarap ako sa kanya.

"Pwede ka ng umalis, magpapahinga na ako. Pumunta ka nalang dito kung sasama ka ulit sa bar." -sabi ko sabay talikod

"Teka, hindi ako aalis dito. Sasamahan nalang kita, sasama din naman ako mamaya sa bar." -siya

"Hala! Ayoko nga." -sabay harap ko

"Pagmamay-ari ko na yan." -sabi niya habang nakangisi

"Sabi ko nga ipark mo na yan at pumasok ka na dito. Ikaw na magsarado ng gate, mauna na ako." -ako
sabay pasok sa loob

Tsk, naisahan ako nitong si Ivan dun ah!

Nagpalit lang ako ng damit at sumalampak na sa kama, sabay taklob ng unan sa mukha ko.
Inaantok na ako-

"Ginagawa mo dito! Labas!" -ako sabay tulak sa kanya

Tumabi ba naman sa akin.

"Pahiga naman ako. Tutulog din ako." -siya sabay siksik sa akin sa kama

"Sa sahig ka kung gusto mo matulog! Makikitulog ka na nga lang ,mang-aagaw ka pa. Dun ka sa sahig o kaya sa sofa sa baba." -sabi ko sabay tulak ulit, kaso sa lakas naman, di manlang mahulog sa kama

"Ehem, hindi ako nang-aagaw, kasama to sa binili ko kaya akin to." -siya habang ngiting ngiti sa akin sabay kuha ng unan ko, sarap jumbagin ng isang to!

"Oo na iyo ng lahat, wag kang didigkit sa akin." -sabay harang ko ng unan sa pagitan namin at tinalikuran ko na siya

Ugh! Kaasar, edi kanya na! Teka--

"Kadadating-dating mo lang diba?"- tanong ko

"Oo, nung nagpapalit ka ng damit nasa may pintu-Aray buhok ko." -siya

"Pervert! Manyak manyak! Wag ka talagang didigkit sakin makikita mo!" - ako sabay tanggal ng pagkakasabunot ko sa buhok niya

"Sunny, bakit ka namumula?"

Aba-at! May gana pang magtanong nakakahiya, napansin nya yun.

"Wala ka na dun wag ka nga. Matutulog ka ba o hindi?!" -sabi ko pero nakatalikod parin sa kanya

"Sabi ko nga tutulog na." -siya

Kawalanghiya din ng isang to, bat hindi ko nga na isarado ang pinto .

Nasanay kasi akong hindi na sinasaraduhan ang pinto ng kwarto ko pati narin sa banyo, kasi naman mag isa lang ako dito e kaso hindi ko naalala andito nga pala tong lalaking to, issh!

Pinakikiramdaman ko siya. Baka kasi kung anong gawin nito sa akin, aba mahirap na hindi ko pa siya gaanong kilala. Ayoko pang mabuntis ng maaga. Ayoko paaa!!

Tagal ko ng pinakikiramdaman siya pero mukhang tulog na nga at antok na rin ako. Mulat pikit,mulat pikit ako hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan..

z Z Z z Z Z z Z Z z

------------------------------------------------------------------------------

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon