Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 2

533 27 4
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan..

Bumangon ako ng maaga para maggrocery since Saturday na ngayon. Nag ayos lang ako ng kaunti tapos bumaba na ako at lumabas na rin pagkatapos. Habang nagsasarado ako ng pinto, may nakita ako sa gilid na tatlong mogu mogu kaya kinuha ko yun at binuksan ulit ang pinto para ilagay sa loob yung dalawa at dala ko yung isa, siempre ng hindi na ako bumili sa labas oh, 30 pesos din yun. Nagsimula na akong maglakad papunta sa paradahan ng tricycle.

Habang naglalakad ako, feeling ko may sumusunod sa akin kaya tigil lingon tigil lingon ako pero wala namang katao tao sa likod ko.

Nakasakay na ako ng tricycle at nagtungo sa palengke, hindi kaya ng budget ko pag sa mall e, may vat kasi dun at bawal pang tumawad, hindi gaya sa palengke nakakatawad, menus menus din kahit papaano.

.

.

Bumaba na ako sa tricycle at nagbayad lang kay manong driver. Humarap na ako sa palengke at nilabas ko na ang listahan ko.

"Ang dami ko palang kailangang bilhin ngayon. " - sabi ko habang naglalakad at iniisa isa yung mga nakalista

Kaso may humigit na naman sa akin kaya napatigil ako. Grabe lang ha, higitan na ba ang uso sa panahon ngayon?

Humarap ako sa kanya and then again tama ang instinct ko, siya na naman.

"Bakit ? Saan mo ko dadalhin? Marami pa akong bibilhin bitawan mo ko!" -pagpupumiglas ko

"Sasamahan kita." -Ivan

"Sa pamamalengke? Haler? Dun ang palengke oh.. hindi jan bulag ka ba?" -sabi ko

"Sasamahan kitang mamili sa mall." -Ivan

"Hanla ayoko dun, mahal dun! Dito nalang sa palengke, andito na rin naman tayo ." -pagmamaktol ko at nagpipipiglas parin kaso ayaw niya akong bitawan

"Ako na ang magbabayad lahat, sagot ko ok?" - siya

"Anla nakakahiya!" -sigaw ko pero mahina lang pero infairness sa isip isip ko Trulala ~ sige sige let's go na..libre mo eh! Minus minus din.

Tumigil siya kaya nauntog ang mukha ko sa likod niya.

Walangya, hagya na tumangos ang ilong ko eh. Yan ang nasa isip ko.

Humarap siya sa akin at..

"Wala kang dapat ikahiya, ikaw ang bride to be ko and right now.." - siya sabay hawak sa isa ko pang kamay

"Will you be my fiancé?" -sabi niya



Ow-emgeeee!! Bigla bigla? As in now na? Ow- em, ow-em!!! Anong sasabihin ko?!...waaaaah!!

"Uhmmm..ano..." - ako

"Tumabi nga kayo jan! Harang kayo sa kalsada. " -sabi ni manong na may buhat buhat na sako ng gulay

"Oo na po!" -sigaw ko kay manong, arte arte pwede naman sa tabi dumaan gusto pa sa gitna tss

"Talaga?" -Ivan



Aw shetipels! Mali ang iniisip mo Ivan, kay manong ko sinabi yun hindi sayo >.<

"Mali mali--- " -ako

"Tara na fiancé ko." -siya sabay ngiti at hinawakan ang isa kong kamay at i-nintertwine ang daliri niya sa daliri ko waaaaaah!!

"Mali ka sabi- " -ako na medyo windang na

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon