Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 8

364 17 18
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------


"Hahaha, Ivan ang pula mo hahaha!" -ako yan

Nasa stall kami ngayon ni Ivan kasama sina Nick at Darell. Pinakilala ko na kasi si Ivan as my fiancé sa kanila hehe. Hindi nga sila maniwala eh. Kaya ko naman tinatawanan si Ivan kasi ganito yun..


"Ano!!! Hinigit ka lang niya kayo na agad?!" -sabay na sigaw ni Nick at Darell na napabuga pa ng alak dahil sa sinabi ko


"Hindi naman kami agad, kayo ga iiih! Kinabukasan kami officially na naging kami pero hindi ko naman talaga siya gustong sagutin nun eh, nagkataon lang na umepal si manong kaya ayun." -ako


"Ano ka ba naman Sunshine, grabe naman yun. Ng dahil dun naging kayo na agad? Pambihira." - Nick sabay inom ng alak


"Bakit hindi mo pinaliwanag kay Ivan na aksidente lang yun?"-Darell

"Ah..ehh..ano..." -ako


"So gusto mo rin." -sabay nilang sabi


"Kuh kayo ga eh! Hindi naman sa ganun." -ako


"Sus, in denial pa e halata naman." -Nick

"Hindi nga sabi eh.. ano lang kasi..ano kasi..basta! Wag nga kayo!" -ako sabay sipsip dun sa slice ng orange na nakalagay dun sa baso


"Nako ha Sunshine pag yan pinaiyak ka maaga niyang makikita ang impyerno ano nga Darell." -Nick talking to Darell


"Wala ako jan, baka makasama pa ako sa impyerno ng maaga." -Darell


"Manlalaglag ka talaga e no Darell, ayus din." -sarcastic na sabi ni Nick sabay inom ng alak


"Haha pare alam mo naman ayoko ng gulo, mag isa ka nalang kung gusto mo." -Darell


"Oo nalang Darell." -Nick


"Nasan na ba yung Ivan mo, tagal naman sa banyo." - Dagdag pa ni Nick


"Baka ume-ebs hahaha." -Darell


"Wag nga kayo! Bastos ka Darell." -ako


"Hahaha." - Darell


"Sorry medyo natagalan." -Ivan


"Pare u-mebs ka ba?" -Darell


Hayop na Darell to straight to the point talaga? Harap harapan?


"Ah hindi, nagkataon lang na may tumawag sa akin kaya nagtagal ako." -Ivan


"Walangya ka ga Darell." -ako sabay hampas sa kanya


"Pagpasensyahan mo na tong si Darell, ganyan talaga yan e." -ako talking to Ivan


"Nako wala yun." -Ivan na ngumiti sa akin


"Sino ba yung tumawag?" -tanong ko pero biglang nagbago ang expression ng mukha nya pero nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya, bigla na lang siyang ngumiti ulit at..


"Wala yun, wag mo ng problemahin." -sabay gulo niya ng buhok ko, pero pakiramdam ko may iba sa kanya eh simula nung pumunta siya sa cr...parang may mali


"Hoy Sunshine, game na tayo aba." -Nick


Natigil ako sa pag iisip ng magsalita si Nick. Siguro napaparanoid lang ako.


"Game na saan?" -Ivan


"CHILI or DARE." - Darell


"Maghahagis ng piso si Nick, sasabihin mo lang kung tao o ibon ang nasa ibabaw ng palad niya. Pagmali ka ng hula pipili ka sa dalawa .Pag chili pinili mo, siempre kakain ka ng limang sili at pag dare, gagawin mo ang iuutos namin. For example mali ka gusto mo isang dare para kay Darell at dalawang chili sa amin ni Nick, ibig sabihin may isa kang dare at sampung pirasong sili ang kakainin mo."

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon