Kabanata 2

11 1 0
                                    

Friends

Pagdating ko sa kanto ng barangay namin ay agad na akong naghanap ng masasakyan.Ang init pa naman dito kapag umaga pero kapag gabi ay sobrang lamig naman.Hindi ako sanay mag-jeep pero kaya ko naman kaya nang nakakita ako ng isa patungong Guagua ay agad ko itong pinara kaso mukhang puno na kaya hindi na muna ako sumakay.Habang naghihintay ay may nakita akong isang babae at lalaki na nag-uusap kaya nilapitan ko.

"Miss, pwede bang mag-tanong?" naka-ngiti kong turan sa babae.Medyo pamilyar siya sa akin kaya tinitigan ko pa siya.Napangiti naman siya ng makita ako.OMG si Kim.

"Kim?" Ako hahaha ang ganda niya ngayon ah.

"Oo ako nga.Kumusta ka na, yung sugat mo okay na ba?" Tanong niya nang nakangiti.

"Ok na.Salamat nga pala sa pagtulong sa akin ha." Sagot ko sa kanya.Mukhang gagala sila ng  kaibigan niya.Sana makahanap na rin ako ng kaibigan para may makasama naman ako kapag naglilibot.

"Naku ano ka ba,wala yun no. Ay nga pala saan ang punta mo?" Tanong niya pero bigla namang  sumingit ang isang lalaki? Ewan ko.

"Kim, bakit di mo naman ako ipakilala sa kanya." Sabi nung lalaki.Ang arte lang ng salita niya pero cute.

"Ah oo nga pala Nikko si Cate at Cate si Nikko." Sabi ni Kim tapos naglahad naman ng kamay si Nikko kaya tinanggap ko.

"Nice meeting you,Nikko." Sambit ko ng may ngiti pero bigla naman siyang nag-sad face.

"Nicole na lang, Cate." Sabi niya.

"Ok" sabay sabay na kaming nag-abang ng jeep patungong Guagua.Nalaman ko rin na kikitain nila yung isa pa nilang kaibigan sa Jollibee.Niyaya rin nila akong kumain at sinabi nilang libre nila kaya sumama na rin ako kahit na medyo nahihiya ako.

Habang naghihintay ng mga order namin ay bigla naman akong tinanong ni Nikko.

"Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh." Tanong niya habang palingon lingon.

"Ah oo.Isang linggo palang kasi ako dito galing ako ng New York." Sagot ko na nakapagpabigla sa kanya.May mali ba sa sinabi ko?

"Ay bongga mo ha.Ako hanggang sa tv ko lang nakikita ang New York pero ikaw narating mo na.Alam mo bang gusto kong pumunta doon kasi napakaraming magagandang damit at sapatos doon." Sabi niya habang kumikislap ang mga mata.

"Gusto mo pumunta ka sa amin.Bibigyan kita ng mga damit ko,hindi nga lang galing New York pero maganda pa rin."alok ko sa kanya para naman maipakilala ko sila kay Lola."Sama ka na rin ,Kim."

"Ha sigurado ka ba.Nakakahiya naman." Sabi niya nang nakayuko.

"Ano ka ba, Kim.Masamang tanggihan ang grasya." Sabi ni naman ni Nicole.

"Tumahimik ka.Ikaw talaga kahit kailan napakawalang hiya mo.Hindi ka ba nahihiya sa kanya kakakilala mo palang nanghihingi ka na agad." Sermon niya sa kaibigan.Si Nicole naman nagkunwaring parang nasaktan.Hinawakan niya ang dibdib niya atsaka nagteary eyes.

"Grabe ka naman. Ang sakit mong magsalita parang hindi tayo magkaibigan." Sabi nya pero parang wala namang epekto kay Kim kaya nagsalita na ako.

"Okay lang yun no.Para naman mabayaran ko yung pagtulong at pag-imbita niyo sakin." Sabi ko nang nakangiti kaya ngumiti na rin silang dalawa.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang order namin at kasabay noon ay ang pagdating din ng kaibigan nila. Paglingon ko ay na-surprise ako dahil nakita kong si Seb ang dumating.

"Brittney?" Nagtataka niyang tanong sa akin.Sasagot sana ako kaso biglang sumingit si Nicole.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Nicole."Oo" sabay pa kami ni Seb.Lumingon ulit sa akin si Seb ng nagtataka.

City Of  Love:San Fernando (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon