Kabanata 6

6 1 0
                                    

Realize


Nakaupo kami ngayon ni Seb dito sa sala at hinihintay lumabas si Kristine. Hanggang ngayon ay medyo nagugulahan pa rin ako kung bakit sila nagaway.

Mula dito ay dinig namin ang padabog na paglalakad ni Kristine. Si Seb tahimik lang dito sa tabi ko. Bulong nang bulong tapos magmumura. Prente siyang nakaupo.

Hinatiran din kami ng juice at cake ni Manang.

"Salamat po." Sabi ko sa matanda.

Nang tumalikod siya ay tumayo rin ako. Humarap muna ako kay Seb para magpaalam.

"Seb, sunod lang ako kay Manang, ha. Tawagin mo na lang ako kapag nandiyan na si Kristine."

Tumango lang siya kaya tumuloy na ako. Nadatnan ko si Manang na naghihiwa nang gulay kaya nilapitan ko siya.

"Manang, tulungan ko na po kayo." Alok ko.

"Naku huwag na, kaya ko na ito." Nakangiti niyang sambit.

"Sige na po. Tingnan niyo po napakarami niyo pang gagawin dito. Ako na lang po dito." Sabi ko sabay hawak sa balikat niya.

"O siya sige. Pakukuluan ko na lang muna itong baboy ha." Ngiti niya.

Nag-umpisa na akong maghiwa. Dahan dahan lang ako dahil baka masugatan ako. Natalikod ako kaya nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Agad akong humarap at nakita ang nakangiting mukha ni Kristine.

"Mukhang nag-eenjoy ka ha?" Tanong niya saka humurap sa mesa.

Mukhang maayos na siya.

"Ah hehe hindi naman." Maikli kong sagot.

"Nga pala, pasensya kana kanina sa amin ni Seb ha. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Napuno kasi ako." Ngayon naman mukha siyang bata.

"Ok lang, Ate. Mukhang masaya naman kayong dalawa. Naiingit nga ako sa inyo eh." Sabi ko nang nakangiti.

"Bakit naman?" Kunot noo niyang tanong.

"Eh kasi kahit na minsan nag-aaway kayo, nandiyan pa rin kayo para sa isa't isa. Eh ako? Isa na nga lang ang kapatid ko tinataguan pa ako." Malungkot kong sabi.

"Matagal na bang hindi bumabalik si Bryan sa inyo?" Tanong niya.

"Hmmm. Say 5 months. Kaya nga ako umuwi dito para mahanap siya eh."

"Nakita mo na ba siya? I mean may alam ka na kung nasaan siya?" Curious ulit niyang tanong.

"Nakita ko na siya, dalawang beses." Napatigil ako nang makita ko ang reaksyon niya.

"Bakit?" Sabi ko.

Umiling lang siya kaya nagpatuloy ako.

"Ang unang beses ay nakita ko siya sa jeep nakasakay. Hindi ako sigurado noong una dahil medyo hindi ko kita ang mukha niya. Pero noong lalapitan ko sana siya ay bigla siyang tumakbo. Doon ko nasiguradong siya nga iyon."

Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy.

"Yung pangalawa ay sa kanto nang Remedios sa harap nang hardware. Ganoon din tumakbo din siya nang lalapit sana ako. At alam mo ba kung anong nakapagtataka doon? Sa dalawang beses na nakita ko si Kuya nandoon si Kim, Kenneth, at Seb."

Yung mukha ni Kristine hindi maipinta lalo nang binanggit ko ang pangalan ng tatlo. Parang guilty na ewan. Hindi ko na lang pinansin at bumalik na sa paghihiwa. Narinig ko pa ang buntong hininga niya. Mukhang lahat sila merong alam. Pero lahat nang iyon ay isinantabi ko muna. All I have to do is focus here. Kailangan ko munang mag-observe bago gumawa nang move.

City Of  Love:San Fernando (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon