Fun
Nagpatuloy ang asaran naming magkakaibigan. Si Seb tahimik lang sa isang tabi. Tawa kami nang tawa sa mga kabaliwang sinasabi ni Yvette. Tumahimik lamang kami nang pumasok si Mommy. Mukhang tapos na siyang magluto.
"Cate, handa na ang pagkain. Pumunta na kayo doon. Ikaw din, Seb." Yaya niya.
"Sige po." Sabi ko bago bumitaw sa hawak ni Blue. "May problema ba?"
Kanina ko pa kasi napapansin ang palitan nila nang tingin ni Seb. Hindi naman sila magkakilala dahil ngayon lang umuwi si Blue galing ibang bansa, imposible diba? Umiling lang siya kaya hindi na ako nagtanong pa.
Tumigil na rin sa pag-aasaran ang mga kaibigan ko. Nauna na silang lima kaya naiwan kami ni Seb. Nang nilingon ko siya ay nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin gamit ang galit na mga mata. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan kaya agad akong nagbawi nang tingin. I can't explain what I'm feeling whenever he's around. I am nervous, excited, and happy and I don't know. Is it normal or not?
Tumalikod na ako pero bigla niyang hinila ang braso ko.
"Wait, Brittney!" Pigil niya kaya tiningnan ko siya. "Blue, is he your boyfriend?"
Tiningin ko muna ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. Ibinaba niya rin tingin niya doon tapos tumingin ulit sa alin bago inalis ang pagkakahawak. Itinaas ko ulit ang tingin ko sa kanya at nakitang naghihintay siya aking magiging sagot ko.
Ngumiti muna ako bago umiling atsaka nagsalita. " Nope. He's my bestfriend." Sabi ko.
Tumaas naman ang kilay niya na parang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko. So what? Duh.
Tumalikod na ako nang mag-salita ulit siya.
"Psh! Ang yabang niya." Bulong niya.
"What did you say?" Tanong ko.
"Wala. Let's go." Anyaya niya.
"Yeah you should really go." Biglang nagsalita si Blue kaya napatingin ako sa kanya. Kanina pa ba siya dyan? His jaw clenched. Nakakuyom na rin ang kamao niya. He looks pissed or..... angry?
Lumapit siya sa akin atsaka ako hinila palapit sa kanya. Napapangiti na lang ako sa mga inaasta niya. I miss him. I really do. Lumipat naman ang tingin niya kay Seb kaya napatigil ako sa paglalakad. His eyes were staring intensely at Seb's. God! Here they go again. Hindi ko rin maintidihan ang sarili ko kapag nakikita silang ganito. Mababaliw na yata ako. Nagkatingin silang dalawa. Para akong nakakakita nang mga kuryenteng nanggaling mula sa kanilang mga mata. Magkakilala ba sila? At bakit ganyan ang trato nila sa isa't isa. Pumagitna na ako sa kanila dahil napapansin ko na ang namumuong tensyon.
"Boys, what happening?" Tanong ko pero walang sumagot sa kanila. Patuloy lang sila sa pagtitinginan. "God, stop it, you two!" Sigaw ko.
Doon pa lang sila tumingin sa akin. Magsasalita sana si Seb pero bigla akong hinila ni Blue palayo sa kanya kaya hindi siya natuloy.
Mahigpit ang hawak ni Blue sa braso. Para bang galit siya pero hindi ko alam kung kanino. His eyes were pitch black. He's almost dragging me. Wala naman akong magawa dahil baka lalo siyang magalit. I don't know what's going on between him and Seb but I really think they should stop it now. It's not healthy.
Pagdating namin sa kusina ay kumakain na sila. Kami na lang ang nahuhuli. Agad akong umupo sa tabi ni Yvette. Si Blue naman ay dumeretso sa katabing upuan ni Charles. Walang nagsasalita. They are all quiet. Ang tahimik. Pumasok na rin si Seb at umupo sa silang nasa dulo. Wala siyang katabi. Napalingon ako kay Blue dahil nakita ko ang paninitig niya. There he goes again.
BINABASA MO ANG
City Of Love:San Fernando (UNDER EDITING)
Ficção AdolescenteSi Brittney ay isang isip bata,madaldal,at mababaw ang pag-iisip.Lahat ng kanyang gusto ay nakukuha niya.Pero dati iyon.Dahil simula ng makilala niya ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso ay parang nagbago na rin ang ikot ng kanyang mundo.Na...