Pwede Ikaw nalang Bride ko? Part 10

251 12 0
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------

Ivan's POV

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang contact ni Sunny. Gising pa kaya siya? Sabay tingin sa wall clock

12:15 am


[Calling Sunny...]


Ang tagal naman niyang sumagot. Siguro tulog na siya--


"Tadah--AHH!!"


Napabalikwas ako sa pagsigaw niya.

"Sunny!! Sun--"



[toooot tooot tooot]



Asar. Sinubukan ko ulit siyang kontakin pero walang sumasagot. Dali dali akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kotse. Pagminamalas ka nga naman, naiwan ko ang susi sa kwarto. Kailangan kong magmadali baka kung ano ng nangyari dun.

Nakita ko yung bike sa tabi ng garden.




"No choice, but i have to use you. Sorry Mang Jose." Sabay kuha sa bike.




Nangangatog na ang tuhod ko sa sobrang lamig. Tuyong tuyo na ang labi ko.


"Kailangan kong makarating kay Sunny. Ughhh" Hindi ko na kinaya, ang lamig. Tumagilid ang bike at tumilapon ako sa semento.




Tumayo ako dahan dahan at kinuha ang bike. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero ngayon hindi ko na siya macontact. Nag-aalala na ako.


------------------------------------------------------------------------------------------

Hingal na hingal ako pagdating sa harap ng boarding house. Nanghihina na ako.

Lumunok muna ako bago ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Nahihilo na ako. Sagutin mo Sunny.


Ilang saglit lang..



"Hello?" Napangiti nalang ako ng marinig ko ang boses niya. Mukhang ok lang siya.


"Su-sunny.." Mautal utal kong sabi.


"Ivan?"


"Ako...." At unti unti ng nanlabo ang paningin ko.



------------------------------------------------------------------------------------------


Chan's POV


"Hello? Ivan? Hell--" naputol ako sa pagsasalita ng magbago ang boses ng kausap ko.



"Ah miss? Nawalan ng malay yung kausap mo. Dadalhin ko nalang muna siya sa bahay ng kaibigan ko, ok lang ba?" Teka? Boses ni Lex to ah


"Lex?"


"Come again miss?" Si Lex nga to.


" Lex si Sunshine to!" Sigaw ko. Aw! Si Lex ba talaga to o baka kaboses lang.



" Sunshine? "


Dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Nakita ko si Lex na salo salo si Ivan.


"Ivan!" Tinapik tapik ko ang mukha ni niya. Hinawakan ko ang noo niya. Inaapoy siya ng lagnat.




"Lex tulungan mo kong ipasok siya sa kwarto." Kinuha ko ang isang kamay ni Ivan at inilagay sa balikat ko.



"Alalayan mo siya." Dagdag ko pa




"Kilala mo to?" Tanong ni Lex




"Oo siya si Ivan. Siya ang pakakasalan ko."




------------------------------------------------------------------------------------------



Nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama ko. Inilagay ko ang bimpo sa noo niya.
Hindi ko alam kung bakit ang aga aga niya sa labas ng boarding house at nakapantulog pa. May balak makitulog? Siguro nahampas ni lola kaya may konteng galos siya sa mukha? Malay ko. Buti nalang at nakita siya ni Lex kung hindi tsk!. Bobo naman kasi neto. Nasa labas na siya ng boarding house di pa maalam kumatok!


Umuwi na si Lex matapos bumili ng lugaw. Nagmamadali din ang isang yun eh.

Binaling ko ang tingin ko kay Ivan. Para talaga siyang bata, sarap hampasin at siempre joke lang yun. Sarap niyang babyhin yung tipong aalagan mo talaga.

Tumungin ako sa orasan.


3:46am na pala


"Ihmmm.." Napabalik ako ng tingin kay Ivan. Ungot baby hehe. Kukunin ko sana yung bimpo niya sa noo niya kaso umungot na naman siya.


" Su-sunny." Napangiti naman ako saka kinuha yung bimpo


Nagresponse naman ako.

"Hmmmm?" Sabay lubog ng bimpo sa malamig na tubig. Piniga ko muna bago ko nilagay ulit sa noo niya.

Inayos ko ang kumot niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Medyo mainit pa siya. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero pinigilan niya. Ramdam ko ang init ng mga kamay niya.

"Sunny.." Ungot niya.



"Bakit?"









"I'm afraid to lose you.."



------------------------------------------------------------------------------------------


Omo~ ano ba talaga Ivan?! Masasapak na kita!

Haha!


Hello~
Sana mabasa nyo rin yung isa kong one shot story which is entitled IKAW~

Comment kayo ha kung ok lang ang bawat UD ko..

Masayang magbasa ng comments nyo ^_^>

Medyo sutil na bata


Eto na nxt UD kahit 1 vote palang
Dedic ko to for her

Thats all thank you~ BOW

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon