Kabanata 1

33 2 0
                                    

Sorry

Pagdating namin sa loob ng bahay ay naabutan kong nakatayo sa may hagdan ang daddy.Nakakunot ang noo at parang galit.Patay talaga ako nito eh.Nang nakita niya ako ay agad siyang bumaba.

"Jesus! Brittney,where have you been?" Agad na tanong niya sa akin.Napanguso nalang ako dahil siguradong sermon ang abot ko nito.Napatingin naman ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang presenya niya.Sumalyap din siya sa akin pero sandali lang at pagkatapos ay bumaling na siya sa daddy ko.Napatingin din naman sa kanya si daddy.Ako naman ay nakatingin pa rin kay Seb.

"You found her?" He ask.I immediately looked away because Dad look at me.

"Yes,tito.Nasa plaza siya habang nanunuod ng mga taong nagkakagulo." halos humalgalpak ako ng tawa dahil sa pagsasalita niya ulit ng tagalog pero pinigilan dahil baka awayin ako.Tinakpan ko ang bibig ko at kinagat ang dila.Napatingin naman ulit sa akin si daddy dahil sa ginawa ko at mas lalong kumunot ang noo niya.

"What's funny?" tanong niya.Sasagot sana ako kaso may narinig akong yapak ng mga paa sa hagdan kaya hindi ko na tinuloy.

Tiningnan ko lang ang  babaeng nakasuot ng isang simpleng black dress.Mommy ko. Lumibot muna ang mata niya kay Seb at Daddy.Nang matagpuan ako ng paningin ay agad na pumula ang pisngi niya dahil sa galit.

"Where have you been,Cate.We are all looking for you!God! Akala ko ay naglayas kana dahil ayaw ka naming palabasin.And your Lola Thelma is really worried about you." galit na sambit niya.

"Pumunta lang ako ng plaza.Namasyal.And that's it"maikling paliwanag ko.

"At ano itong sinasabi ni Sebastian na nandoon ka daw sa mga taong nagkakagulo?" Tanong ulit ni Daddy.So Sebastian pala ang pangalan niya.Cute name.

"Hindi , ah.Nakaupo lang ako doon." Depensa ko naman.Naiinis na naman ako. Parang lagi na lang akong nawawala.Wala pa namang isang oras simula ng umalis ay nagpapanic na sila.Nakita ko ang pagpasada ng tingin ni daddy sakin mula ulo hanggang paa.Kumunot ang noo niya ng makita ang noo at ang tuhod ko.Si mommy naman ay nakatitig lang sa akin.

"What happen--" tanong niya pero mabilis kong pinutol.
"Nadapa ako sa may semento at nauntog ako sa bubong ng tricycle."sagot ko.Mukhang nawawalan na nang pasensya sa akin ang daddy ko dahil kumuyom na ang isang kamay niya.Nangangawit na ako kakatayo dito pero ayaw kong umalis dahil nakakahiya kay Seb.
Ayaw ko namang magmukhang masama sa mata niya.
"Are you done?" Tanong ko sa daddy at mommy ko."You should apologize to your lola"sabi naman ni mommy.

"You"re just overreacting.I'm old and I can handle myself!" sabi ko atsaka nagmartsa palabas ng pinto.

Paglabas ko ay agad akong dumeretso doon sa may garden at naupo sa isa sa mga bench.Ayaw ko namang pakitunguhan ng ganoon ang parents ko pero hindi ko talaga mapigilan lalo na kapag naaalala ko ang kuya ko.I miss him na kaya.I wonder where is he right now.I sigh.I guess that's life , meron lang talagang mga taong mananatili at lilisan.Umihip ang malakas na hangin kaya nakaramdam ako gutom at ginaw.Hindi pa nga pala ako kumain buhat kaninang tanghali.

"Do you think it's right to treat your parent's like that?" biglang tanong ni Seb.Muntik pa nga akong mapasigaw dahil hindi ko agad siya nilingon.Sumunod pala siya.

"No."simpleng sagot ko.

"Alam mo naman palang mali,bakit mo pa ginagawa?" Hindi ko rin alam. Pero hindi ko na nalang sinabi. Ayaw ko din namang sagutin siya dahil ayaw ko nang mapahaba ang usapan namin.

"So, they are right? That you are a brat." Sabi niya sa matigas na ingles.Napatingin na lang ako sa kanya dahil siya palang ang kauna unahang tao na nagsabi sa akin na brat ako.Oo alam ko na yun.Pero wala pa talagang naglakas-loob na magsabi.

Ngumiti na lang ako sa kanya kahit na parang nainis ako bigla.Hayaan na nga, wala naman siyang alam sa mga nangyari sa akin eh.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil balak kong hanapin ang bahay ni Sebastian.
Oo.Nakakahiya mang sabihin pero yun talaga ang gagawin ko ngayon maghapon.Pagkatapos kong naligo at nagbihis ay dumeretso na ako sa kusina.Naabutan ko doon si Lola,Mommy at si Daddy.Nag-uusap usap sila tungkol sa mga business namin.Natahimik naman sila ng pumasok ako.Binaling agad sa akin ni Lola ang atensyon niya pero uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"Good Morning,Cate." Maligayang bati niya sa akin.

"Yeah good morning pero mas magiging good ang morning ko kung nandito si kuya." Tamad na sagot ko.Napatingin naman sila agad sa akin.What? Totoo naman diba mas maganda kung kumpleto kami dito.Duh!

"Cate,anak alam mo namang---"agad ko nang pinutol ang balak sabihin ni Mommy

"Yeah yeah,I know.But do you think Kuya deserves to suffer just because he made those mistakes?" Hindi ko na naman mapigilan ang galit ko at ang bibig ko kapag naaalala ko ang ginawa nila sa kuya ko.How I miss him.Nakita ko namang napayuko na lang si Mommy dahil sa sinabi ko.See.Alam nila na mali pero ginawa pa rin nila.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto para magpalit nang damit.Nagsuot ako ng isang red dress at isang black na pumps.Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba.Naabutan kong nakaupo si Daddy sa sofa sa sala.Nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa nagsalita siya.

"Brittney, we have to talk about your attitude towards us"biglaang sabi ni Daddy.Owkay! Hinarap ko muna siya bago nagsalita.
"What about my attitude?" Sarkastikong sagot ko.

"Sa palagay mo ba ay tama ang pagsagot sagot mo ng  ganyan sa amin ng mommy mo?"

"What do you think?"sarcastic na sagot ko ulit sa kanya.Naguumpisa na namang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming pag-usapan ito eh,wala rin namang magbabago.

"Brittney Cate, hindi kita pinalaking ganyan ha.Hindi na tama ang mga inaasal mo?Bakit  ka ba nagkakaganyan?" Tanong ni Daddy na mukhang naubusan na nang pasensya.

"Really? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagkakaganito?Eh diba kasalanan niyo ni Mommy to? Kung hindi niyo sana inilayo si Kuya sa akin sana hanggang ngayon  maayos parin ang pagsasama natin.Sana hindi ako nagkaka-ganito ngayon!" Sagot ko dahil naubusan na rin ako ng pasensya. Tuluyin ng naputol ang pisi ng pasensya ko.Galit na galit ako sa kanila kaya kahit anong pigil ko sa sarili na wag silang sagutin ay hindi ko kaya.Lagi kong naiisip ang kuya ko na naghihirap ngayong dahil sa kagagawan nila.Masakit sa akin yun.Siya lang kasi yung tanging nasasandalan ko, nasasabihan ko nang mga problema ko.Pero wala!

"Tapos na ba kayo?May lakad pa ako."sabi ko at tumalikod na.

"At saan ka naman pupunta ngayon ha?" Galit na tanong ni daddy.

"Hahanapin ko ang kuya ko" sagot atsaka dire-diretsong lumabas ng bahay.Pagkaharap ko sa may gate ay natanaw ko agad ang isang pamilyar na sasakyan.Biglang bumilis abg tibok ng puso ko ng mapagtanto ko kung kanino ang sasakyan.

Tumigil ito sa mismong harap  ko.Pagkababa ng salamin ay tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Sebastian.

"Uhmm, hi?" Nahihiya kong bati sa kanya.Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at ngumiti.

"Where are you going?" Tanong niya sa akin. Sa inyo sana kaso mukhang hindi ko na  kailangan pang hanapin ang bahay mo kasi nandito kana sa harap ko. Pero siyenpre hindi ko yun sinabi ng malakasan.

"Uh hahanapin ko sana ang kuya ko eh"palusot ko nalang.

Bumaba na siya sa kanyang sasakyan at ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ko.

"Oh okay." Sambit niya ng may ngiti.Pang kahapon lang sinungitan pa ako tapso ngayon heto siya sa harap ko nakagiti.

"By the way, I need to go na.Bye!" Paalam ko sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Brittney, I'm sorry for what I have said last night." Marahan na sambit niya.Ako naman halos mangisay dito sa kinatatayuan ko.

"It's okay"sabi ko ng may kaakibat na ngiti sa labi.Bintawan niya na ang braso ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Hay.Mukhang  kailangan ko na talagang hanapin ang kuya ko.

City Of  Love:San Fernando (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon