Simula

48 5 0
                                    

Simula

For all the times that you rain on my parade

And all the clubs you get in using my name

You think you broke my heart , oh girl for goodness sake

You think I'm cryin'  ooh my ooh well I ain't

And I didn't wanna right a song

'Cause I didn't want anyone thinking I still care

I don't but You still hit my phone up

And baby I've been moving on

And I think you should be something

I don't wanna hold back maybe you should know that

Patuloy akong kumakanta habang pinapanood ang mga taong nagkakagulo sa may bandang harapan ko.Hindi na rin naman ako nag-abala pang tingnan dahil wala rin naman akong  pakealam.

My mama don't like you and she likes everyone

And I'll never like to admit that I was wrong

And I've been so caught up in my job didn't see what's going on

But now I know I  better sleeping on my own

Napatigil lang ako ng biglang may nagsabi  sa pangalan ko.

"Brittney Cate Pineda Sandoval"

Napatingin ako sa lalaking bumanggit ng pangalan ko.Hindi ko siya kilala actually ito ang unang beses ko siyang nakita dito.Sabagay isang linggo pa lang naman ako dito sa Pampanga kaya wala talaga akong kakilala.
Nakatitig lang ako sa mukha nya, hinihintay kong magsalita ulit siya.

"Kanina ka pa hinahanap ng iyong mga magulang.Ang iyong lola naman ay nag-aalala sayo."
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil parang pinipilipit ang kayang dila kapag nagsasalita siya ng tagalog.Napansin niya sigurong nakangiti ako kaya kinunot nya ang noo niya.

"Meron bang nakakatawa?" tanong niya pa ulit kaya napatawa na ako.He's cute though.

"Wala naman but you don't have to speak tagalog if you can't.I can, you know understand english naman." Lalong kumunot ang noo nya kaya tumigil ako sa pagtawa.

"So what are you trying to say? That I should stop speaking tagalog because it doesn't suit me?"matigas na ingles nyang tanong.

"Hindi naman, ang sinasabi ko lang naman ay you don't have to do it just because you are here in the Philippines.Wag pilitin if hindi mo kaya.By the way who are you?" Napatingin naman siya akin na para bang isa akong malaking joke.

"I'm Seb" Seb?His name is so short.Nagtitipid ba ng tinta ng ballpen ang mga magulang nito.
"That's it?I mean I wanna know your full name." I said with matching smile.

"I'm sorry,Brittney but I am not here for some chit-chat.Let's go bago ka pa hanapin ulit ng mga magulang mo"malamig na sagot nito sa akin kaya nawala ang ngiti ko sa labi.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya pero kung minamalas ka nga naman ay nadapa pa ako dahil sa batong nakaharang sa daanan ko.Napapikit ako ng maramdaman ko ang hapdi sa may bandang tuhod ko.Nilingon ko si Seb na patuloy pa rin  sa paglalakad at  mukhang hindi niya napansin ang nangyari.Tuloy-tuloy pa rin siya at mukhang wala talaga siyang balak lumingon sa akin kaya pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng tuhod ko.Pagkatingin ko sa tuhod ko ay nakita kong dumudugo ito dahil medyo nabalatan.Hindi naman gaanong malaki pero mahapdi pa rin.

Pinilit ko paring makalakad papunta kay Seb.Paika-ika na ako at naiiyak nang may humawak sa isang kamay at inalalayan ako.

"Miss, okay ka lang ba?Gusto mo bang dalhin ka namin  sa ospital?" Tanong nung lalaki ,sa kabilang kamay ko naman ay naka-alalay din ang isang babaeng mukhang kasing edad ko lang din.

"Okay lang ako,kuya salamat sa pag-alalay niyo." Tiningan ko ulit si Seb pero hindi pa rin siya lumilingon.Naman eh napakasuplado naman ng lalaking yan.

"Sigurado ka, Miss? Wala naman kaming gagawin kaya pwede ka naming ihatid sa opital." sabi naman ng  babae nang naka-smile.Maganda siya meron din siyang dimples na lumilitaw tuwing ngumingiti siya.

"Ah oo.Sure na ako.Salamat talaga ha."

Ngumiti lang silang dalawa sa akin at nagtanong kung may panyo daw ba ako.Meron naman kaya ibinigay ko sa babae at itinali naman niya sa may tuhod ko.Tinanong ko na rin kung anong pangalan nila.Si Kenneth at Kim magkapatid daw sila.Pagkatapos noon ay umalis na rin sila.Tumingin ulit ako sa banda ni Seb at nakitang nakatingin na siya sa akin.Unti unting bumaba ang tingin niya sa tuhod ko at agad na kumunot ang noo niya.Tatayo na sana ako kaso bigla na lang siyang naglakad patungo sa harap ko.

"What happened to you?"tanong niya at ang kanyang tono ng pananalita ay may halong galit.

"Nadapa ako,hindi ba obviuos!" mataray na sagot ko saka umirap.Naiinis tuloy ako sa kanya.Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala dahil nagawa ko siyang tarayan."What? Are you just going to stare at me until I melt?"tanong ko ulit.He look so stupid.

Umiling lang siya saka ako tinalikuran at nag-umpisa ng mag-lakad.Aba gagong ito iiwan lang ako dito.Isumbong kita sa daddy ko eh.Ako naman ngayon ang nakatitg lang sa kanya habang patuloy siyang naglalakad.Wala rin naman yata siyang pakealam kaya tumayo na rin ako kahit kumikirot pa nang konti ang sugat ko.

Naglakad ako patungo sa sakayan ng mga tricycle.Wala akong balak sumabay sa kanya.Ang sama kaya nang ugali.Nilingon ko muna siya at nakita kong papasok na siya sa kanyang kotse.Agad akong pumasok sa tricycle nang lumingon siya sa banda ko.

"Manong, tara na po.Bilis!"sabi ko kay manong driver.Nang tingnan ko ulit siya ay patakbo siyang nagtutungo sa akin.
"Manong tara na sabi!"sigaw ko sa driver.Bago pa man tuluyang umandar ang tricycle ay humarang na si Seb sa daan kaya hindi kami natuloy.

"What the hell are you doing, Brittney?"sigaw niya sa akin kaya tiningnan ko nang masama.Hindi pa rin ako bumababa sa tricycle kaya siya na mismo ang humila sa akin palabas.Nauntog pa ako sa bubong kaya napapikit ako.Walang hiyang lalaki to.Double Kill.Ang sakit na nang tuhod ko pati ba naman noo.Malas talaga.

"What the fucking hell" sigaw ko sa kanya.Nangigil na talaga ako sa kanya.Mukhang nagulat naman siya sa ginawang pagmumura ko."Ano bang problema mo ha? Uuwi na nga ako sa amin tapos hihilahin mo pa ako.Ayos ka rin ah."

"Well your mom send me here to pick you up.So technically you are going home with me."mahinahon ngunit mariin niyang sabi.

"Eh bakit kailangan mo munang manghila ha?Hindi mo ba nakikita yung tuhod ko!Tapos ngayon yung noo ko naman!"sigaw ko ulit sa kanya

"Tone down your voice.Hindi ka ba nahihiya?"Aba't tinatanong niya talaga ako ha.

"Hoy mister ikaw ba hindi  nahihiya?!I am sitting on that bench peacefully when you suddenly came.Ang sabi hinahanap ako ng mommy ko kaya ngayon bitawan mo na yung kamay ko dahil uuwi na ako!" Sigaw ko parin

"Okay okay I'm sorry for disturbing on that bench but you have to come with me." Mas mahinahon na siya ngayon.Nakipagtitigan pa ako sa kanya mukhang wala siyang balak pakawalan ang kamay ko.Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Fine!"

Tinulungan niya na akong maglakad papuntang sasakyan niya.Hindi niya binitawan ang kamay hanggang sa nakapasok na ako.

"Let go." sabi ko sa kanya.

"Let go of what?" Tanong niya na parang inosente kaya napairap ako."My hand."

Tumingin muna siya sa kamay namin bago niya ito binitawan.Pagkatapos ay ibinalik niy ang tingin niya sa akin at ngumiti.
What the hell!Hindi lang pala siya cute , gwapo din.Haha.Umikot na siya papuntang driver seat.Hindi na ako tumingin sa kanya dahil bigla akong nahiya dahil sa ginawa ko kanina.

Mahabang katahimikan an bumalot sa amin buong biyahe.Hindi ko na kasi siya pinansin magmula ng umalis kami sa harap ng plaza.God! Nabibingi na ako sa sobrang katahimikan kaya tumikhim ako.Nakita ko naman sa gilid ng aking mata na napalingon siya akin.

"You okay?"marahan na tanong niya.Lumingon na rin ako sa kanya pero sa kalsada na nakatoon ang atensyon niya.

"Yeah" sagot ko saka bumuntong hininga.

Hindi na lang ako nagsalita kasi natatanaw ko na ang gate ng aming bahay.Hayy.

I guess it will be all worth it.

City Of  Love:San Fernando (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon