....With the Twins
Kumain lang kami nang lunch bandang 12:30. Marami akong nalaman tungkol sa kanila. Halos si Kristine lang ang nagsasalita. Puro oo at hindi lang naman ang sagot ni Seb. Ako? Nakatingin lang sa pagkain o di kaya'y kay Kristine. Salita siya ng salita kaya lagi siyang sinasaway ni Seb. Nasa States pala ang parents nilang dalawa at kauuwi lang din ni Sebastian galing sa America. Si Kristine naman ay naiwan dito sa Pilipinas para may mamahala sa mga business nila.
Nang magliligpit na nang mga pinagkainan ay tutulong sana ako kaso pinigilan ako ni Kristine.
"Hep hep hep! Iwan mo na ang mga iyan kina Manang Sol." Saway niya pero hindi ko pa rin binibitawan ang mga plato.
"Okay lang. Kaya ko naman ito eh." Dahilan ko.
"Pero bisita ka namin dito kaya dapat lang na pagsilbihan ka namin." Sabi niya at kinuha ang mga plato sa kamay ko.
"Oo nga naman, hija. Kaya na namin ito. Magpahinga ka na lang doon sa sala." Nakangiting sabi ni Manang Sol kaya hinayaan ko na lang sila.
"Sige po, salamat. Doon na muna po ako." Paalam ko.
Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang sinabi ni Manang Sol.
"Kay galang na bata. Nobya ba iyan ni Sebastian?" Dinig kong tanong niya kay Kristine.
"Hindi pa po pero malapit na. Gustong gusto ko siyang maging kapatid. Bagay silang dalawa." Pero pagkatapos noon ay tumuloy na ako sa sala kung saan naroon si Seb.
Naabutan ko siyang nakaupo pero may kausap sa phone. Nang makita niyang papalapit ako ay agad niya itong ibinaba.
Umupo ako sa katabing sofa sa malapit sa kanya. Kinuha ko ang cellphone sa loob nang aking bag. Nakita kong may isang tawag doon galing kay daddy na hindi ko nasagot kaya agad kong dinial ang number niya. Sa pangatlong ring ay doon niya pa lang sinagot.
"Hello, daddy, bakit po?" Sabi ko pero si Mommy ang sumagot.
"Anak, ang mommy mo ito. Naliligo pa ang Daddy mo? May ipapasabi ka ba?" Malamyos ang tinig na gamit niya.
"Ah wala po. Nakita ko po kasing may tawag siyang hindi ko nasagot." Sagot ko.
"O sige, sasabihin ko na lang sa kanya na tawagan ka niya pagkatapos niya maligo."
Pinutol ko rin agad tawag. Napansin ko naman ang mga tingin ni Sebastian sa akin kaya siya ang binalingan ko.
"Bakit?" Kinakabahang tanong ko.
Umiling lang siya kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko. Gusto kong mag-selfie pero nahihiya ako dahil nakatingin sa akin si Sebastian. Sobrang bigat ng tingin niya sa akin kaya hindi mapigilan ang sarili kong lingunin siya. Nakipagtitigan ako sa kanya pero hindi ko kayang tumagal dahil para akong nawawala sa mga mata niya. Binawi ko rin ang titig ko at inumpisahang kalikutin muli ang aking cellphone. Pinindot ko ang camera pero hindi ko agad itinaas. Nakita ko namang dinugaw iyon si Seb kaya nagsalita na ako.
"Ah can I take a picture, here?" Paalam ko.
"Sure!" Sabi naman niya kaya itinaas ko ang cellphone ko.
Ngumiti muna ako saka ko ito klinick. Nakatatlong pose ako. Isang formal, isang wacky, at isang fierce. Tumayo naman si Seb at naglakad palapit sa akin. Tatanungin ko sana siya kung bakit pero bigla na lang niyang kinuha ang cellphone sa kamay ko.
"Let's take a picture together." Sabi niya.
Itinaas niya na ito kaya ngumiti na lang ako. Sa pangatlong shot ay inakbayan niya ako kaya hindi ko alam kung ano ang itsura ko doon. Sakto namang pagbaba nang phone ay ang paglabas ni Kristine galing sa kusina.
BINABASA MO ANG
City Of Love:San Fernando (UNDER EDITING)
Teen FictionSi Brittney ay isang isip bata,madaldal,at mababaw ang pag-iisip.Lahat ng kanyang gusto ay nakukuha niya.Pero dati iyon.Dahil simula ng makilala niya ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso ay parang nagbago na rin ang ikot ng kanyang mundo.Na...