Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 9

266 11 2
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------


Ivan's POV


"Hays." Pagbubuntong hininga ko. Tumigil ako sa tapat ng bahay. Iniintay kong buksan ni Manong Jose ang gate. Ilang saglit lang,nagtungo na ako papunta sa parking lot.



"Mukhang napapadalas na pong late ang uwi nyo Sir Ivan." Nginitian ko lang siya at nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.






Mukhang tulog na sila.




"Apo." medyo nabading naman ako ng konte dun. Takte. Patay kasi yung ilaw.





"La?" Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko siyang nakaupo sa sofa at ngiting ngiti sa akin.








"Bakit gising pa kayo?Hatinggabi na ah?" Lumapit ako sa kanya at naupo.






"Iniintay talaga kita. Ok ng lahat para sa date nyo ni Sunny apo." Sabi niya.
"Salamat La, ang bilis naman katatawag ko lang sa inyo kanina eh." Nginitian ako ni La kaya ngumiti din ako pero








*pak









"Aray La!" Hinampas lang naman ako ng pamaypay niya. Hilig talaga ako nitong hampas hampasin.





"Siempre ako pa, Alam mo naman apong mabilis akong magprepared sa mga ganyang bagay at isa pa mas iba to kaya i really put an effort for this one.."




Bakit may paghampas pa -___-. Nasabi ko nalang sa isip ko. Baka paslangin na ko nito ng wala sa oras pag sinabi ko pa.





"Pero apo.." Napaangat ako ng ulo. Biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Mukhang alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Tumayo ako at tuloy tuloy na nagtungo sa hagdan pero tumigil din ako.
"Nakiusap si Drew..gusto daw ni Ella na makilala si Sun--" Natigil ako sa pagsasalita ng yakapin ako mula sa likod ni lola. Tinap niya lang ako sa likod saka siya umalis.




Nabato naman ako sa kinatatayuan ko ng sabihin sa akin ito ni lola..





"Wag sanang magbabago ang isip mo pag nakita mo na ulit siya.."










"Baka masaktan si Sunny."



------------------------------------------------------------------------------------------


Nasa kwarto na ako ngayon. Nakatitig lang sa kisame habang nakahiga. It's been 4 days ng huli ko siyang nakita. Hindi ko na siya nakita sa mismong kasal namin at tanging sulat na lang ang dumating. Ipinatong ko ang braso ko sa mata ko. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o magagalit sa kanya, o ikatutuwa ko ba na makikita ko ulit siya. Takte.Naguguluhan ako. Bakit mahal ko pa rin siya.





Naluha na ako. Hindi ko na napigilan. Siya ang naiisip ko.Yung ngiti niya, yung mukha niya ang nagpapaulit-ulit sa isip ko. Bakit lumalabo? Dahil ba sa sinasanggahan ng luha ang mga mata ko- teka? bakit?

Napamulat bigla ako.










"Sunny?"


------------------------------------------------------------------------------------------






Chan's POV


Nagpagulong gulong na ako sa kama.


"Owshet! Ako na ang lucky girl.Haha!"




*blag




"Joke lang! Gah eh!" Nagtalukbong ako ng kumot at medyo kinakabahan na naman dahil sa kalampag na yon. Grabe naman. Back to my old habit na naman ako. Sinandal ko ang likod ko sa may pader at pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko.



"Mahal ko na ba...siya? Agad agad?"





*blag






"Naman eh. Hindi na nga ako iimik *sniff natatakot na ako." Sabay subsob sa tuhod ko.


[ tootaaah toootaaah~ ]





Nagvavibrate yung phone ko sa kama. Kinapa kapa ko kung nasan yun.




"Tadah--AHH!" Nabitawan ko yun cellphone ko. Napapikit nalang ako at nag iintay na dumapo ang pwet ko sa sahig pero mukhang sinuswerte ako. Kama pa siguro ang nabagsakan ko ang lambot eh, akala ko--.




"Buti nalang nasalo kita." Napamulat naman ako. Tao? Teka pamilyar ang boses na yun ah. Wag mong sabihing..




"Lex?" Sabay tanggal ko ng kumot sa mukha ko




"Yep, namiss kita Sunshine ng buhay ko. Pakiss nga." Ngumuso siya na parang hahalik pero tinampal ko ng palad ko.




"Korny paren." Tinawanan niya lang ako. Binaba na niya ako at saka ako niyakap mula sa likod





"Namiss talaga kita Sunshine ng buhay ko."








" Welcome back, bestfriend."







"Panget mo parin!" Sabay kurot niya sa pisngi ko. Walangya eh no!






"Ang laki naman ng ginwapo mo no?" Sarcastic kong sabi sabay hampas ko sa kanya. Bwiset eh!





"Hahaha! Eh gwapo naman talaga ako, may girlfriend eh. Maiba, may nabalitaan ako sayo ha. Ikakasal ka na daw? Pffft" Ai gago to ah. Anong gusto niyang iparating?!






"So what? Pake mo? Mas hamak na gwapo yun kesa sayo." Sabay irap ko.





"Haha! Ikaw talaga Sunshine ng buhay ko, di mabiro. Sino ba si UNLUCKY guy?" Hayuuup! Maka emphasis naman tong isang to kala mo ako na ang pinakamalas na babaeng pakakasalan.

Inirapan ko pang siya at tinalikuran. Kakainis!




"Galit ka na niyan?" Hindi ko siya pinansin. Bahala siya!





" Uy, si Sunshine ng buhay ko nagtatampo." Bigla niya akong kiniliti sa part kung saan talaga kiliting kiliti ako.





"Hayop ka Lex tama na! Hahahaha! Hindi- hindi na ko tampo!!!hahaha! Tama na!" Tinigil naman niya at dinilaan ako





"May pasalubong ako sayo." Sabay kuha niya sa maleta niya. Galing kasi siyang France. Dun na siya pinag aral ng parents niya. Almost 3 years ko na siyang di nakikita. Kaibigan din niya sina Nick kaya siguro dun niya nalaman na ikakasal na ako. Madaldal much na ako! Excited much na ko sa pasalubong niya.





"Heto." Sabay lagay niya sa palad ko ng piso??!





"Niloloko mo ba ako?"




"Teka teka pinahahawakan ko lang yan sayo, ikaw naman! Haha." Owkei fine bwisit!





"Eto na, late na pero Belated Happy Birthday Sunhine ng buhay ko." Aw! Ang sweet sweet parin niya kahit gago paminsan.



Ay gaga! Whaaaaat the!!!


Author what happend!!! Bat di ako nakapagcelebrate ng birthday ko?!

(SB: Uhmm, you know.. Im really really sorry my dear)

Aba! Sige payag na, since wala din naman akong perang panghanda nung birthday ko. Pero duh! Dapat magarbo ang birthday ko sa sunod, ok?


(SB: Uhmm, let me see kung paaabutin ko pa sa birthday mo hehe)


What?! I thought..


(SB: Sssh ok?)


Ok fine! Whatever.


"Hey hey? You there? What can you say?" Nabalik ako sa sarili ko ng makita ko si Lex na nagkakakaway sa harapan ko. Pantanga lang. Ngiting aso eh!. Ssh lang kayo hehe.




"Salamat!" Akma ko ng bubuksan kaso kinuha niya.

"Bakit mo kinuha akin na yan eh!" Pilit kong kinukuha yun sa kanya. Bastos eh, bibigay bigay tas babawiin.




" Yun lang sasabihin mo?"



"Ano ba gusto mo, English? Edi eto THANK YOU. Akin na yan"



Ngumiti siya sabay sabing " Kiss muna."



"Iyo na. Saksak mo sa baga mo!" Sabay irap.



"Hahaha ang cute cute mo talagang mainis. Namumula ang tenga mo pati kilay mo hahaha! Eto na. Your welcome." Inabot niya sa akin yung gift saka ginulo buhok ko. Tumayo siya at nag ayos ng suot niya.



"Mauna na ako. Binisita lang kita." Nginitian niya ako saka kinuha yung maleta niya at saka lumabas ng pinto.




"Lex!!" Sigaw ko kaya napatigil siya at humarap sa akin.





"Ingat! Salamat ulit." Nginitian naman niya ako sabay kidat at flying kiss. Babatuhin ko na sana siya nung alarm clock ko kaso ambilis niyang tumakbo.

Dahan dahan kong binaba ang kamay ko.




"Buti nalang di ko naibato to. Regalo niya rin to sakin nun eh."



[toootaaaah toootaaaah~]




Ay tae! Nagulat naman ako sa phone ko. Nakita ko sa sahig malapit sa pinto mg cr na nag vavibrate kaya dali dali ko yung kinuha at sinagot.


"Hello?"



"Su-sunny.."




"Ivan?"



------------------------------------------------------------------------------------------

Omo~ hello po ^___^>

Pacenxia na at ngayon lang nakapag UD.. Hindi ko alam kung ok ba tong UD ko oh hindi ^_^\/

Sorry sa typo epic

Sana masupportahan nyo ulit to ^_^

5 votes

Comment kayo ha?

Thats all BOW~

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon