Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 13

294 18 8
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Chan's POV

Andito na kami sa isang garden, yung tipong pangfairytale lang ang peg. Kitang kita dito sa kinauupuan ko ang falls sa gilid, ang mga lily na may ibat-ibang kulay ng candles sa ibabaw, ang cute nga eh. Kumikinang kinang sa mata ko. Yung cage na nababalutan ng mga gumagapang na halaman at ang mga kalapati sa loob nito. Dito na siguro kami magde-date. How romantic.

"Uhmm, Sunny." Humarap ako kay Ivan pero bakit nakasimangot siya?

"Pwede ko bang piringan ang mga mata mo?" Sabi niya pero hindi siya tumitingin sa akin. Siguro nahihiya ang mokong na to haha.

"Sus, oo naman. Ako ba ang magpipiring o ikaw na?" Sabi ko sa kanya ng ngiting ngiti, medyo maharot lang. Kinikilig eh.

"A-eh ako nalang." Naglean siya sa akin dahan dahan kaya pumikit ako.
Ramdam ko ang panyo niya sa mga nakapikit kong mata. Ang bango bango, kasing bango niya ngayon. Itinali na niya sa likod ang panyo at naramdaman kong dahan dahan siyang lumayo sa akin at bumaba ng sasakyan. Nag-intay lang ako saglit at maya maya bumukas na yung pintuan. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan.

Hindi siya umiimik kaya hindi narin ako umimik pa. Nagsimula na kaming maglakad. Hawak hawak niya ang kamay ko at naka-alalay ang isa niyang kamay sa likod ko. Rinig na rinig ko ang pagbagsak ng tubig at alam kong papalapit kami ng papalapit sa lugar kung nasaan ang falls. Iniupo niya ako sa upuan at saka binitawan ang kamay ko. Rinig ko ang paghakbang niya papalayo sa akin hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na siya.


"Pwede mo ng tanggalin ang piring mo."

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ng isang babae. Isa siguro siya sa mga inutusan ni Ivan.

Unti-unti ko ng tinanggal ang piring ko at pagmulat ko, sa halip na si Ivan ang makita ko, isang babae ang tumambad sa harapan ko ngayon, isang magandang babae. Hindi ako makaimik parang napipipi ako. Para bang bigla nalang akong kinilabutan at kinabahan. Nasaan si Ivan? Akala ko date namin to? Bakit isang babae ang kaharap ko? Tumingala siya sa pagkakatungo at nagsalita.
















"I'm Ella Garcia, nice meeting you..Sunny."

------------------------------------------------------------------------------------------

Ivan's POV

Naupo ako sa isang malaking bato malapit sa lugar kung saan ko ipinark ang sasakyan. Napapabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kawalan.

Siguro.. nagkita na sila. Ano kaya ang naging reaksyon ni Sunny? Siguro galit na yun sa akin dahil sa hindi niya inaasahan na ang date namin ay mauuwi sa ganito.

"Naihatid ko na siya." Napatingin ako kay Drew na kadarating lang at umupo sa kabilang side ng batong kina-uupuan ko.

"Samalat." Nasabi ko nalang.

"Wala yun." Sabi niya.

Wala ng sumunod na nagsalita sa amin. Tahimik lang kaming nakaupo dun. Para kaming hindi magkakilala ngayon. Parang kaylan lang siya ang kaibigan ko. Karamay ko, kabiruan, kasama sa bawat lakad namin ni Ella pero bakit dumating sa puntong inagaw niya siya sa akin? Mahirap tanggapin na nawalan ako ng isang matalik na kaibigan kasabay ng pagkawala ng mahal ko. Inaamin ko nasasaktan parin ako. Andito parin eh, andito parin yung sakit at sariwang sariwa pa.

"Ivan." Nabasag ang katahimikan ng sinambit niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya at humarap siya sa akin.

"Patawarin mo ako. Alam kong mali ang ginawa ko, maling mali." Yumuko siya kaya napayuko narin ako.

"Pero alam mo sa totoo lang sa kabilang banda, tama rin ako. Kung hindi ko ginawa yun... masasaktan ka parin." Napaangat ako ng ulo at humarap sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian na naman niya ako at na a-asar ako. Tumingala siya at tumingin sa langit.

"Hindi kami ni Ella." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. Alam kong hindi siya nagsisinungaling, dahil kilala ko siya.

"Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin?!" Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang suntukin ng maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko.

Nginitian na naman niya ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya.

Napaupo siya sa damuhan. Pinunasan niya ang putok niyang labi. Nakangiti parin siya. Kinuwelyuhan ko siya at akmang susuntukin ko na ulit siya ng magsalita siya.

"Dahil nakita mo na ang babaeng karapat dapat mong mahalin at mas hihigit pa sa pagmamahal mo kay Ella. Kita ko kayo, bago pa kayo dumating andito na ako at nag-iintay sa pagdating nyo. Kitang kita ko ang pagkukulitan niyo. Tuwang tuwa ka habang siya mukhang asar na asar sayo. Pero alam mo ba kada iirapan ka niya at titingin sa kabilang dereksyon, ngumingiti siya." Tumawa siya at tumingin sa akin ng deretso.

"At habang nakatalikod siya, nakatitig ka lang sa kanya at napapangiti ka.. ibang iba kumpara sa ngiti mo kay Ella." Natigilan ako sa mga sinabi niya. Tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako. Tumayo siya at inayos niya ang suot niya.

"Wag mo na sanang balakin pang puntahan sila doon, baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon.. baka may masaktan ka pa." Naglakad na siyang palayo sa akin at naiwan akong walang kibong nakaupo sa damuhan. Napasuntok nalang ako. Nangingilid ang luha ko. Gusto kong maintindihan ang lahat, gusto kong maintindihan dahil gulong gulo na ako!

------------------------------------------------------------------------------------------

Chan's POV

Humahagulhol na ako sa pag-iyak. Parang ayaw ng pumasok lahat ng mga sinasabi niya sa utak ko. Ngayon alam ko na, alam ko ng lahat. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Ayoko sa ganito eh, pero bakit? Bakit ito hindi ko kaya? Gusto kong sumigaw ng 'tama na' pero hindi ko magawa.

Nagulat ako sa paghawak niya sa mukha ko at ng punasan niya ang luha ko. Umi-iyak na rin siya pero nakukuha parin niyang ngumiti.

"Alagaan mo siya ha? Wag na wag mo siyang papabayaan. Mahal na mahal ko siya, mahal na mahal at alam mo yan. Sana pagdating ng araw na yun masabi mo sa kanya lahat..na gusto kong sabihin sa kanya." Ngintian niya ulit ako at saka niyakap ako ng sobrang higpit.


"Ikaw na ang bahala sa kanya.. Sunny." Mas napahagulhol ako ng sabihin niya yan. Sa totoo lang ayokong sabihin ito kay Ivan. Oo, naaawa ako sa kanila, pero naaawa din naman ako sa sarili ko. Paano naman ako.. paano ang pagmamahal ko kay Ivan? Paano na ang pag-asa ko..ang pag-asa kong matututunan din niya akong mahalin kung dahil lang sa lintek na katotohanang ito mawawala na lang ng basta basta. Hindi ko na alam. Ayoko na, ayoko na!!


------------------------------------------------------------------------------------------

Omo~ pasensya na po~ Maikli ang UD na to. (~/\~)

Pero kita niyo naman dahil love na love ko kau at wala pa sa kalingkingan ang votes hahaha! Nag UD ako..

Hindi ko kayo matiis eh ^_~

Need 10 votes for the next UD po.

Medyo hindi ako contented sa UD na ito. May dalawang choices kasi sa utak ko. Kung ire-revealed ko na o hindi pa.
Nyenye~ yaih na nga.. Pero comment kayo kung ok lang ha?

Thank u thank u sa inyo readers.. Nga pala naghahanap po ako ng admin ng facebook page ng story na to.

PM nyo lang po ako!

Thats all thank you~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon