Pwede ikaw nalang Bride ko? Part 4

409 20 4
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------


Nasa boarding house ko na ako at kasalukuyang nagpapalit ng damit. Tingnan nyo nalang ang suot ko sa tabi kasi wala na akong oras sabihin sa inyo dahil malalate na ako.

Bumaba na ako at nakita ko naman si Ivan na nakatayo sa may pinto. Napansin naman niya ang pagbaba ko kaya napaharap siya sa akin.

"Saan ka ba malalate?" -tanong niya

"Basta sumama ka nalang kung wala ka rin namang gagawin. Tara na?" -sabi ko at nauna ng lumabas

"Palock nalang ng pinto, salamat." -dagdag ko pa hahaha, utusera lang ang peg

Sumakay na ako at nagsit-belt na. Sumakay narin siya matapos saraduhan ang gate ng boarding house ko.

"Pano ako hindi sasama eh sakay ka sa kotse ko." - sabi niya ng nakangiti ng nakakaloko

Ay gaga! Oo nga nuh, shetipels naman o-oh..

"Heh!, tara nalang ok?" -sabi ko sabay tingin sa kabilang side

Tinawanan lang niya ako at pinaandar na niya yung kotse niya. Ilang saglit lang nakarating narin kami sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Nung una, ayaw niyang pumasok at pinipigilan niya akong pumunta dun. Akala niya kasi bar yun na may mga alam nyo na pero pinaliwanag ko naman sa kanya na hindi ganun ang bar na pinagtatrabahuhan ko at ayun napapayag ko din siya sa huli.

"Sunshine, sino yan?" -sabi nung kabandmate ko na guitarist, si Nick

"Ah eh.. basta kasama ko..tara na nga dun." -sabay tulak ko kay Nick papunta dun sa likod ng stage.

Bumalik ako kung saan ko naiwan si Ivan at nakita kong nakaupo na siya sa stall at nagmamasid masid. Napahinto naman ako saglit at napapangiti , para siyang batang walang kaalam alam.

Napansin naman niya ako kaya nilapitan ko na siya.



"Ivan, jan ka muna ha?" -sabi ko

Tumango siya kaya ngumiti ako at nginitian niya rin ako. Nagtatakbo na ako sa likod ng stage at nagrehearsal ng kaunti. Maya maya ay nagsimula ng umakyat sa stage si Nick pati narin yung drummer na si Darell at pumusisyon na. Nagsimula ng magsalita si Nick..

"Ladies and gentlemen, andito na naman kami para magbigay aliw sa inyo sa gabing ito. Sana magustuhan nyo kaya..enjoy." -sabi ni Nick at sininyasan ako

Umakyat na ako sa stage at unang nahagip ng mata ko ay si Ivan na nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa gabing ito. Dati rati hindi naman ako kinakabahan tuwing magpeperform sa unahan. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang magsalita..

"Hello po sa inyo, ako po si Sunshine at nandito po ulit ako sa harapan niyo para maghatid ng isang awitin.." -sabay tingin kay Ivan at..

"Awitin para sa lalaking dumating sa buhay ko ng biglaan.." -sabay ngiti ko at nag sipalakpakan at kantsyawan yung mga tao.

Nagsimula ng magstrum ng gitara si Nick at unti unti naring nagsimula si Darell.

(SB: Search nyo muna yung kanta I will be here for you by Michael Smith sa youtube ng makarelate kayo^_^\/ habang nagbabasa.. isipin nyo nalang babae yung kumakanta)

When you feel the sunlight
Fade into the cold night
Don't know where to turn
I don't know where to turn
And all the dreams you're dreaming
Seem to lose their meaning
Let me in your world
Baby, let me in your world

Pwede ikaw nalang Bride ko? (A Mogu-mogu STORY daw?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon