Kabanata 3

9 1 0
                                    

Game

Lumipas ang isang buwan at wala akong ibang ginawa kundi ang maghanap ng maghanap kay kuya.Sa isang buwan din na yun ay mas lalo pang dumami ang mga kaibigan ko.Lagi na rin kaming naglilibot nina Kim at Nikko, kadalasan nga ay sila ang kasama ko sa paghahanap kay kuya.

Si Seb naman ay madalas kong makita sa bahay. Hindi ko naman siya gaanong pinapansin at kinakausap kasi mukhang laging mainit ang ulo niya - kapag nasa paligid ako. Hinahayaan ko na lang din baka mas lalo pang magalit sa akin tulad nung minsan na sinubukan ko siyang kausapin para yayain na sumama sa amin.

"Ahm , Seb, may gagawin ka ba ngayong Saturday?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako gamit ang galit na mga mata.Bigla naman akong natakot pero nagsalita pa rin ulit ako.

"Balak kasi namin pumunta nina Kim sa Poracay sa Sabado ng hapon kasama yung iba pa nilang mga kaibigan. Baka gusto mong sumama sa amin?"

"Hindi.At wag mo na akong kausapin ulit.Atsaka bakit mo ba ako niyaya? Para lang yan sa mga isip batang katulad mo." Sagot niya.

Dahil doon ay napayuko na lang ako saka walang imik na naglakad palayo.Ang sakit naman niyang magsalita kahit naman matanda na pwede pa din namang mag-swimming diba?

Kaya simula nung araw na yun ay hindi ko na ulit siya nilapitan.Natuloy pa din naman ang swimming kahit na hindi  siya kasama. Pero malungkot si Nikko kasi sabi niya hindi niya daw matatanaw ang tight burning abs ni Seb. Dati naman daw ay laging game si Seb sa mga ganitong galaan sabi Kim sa akin kaya napaisip akong baka ako ang dahilan ng pagtanggi niya.

At ngayong araw naman na ito ay balak kong pumunta sa Plaza. Martes ngayon kaya walang masyadong tao kasi may pasok. Pagkatapos kong makapara ng jeep ay agad ko nang inabot ang bayad ko , pagbalik naman nang sukli ko ay napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa harapan.Nakasuot siya ng sumbrero at naka puting shirt. Tinitigan ko siya nang matagal at napagtanto ko na kamukha siya ni kuya.Nung napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya ay napasulyap siya sa side mirror,  malapit kasi ako sa harap.Nang makita niya ako ay binaba niya pa ang kanyang sumbrero yung tipong matatakpan na ang mukha niya pero hindi ko siya tinigilan.Bigla na lang iyang pumara atsaka tumakbo agad.Ganoon din naman ang ginawa ko dahil nandito na rin naman ako sa Plaza nakita kong tumawid siya kaya tumawid din ako pero napatigil ako sa gitna ng daan ng may nagsigaw ng pangalan ko.

"Cateeeeee!" Liningon ko iyon at nakitang si Kim at Nikko kasama na rin si Kenneth.

Inalis ko rin naman agad ang tingin ko sa kanila dahil balak ko pang sundan yung lalaki.Pahakbang na sana ako ng biglang may narinig akong busina.Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ang isang Honda Civic na paparating.
Ipinikit ko na lang ang mga mata habang hinihintay ang pagtama ng kotse ng maramdaman kong may humila sa akin.

"What the hell are you doing? Balak mo bang magpakamatay?" Tanong nung boses.

Minulat ko naman agad ang mata ko at nakitang paalis na yung kotse.Tiningnan ko rin yung nagsalita at nagulat ng makita ko si...

"Seb?" Tanong ko ng hindi makapaniwala.

"Yes. Why? " kinalas niya na rin ang yakap niya sa akin.

Nakita ko rin na papalapit na si sina Kim, Kenneth, at Nikko.

"God! Sobrang lapit na nun. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo? Sugat? Baka may sugat ka?" Sunud-sunod na tanong niya.

Tanging iling lamang ang nasagot ko dahil naalala  ko yung lalaki kanina. Sigurado ako si Kuya iyon.

"Sino ba kasing hinahabol mo,girl? Bakit parang bigla kang naging lutang? At sa gitna pa mismo ng daan!" Curious na sambit ni Nikko.

"Yung kuya ko. Parang nakita ko siya dito. Magkamukha sila pero hindi ako sigurado kung siya nga iyon." Dahil sa sinabi ko ay napalingon naman sa akin si Kenneth at Seb.

City Of  Love:San Fernando (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon