------------------------------------------------------------------------------------------
Chan's POV
Owshetipels! Enubeyen! I'm totaly fall for him na. Kasi kasi naman. Siya eh! Pinakikilig ako ng wala sa oras.
Wala na siya dito. Sinundo na siya nina lola. Pinakiusapan ko kasi si Ivan na wag ng matigas ang ulo at umuwi na. Ayun, effective naman.
Medyo dissapointed, ai mali pala haha! Medyo medyo lang, kung baga katiting lang yung pagkadismaya ko dahil sa tingin ko hindi matutuloy yung date namin. Buti nga di natuloy eh, (ang bad ko lang no?) kasi naman ampupu! Nakakahiya kaya sa mga kaklase ko. Hindi naman sa kinakahiya ko si Ivan pero diba readers alam nyo naman kung pano kami nagkakilala tapos magtatanong sila kung pano ko siya nakilala at kung ano ano pang tanong and besides wala pa silang alam na ikakasal na ko kaya ayun.
Tumingin ako sa orasan. Hindi na ako tumulog kasi kada ipipikit ko ang mata ko nagpaplayback ang sinasabi niya kaya hindi din ako makakatulog.
5:05 am na
"Hays..Kamusta na kaya siya?" Tulala lang akong nakatitig sa kisame. Ngumiti ako at bumangon na rin para mag ayos na.
Naligo, nagbihis lang ako at dumeretso na sa kusina para magnoodles.
Kumuha ako sa kahon ng mogu mogu. Ang aga no? Well, sanay na ang tiyan ko dyan. Bago ako umalis, binilang ko muna yun.
" Sa-sampu na lang pala mogu mogu ko." Sabay ngiti. Yung sobrang laking ngiti. Naalala ko kasing su-supplyan ako ni Ivan ng mogu mogu he-he-hee.
Medyo bad :P.
Nag ayos lang ako saglit at nag-intay na lang ng pagsikat ng araw. Nasa sala ako ngayon at nagbrobrowse ng picture sa phone ko. Kahit papano naman maganda ang phone ko de-camera. 6210 nga lang hehe pero atleast may camera.
Tok tok tok
"Ay teneneng!" Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Grabe lang.
Lumapit ako sa pinto at pagbukas ko. Isang lalaking nakajacket na may hood at nakatalikod ang tumambad sa akin. Pagharap niya nginitian niya ako.
"A-Ivan? Diba may sakit ka? Anong ginagawa--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng yakapin niya ako. Medyo gulat pero ayus lang atleast ngayon alam kong ok na siya.
"Thank you nga pala kanina." Biglang humigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa balikat ko. Hinawakan ko ang noo niya.
"Hindi ka pa magaling ah, bakit ka pa nagpunta dito?" Medyo pasigaw yan pero mahina lang. Kasi naman eh. Nag-aalala lang naman ako sa kanya, baka kung mapaano siya.
"Ok na ako, medyo mainit pa ako pero ok na talaga ako. Tara na ihahatid na kita." Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin saka hinawakan ang kamay ko.
"Ivan naman eh!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko siya.
"Umayos ka nga! Alam mong nilalagnat ka pero bakit parang wala lang sayo huh? Gusto mo na bang magpakamatay? Ha?!" Naluluha na ako niyan.
"So-sorry Sunny. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang naman--" Hindi ko na siya pinatapos.
"Tama na." Pinilit kong maging mahinahon. Pinunasan ko ang luha ko saka humarap sa kanya at pinilit ngumiti.
"Sorry. Nag-aalala lang naman ako sayo." Ang sutil talaga ng luha ko Tumulo na naman. Akmang pupunasan ko na sana kaso naunahan niya ako. Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang pisngi ko. Nagkatitigan kami saglit at unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Konting konti na lang at magkakahalikan na kami kaya napapikit ako. Inintay kong magdikit ang labi namin.
Iniintay kong halikan niya ako ..
Hinalikan niya ako..
pero sa noo.
(SB: Dissapointed much Sunshine? *smirk)
Che ka author! Hindi no! Pero konti lang.
(SB: Ow I see..)
"Gusto kitang halikan sa labi kaso gusto ko sana sa araw ng kasal natin ko yun gagawin." Sabi niya habang hawak hawak parin ang aking pisngi.
Napangiti nalang ako at napayakap sa kanya.
Wala na akong ihihiling pa. Sana siya na talaga.
He's so damn perfect for me..
at alam ko sa sarili ko na mahal ko na talaga siya.
"Sunny."
"Hmmm??"
"Tuloy tayo mamaya ha." Napatingala naman ako sa kanya. Tangkad eh.
"Ha?" Pero sa totoo lang pakinig ko naman. Waaaaaah! Owmeygad! Akala ko di na matutuloy eh!
"Sabi ko tuloy tayo mamaya. Susunduin kita ha." Nginitian niya ako.
"Ivan naman! Pahinga ka muna ok? May next time pa naman eh!" Sabi ko sa kanya sabay alis ng pagkakayakap ko sa kanya.
"Hindi na ako papasok. Dito nalang ako magpapahinga. Susunduin na lang kita mamaya." Sabay ngiti niya.
"Hay nako! Bahala ka na nga!" Sabay talikod ko. Tiningnan ko ang relo ko at nanlaki ang mata ko.
"Ai tae ka Ivan late na ako!"
"Gusto mo ihatid na kita?" Tanong niya at mabilis pa sa takbo ng aso ang sagot ko.
"NO! Dito ka na lang ok?!"
"Sabi ko nga." Napahawak naman siya sa batok niya. Ang cute lang--hala! Erase erase kung ano ano pang kagagahan iniisip ko eh malalate na nga ako!
"Alis na ako." Sabay labas ko ng gate.
------------------------------------------------------------------------------------------
Ivan's POV
Nginitian ko lang siya saka kinawayan. Nung nakalabas na siya tumalikod na ako at pumunta sa kusina.
"Te-tekaaa nali-nalimutan ko yung mogu mogu ko hehe." Hingal na hingal siyang kumuha sa kahon ng tatlong mogu mogu. Nagwave lang siya sa akin saka nagtatakbo palabas ng pinto.
Tinanguan ko na lang siya. Speechless eh. Ibang iba talaga si Sunny. Simple lang siya, magaling makisama medyo may sapak din minsan pero maalalahanin. Napapangiti ako pag maaalala kong sobra siyang nag-alala sa akin kagabi.
[troooolaaa trooolaaa~]
Nawala ang ngiti ko ng may tumawag sa akin. Si Drew.
"Hello." Mahinahon kong sabi.
"Ah Ivan."
"Bakit?" Sabay inom ng tubig.
"Hihingi sana ako ng pabor, hindi ako yung mismong humihingi ng pabor, si Ella." Natigilan ako saglit. Pero nagsalita din ako.
"A-ano yun?" Takte!
"Gusto lang niyang makita at makausap si Sunny. Kung maaari wag ka na daw magpakita sa kanya." Nabitawan ko ang baso. Mukhang ayaw niya akong makita. Ang sakit lang takte.
"Ivan ok ka lang ba?"
"O-oo okey lang ako, natabig ko lang yung baso. Si-sige kung yu-n ang gusto niya. Sige may gagawin pa ako." Sabay patay ko ng phone ko. Nanginginig ang kamay ko at biglang sakit ng ulo ko. Naupo ako sa sofa at nahiga.
Ang plano ko ay double date. Ako at si Sunny, siya at si Drew. Pero ayaw niya akong makita.
Siguro ang selfish ko. Sarili ko lang ang iniisip ko. Ginagawa ko lang bang rebound si Sunny? Pero ayokong isipin na ginagawa ko siyang ganun kasi sa totoo lang pinipilit kong mahalin si Sunny. Mahalaga siya sa akin at ayokong mawala siya.
------------------------------------------------------------------------------------------
Omo~ uhmm alam ko pong maiikli pero sana ok lang sa inyo ^_^\/
Comment po kayo ng ganito ^_^>
I need 5 po para sa next UD
Bumabawi po ako sa matagal kong pagkawala ..
Thats all BOW~
BINABASA MO ANG
Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)
JugendliteraturYung naglalakad ka lang habang umiinom ng mogu mogu ng biglang may hihigit sayo at sasabihing “Pwede ikaw nalang ang bride ko?” P*ta nakakapamura, natapon ang mogu mogu ko! Basahin nyo nalang ^_^\/ ALL RIGHTS RESERVED © August 09 , 2013